My Home Town; Bring Back My Old Memories

18 63
Avatar for MommySwag
2 years ago

Blog's#44

Good morning readcasher.

I had a long day and night yesterday.

Maybe you ask me why?

I am here in my mother's place, kasi may pag-payout na nagaganan kahapon. Anong payout ang sinasabi ko? Payout ito na galing sa iilang kumakandidato sa aming lugar! Isa kasi ako sa mga watcher kaya naman bilang isang watcher ay binabayaran kami para sa aming magiging trabaho sa darating na eleksyon.

Ano ba ang watcher?

Watcher

Tuwing sasapit ang eleksyon,ang bawat na ngangandidato ay may kani-kanilang tao da loob at labas ng bawat precinct number. Sila ang tinatawag na watchers or sa tagalog tagamasid. Tagamasid kung may maling nangyayari sa loob ng precinct na pagbobotohan. Kadalasan ang mga problemang ito ang nagiging dahilan kung bakit may dayaan na nagaganap. At iyon ang dapat bantayan ng mga watchers. May dalawang watcher's ito ay ang.

  • Inside watcher

Mga watcher kung saan nasa loob ng precint. Sila ang tumitingin if may milagrong nagaganap sa loob. Tungkulin nila na makita ang mga bagay sa loob,like kung may mga balota na hindi binabasa. Kung may mga ibang nagtuturo sa bumobuto o kaya naman may mga botante na hindi yun ang name pero nakaboto dun o ang tinatawag na double voters. Kalamitan sa isang precint ay kilala mo kung sino yun,kaya bilang watcher obligasyon mong kilatisin iyon. Upang maging fair ang mangayayring boto sa loob ng precint na iyonv binabantayan.

  • Outside watcher

Ito naman ang mga watchers na umaalalay sa mga boboto sa loob ng precint na iyong binabantayan. Kadalasan ginagawa ng mga ito is sila ang maghahanap kung nandun ba ang iyong pangalan upang hindi na mahirapan pa ang mga boboto na hanapin ang kanilang precint. Kadalasan kasi may mga botante na hindi alam kung nasaan ang kanila precint o name. Kaya bilang isang watcher sa labas kailngan mo gawing madali ang paghahanap ng pangalan sa mga botante.

Yan ang ialng trabaho ng mga watcher. Ilang beses na kong naging watcher, kaya masasabi kong easy peasy nalang ito apra sa akin. Minsan narin akong naging Comelec kung saan kasama ako sa paghatid ng mga balota sa Munisipyo upang ito ay maayos na maihatid.

Ang mga watcher din ang kasama ng mga comelec sa pagbibilang sa loob ng precint. Lahat ng watchers ng bawat kumakandito ay dapat nandun. Bwat kumakandito upang maging fair sa lahat, hindi amgkakaroon ng bawas at hindi rin magkakaroon ng dagdag.

Mahirap maging watcher lalo na kapag nasa loob ka ng precint. Kasi hindi pwedeng tutulog tulog ka roon sa loob ng precint na binabantayan mo. Kailangan mapagmatiyag at maging mapanuri sa bawat nangyayari sa loob ng precint number.

Kaya may payout na nagaganap kahapon at maging ngayon araw. Kaya nandito ako sa bahay ng aking magulang, dahil dito ako nakarehistro bilang botante sa aming Bayan.

Everytime na nandito ako sa aming Barangay grabe ang kasiyahan na aking nararamdaman. Hindi ko namamalayan ang oras sa aming kwentuhan. May mga ala-alang nagbabalik kapag ako'y nandito sa aking lugar. Mga ala-ala na ang sarap balikan katulad na lamang ng larawan na ito

Farm to pork

Noong dalaga ako at noong dito pa kami nakagira malapit dito sa bilihan ng manok at ilog kami madalas bumili ng aming uulamin. Mas mura kasi ang tindang manok compare mo sa palengke o sa ibang bilihan. Dahil may sarili itong poultry kaya mas mura sila mag tinda. May mga karne rin sila ng baboy kaya kung gusto mong makamura ng uulamin na meat or egg dito kana bumili sa farm to pork.

Biya at hipon from ilog

Yan ang bumuhay samin noon until now. Kung hindi napasok ang tatay ko sa munisipyo bilang magwawalis,yan ang kanyang trabaho para mabuhay niya kaming pitong mag-kakapatid. Noon mura pa itong nabibili worth 25 pesos ito isang gatang ng gatamgan ng bigas. (Yung lata or baso na ginagamit para pantakal ng bigas) Yan pa ang gamit noon ng aking ama apra maibenta ang biya at hipon. Marami siyang cunsumer,kadalasan ay mga may kaya sa buhay( rich) dahil paborito nila itong kainin. Nahuhuli ito sa malapit sa ilog samin,kaya fresh na fresh ito. Madali lang din itong lutuin pwedeng pakuluan lang sa asin at kamatis or pwedeng prito.

Naaalala ko noon ito rin ang kinukunan ko ng extra income noong bata ako. Kapag gusto ko magkapera pambili ng candy or mwryenda pagtitindahin ako ng aking tatay or nanay. Ang kadalasan ko naman tinitinda noon ay ang mga malalaking isda or hito( cat fish) kapag may apat na pirasong nahuhuli na ganun ang aking ama pinapantindia na ito sakin sa halagang 15 pesos o minsan 20 depende sa bibili ay nagkakaroon ako ng pera para pambili ng aking meryenda. Napakasaya kaapg naiisip ko ang gamitong pangyayari sa buhay ko. Dahil kahit bata pa ko noon tinuruan na kami ng aming magulang na maging maparaan at madiskarte sa buhay. Kung may gusto kami ,kailangan namin diskartehan kung paano kami magkakaroon ng aming pambili bili ng aming gustong pagkain like candy or snack.

Image from Unsplash

Bumalik din sa aking ala-ala ang aking ginagawa kasama ng aking mga kaibigan noon. Nakita ko kasi na nag bike ang pinsan ko kagabi kasama ang kanyang mga kaibigan. Kaya bumalik lang sa aking alala ang ginagawa namin noon, ang pag bike 🚴 tuwing gabi. Naalala ko pa na tinatakas pa ng aking friend ang mga bike nila sa kanilang bahay tuwing sasapit ang gabi. Kaya sa may lugar dito sa amin ang mga tambay ang tawag samin ay bikers. Tatlo kami noon kaya ang saya lang alalahanin, isa ang pag bike sa naging bonding namin magkakaibigan noon. Basta gusto lang namin mag unwind even gabi sige kami sa pag bike. Hindi pa naman kasi gaanong kadelikado noon kaya inaabot talaga kami ng gabi sa labas.


Iilan lang yan sa mga alala na bumalik sa akin noon at naapgkwentuhan namin kagabi. Isa din sa napagkwentuhan namin ay iyong naging kaibigan ko noon na malapit sa inuupahan namin. Naging friend at the same time naging kaaway ko rin. Kaya totoo din na hindi lahat ng friend is in good terms like kami noong naging kapitbhay namin noon. Good terms kami at first but in the end nagkaroon siya ng inggit kaya naging daan ito para kami ay maging malayo sa isat isa. Nai-kwento sakin na nag ibang bansa na daw ito at himiwalay na sa asawa nito noon. Ang asawa kasi nito ay Borsikos o hindi nagbibigay ng wastong pera sa kanyang asawa. Kadalasan ay naghahanap pa! Kaya dahil doon ay nagkasundo kaming dalawa.

Yan ang mga alala ko noon na bumalik sa akin kagabi. Syempre hindi lang yan iyon pero yan nalang muna ang ibabahagi ko ngayon sa blog na ito. Mga alala na masaya at malungkot ngunit naging isang malaking bahagi sa aking buhay na kailanman ay hindi ko malilimutan.

My Home Town; Bring Back My old Memories.

Sponsors of MommySwag
empty
empty
empty

Thank you to all sponsors block. 😊

You must read their work and you will see how great they are.


Thank You For Reading💞

©MommySwag

LIKE |COMMENTS|SUBCRIBES

9
$ 5.61
$ 5.47 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @Jane
$ 0.05 from @Ruffa
+ 2
Sponsors of MommySwag
empty
empty
empty
Avatar for MommySwag
2 years ago

Comments

Hindi ko p iyan ntry sis watcher sa botohan ng national. Ntry ko ung watcher sa school kapag nag eelection ng overall. Hahaha

$ 0.00
2 years ago

Wahhh never pa akong nainvite as a watcher OMG. Pero may kakilala akong nainvite na. And if ever man mainvite ako never din ako sasali hahaha

$ 0.00
2 years ago

Nag watcher nadin ako before tapos Hindi pakonabayaran hahahaha

$ 0.01
User's avatar Yen
2 years ago

Hala! Grabe yun sis bakit hindi nagbayad. Hirap kaya maging watcher.

$ 0.00
2 years ago

Dati sis may gustong kumuha sakin as watcher, pero tinanggihan ko, mas bet ko parin Yung buboto lang after nun Wala ng iisipin kakapagod din kaya yung nakatayo ka lang sa gilid hehe.

$ 0.01
2 years ago

Hustle din kasi talaga sis kapag watcher ka. Dapat nandun karin bago at matapos ang botohan. Hehe

$ 0.00
2 years ago

Kaag talaga nakauwe ka sa lugar kung saan ka lumaki eh andami agad flashback na mangyayari eh. Tapos unli chika sa mga kababata agad, hehe..

Anyway, ako never a ako naging watcher. Before eh tinanong ako kung gusto ko magwatcher pero di ako pinayagan ng asawa ko.

Sana lang eh maging maayos at payapa ang eleksyon sa Monday.

$ 0.01
2 years ago

Oo nga sis sana lang talaga magingnpayapa at maayos ang eleksyon ngayon daratingbna election.

$ 0.00
2 years ago

Agoi.. May pa "badil" nb kayo jan? We call it badil yung pera binibigay ng mga politicians tuwing sasapit ang eleksyon haha

$ 0.01
2 years ago

Piling lugar lang sis. Kapag hindi sila malakas dun sa isang lugar dun sila nagbibigay ng badil. 😁

$ 0.00
2 years ago

nangangamoy eleksyon na talga hehe diko pa natry mag watcher

$ 0.01
2 years ago

Opo. Talagang maeeleksyon na. Ramdam na ang tensyon.

$ 0.00
2 years ago

the place of birth has provided history for us not to forget the way we have lived in it.

$ 0.01
2 years ago

That was true. It's really had a lot of memories that must not to forgotten.😉

$ 0.00
2 years ago

Yung ate ko rin watcher kaya medyu busy talaga sya.

$ 0.01
2 years ago

Matrabajo din kasi ang pagiging watcher. 😁

$ 0.00
2 years ago

Brother in law ko ngayon sis ay mag watcher,last election ying asawa ng ate ko watcher din malaki pala sahod kaso walang tulog😁

$ 0.01
2 years ago

Yun lang ang hirap kapag watcher. Talagang kasmaa ka din sa paghatid ng balota sa munsipyo. Sisisguraduhin na safe ang balota. 😊o nabilang ng tama ang mga bomuto.

$ 0.00
2 years ago