Behind my multiple relationships in the past ( Cheater is a choice not a mistake)

14 39
Avatar for MommySwag
1 year ago

Blogs#47

It's 1:08 AM but still, I am awake. So for me to get to sleep I read some of my co-writers here. Some of the articles give me the idea to do this blog of mine.

Thanks, sis @Jeansapphire39 for your article in Once a cheater always a cheater. It brings back the memories of when I was like that in my past relationship. I admit that it was wrong to do it, maling mali talaga. I remember na isa sa mga niloko ko noon at nagbitaw pa ng salita na " makakahanap din daw ako ng katapat ko" At tama siya doon. Nakahanap nga ako ng katapat ko, ang masakit ay yung taong yun ay yung taong first love ko pa.

Balik tayo sa nagsabi sakin na "Makakahanap daw ako ng katapat" isa siya sa apat na naging boufriend ko sabay- sabay silang apat. Actually nauna yung isang lalaki na nagpapansin sakin, Johnfred and name niya. He was a computer engineer at that time. First year college kaming pareho at the same school, nagtake ako ng Bussiness nun (Major in Management) kaya may konti tayong alam when it comes sa mga Bussiness na yan. Konti lang ha! Sorry wala akong photo that time kasi wala pa kong cellphone na ginagamit, uso pa nun dati ay yung mga mp3 na may camera then ipapa print na agad. Pero wala din akong picture ni Johnfred maging yung ibang naging jowa ko that time. Pero ganun pa man, once na makita ko sila ay makikilala ko parin sila ewan ko nalang kung ganun din sila sa akin.

Kung tatanungin niyo ko bakit ko nagawang mag cheat at magsabay- sabay ng jowa that time,isa lang ang isasagot ko. Feeling maganda kasi ako that time, Promise! Haha Hindi ko din kasi alam kung bakit pero kasi dahil narin siguro bawat isa sa kanila ay may napapala ako like si Johnfred super sweet niya boyfie, lagi niya kong gustong kasma kumain at gwapings din syempre. Basta he treats me like a princess noon,at dahil narin sa gwapo nga siya madami akong naiinis sakin na nagkakagusto sa kanya. All the girls sa department nila ay tinatanong ako,kung ako ba daw ay gf ni Johnfred.

My reasons behind my multiple boyfriend and their names.

  • Johnfred

Katuald ng sinabi ko sa taas si Johnfred ang first bf ko. Pag tungtong ko sa kolehiyo dun pa lamang ako nagkaroon ng bf. May mga nanliligaw sakin noon pero hindi ko nasasagot dahil laging may side comments ang pudra ko. Alam muna ang ugali ng mga magulang kapag ayaw mag jowa ang anak lahat ng pwedeng ipintas ay sasabihin nila. Kaya noong first year college ako ay hindi ko na hinayaan na manligaw yung mga may gusto sakin sa bahay. Sinasagot ko nalang sila. At ganun ang nangyari kay Johnfred.

  • My Reason

Dahil si johnfred ay sweet na tao at talagang gwapo ay napasagot niya ko ng isang linggo lang na panliligaw. Nag-umpisa yun sa asaran, Sport fest yun sa pagakkatandan ko. Nakasuot ang ng department shirt nun then habang nagpaparade kami ay may isang lalaking nagpapansin at binabasa yung nasa likod ng shirt namin ng mga classmate ko. "Go Bussiniess " yan yung naka-print sa likurang bahagi ng t-shirt namin. Lahat ng classmate ni Johnfred maging si Johnfred ay nagpapansin. So at first i thought sa mga classmate ko sila nagpapansin then biglang nung nandun na kami sa gym para manood ng program. Nasa likod ko na silang apat, sabay kulbit and they ask may name. Hindi sila yung apat na boyfie ko ha,mga classmate ni johnfred at si johnfred yun. Dun nagstart ang lahat. Hinayaan ng tatlo na si johnfred ang manligaw sakin,nagparaya daw yung tatlo. Hindi naman ako nagkamali na sagutin si johnfred kasi sweet siya na boyfriend, siya yung boyfriend na ipagmamalaki ka. Ititigil niya yung ginagawa niya para sayo, Nga pala dancer si Johnfred ng school namin. Kaya tueing practice nila,kasmaa ako at pinapakilala niya ko sa mga grupo niya. Nakakatwa nga kasi yung classmate ko nung high school ay ka grupo niya sa sayaw. Kaya ayun hindi rin ako na O.P (out of place) kapag nanonood ako ng practice.

Kaya lang dahil sa alam ko na maraming babae na umaaligid sa kanya. Hindi ko mapigilan na isipin na baka may iba bukod sakin. Kaya hindi rin ako lubusang nagpatianod sa aking nararamdaman. Si johnfred man ang naging first bf ko pero hindi siya ang first kiss ko. At never kaming dumating sa point na may nangyaring ganun, haha sobrang bait at magalang sa babae si johnfred.

  • Ang sunod kong naging jowa habang jowa ko si Johnfred ay si Peter James

Si PJ ay kabaliktaran ni Johnfred. Si PJ ay sweet din pero mas gusto niya yung reveling one. Kung baga gusto niya mga sexy ganern. Ang best description kay PJ is "Maginoo pero medyo Bastos" haha clingy na boyfie si PJ, gusto niya yung PDA. Kahit may mga tao gusto niya nakayakap siya sayo,holding hands kayo. Si PJ ang first love ko at siya rin ang first heart break ko. Siya rin yung nakatapat ko. Balak ko mag-sulat ng kwento about sa kanya pero sige hapyawan ko na muna dito.

Unang kita ko palang kay PJ na love at first na ko. Ako na yung nag first move para lang makuha yung number niya. Uso pa kasi ang nun then ayun yung pinsna niya na jowa ng classmate ko ay buto naman sakin kaya binigay naman niya agad. Kaya lang si PJ mas gusto ying isa naming classmate na malaki ang dibdib, kaya ayun did not work. Kaya ang nangyari sinagot ko si Johnfred. Pero textmate parin kami ni PJ pero dahil sa alam ko na hindi niya ko type kaya parang friendly text lang ang nangyayari.

  • My Reason

    Nung narealize ni PJ na gusto niya ko. Bf ko na si Johnfred kaya ang nagyari sinabi ko yun kay PJ ito h si PJ is willing maging boyfriend ko habang bf ko si johnfred. Yan ang dahilan at simula ng lahat.

  • Next ay si Alex

Si alex ay hindi student sa school namin. Nagwowork na siya at kaya naman naging kami ay dahil sa classmate ko na binigay yung number ko kay alex. Kaya nanliligaw si alex sakin tru text, kaya lagi akong may load that time. Kasi kapah hindi ako nagrereply pinapaloadan niya ko. Isa yun sa dahilan king bakit sinagot ko siya knowing na may bf na kong dalawa.

  • My reason

Dahil sa load. Ang babaw ano po. Si alex din yung nagsabi sakin na "Makakahanap din ako ng katapat"

  • Last but not the least Si Jojo

Si Jojo ay kababata ko sa lugar namin, nagwowork narin siya kaya naman hindi ako hirap kong isa siya sa magiging jowa ko. Beside mabait din siya sakin. Noon pa man au crush na pala ako ni jojo kaya naman sa tuwing maglalaro kami ng pool (parang billiard pero hindi bilog ang bola kung hindi flat ay nilalaro ito by cards) ay pinapanalo niya ko. Kaya naman naiinis sakin yung isa naming kababata na babae na may crush sa kanya.

  • My reason

Mabait at binibigyan ako ng load. Same kay alex ang reason kay Jojo.


Mababaw ang reason ko kung bakit ko nagawa yung maging cheater noon. Ganun pa amn ay hindi ko pinagmamalaki na naging taksil o cheater ako. Dahil totoo ang kasabihan na " Cheater is a choice not a mistake." Dahil kung tutuusin may choice ako na huwag gawin ang mga bagay na yan pero pinili kong gawin. Kaya sa huli ako din ang umiiyak, Naghiwalay kami ni Jonhfred for unknown reason as if wala. Bigla nalang nag tranfer si Johnfred ng school, hindi ako umiiyak pero parang nalungkot din ako sa pagkawala niya ng walang paalam.

Kay PJ naman habang kami pala ay may gf siya na iba sa laguna. Pinagsasabay niya kami kaya pala okay lang sa kanya na maging joea ko siya kahit may jowa na kong iba. Yun pala ganun din ginagawa niya. Its hurts sa kanilang apat kay PJ ako lubos na nasaktan. Nahirapan pa ko na pagsabayin sila ni Johnfred lalo at same school lang kami. Isa sa mahirap na part ay ying acquitance party namin na kung saan piangsabay ko silang dalawa. Though si Paj alam niya na jowa ko di johnfred he knows kung kelan lalapit sakin. Kaya kapag nasa tabi ko si johnfred aalis si PJ kapag wala si PJ ang nasa tabi ko. Pero minsan pareho silang wala kaya yung ginoong pamantasan namin noon ay naisayaw din ako that time. Sayang lang at wala akong picture pero ang gwapo din nun. Haha

Kay alex naman ako sobrang naawa, kaya sinabi ko sa sarili ko na ayoko na ng ganun. Ayoko na makasakit dahil hindi nakakaganda ang manakit ng kapwa. Akala mo lang sa una masarap yung tipong ang daming nagkakagusto sayo feeling mo ang ganda ganda mo pero once na nagkamali ka at nakasakit ka ng damdamin ng iba. Mas masahol pa sa sakit ang mararamdaman mo kapag nakasakit ka ng tao na mabait at wlang ginaw akung hindi mahalin ka.

Kay jojo naman madali naman diyang nakamove on kasi nakipagbalikan siya sa ex niya. nagkahiwalay kami gabi ng aquitance party one month lang tinagl ng relasyon namin. Akala ko kasi walang future kay JOJO pero totoo ang kasabihan na "Dont judge the book by his cover" dahil ngaun ay kasalukuyang nasa America na si Jojo dun nagwowork kasama ang mama niya. Citizen na nga ata sila dun,kay Jojo ko naman nasabi ang salitang nakakapang hinayang kung sana siya nalang siguro ang pinili ko maybe maganda ang buhay ko ngaun,maybe nasa america ako kasama ni Jojo.


Sponsors of MommySwag
empty
empty
empty

Salamat sa taong nasa sponsor block na ito. May the Lord Blessed you more.

Closing thought;

Ang tao ang gumagawa ng kanyang kapalaran. Ang tao ang nagdedesisyin sa kanyan sarili,kaya kung sasabihin ng iba na ang pagpaparami ng karelasyon o ang pagtayaksil ay mali,oo mali yun at kung alam mong mali diba? Dapat hindi mo na ito gawin? Pero dahil sa choice mo itong gawin nagagawa mo. Pero laging tatandaan na hindi mo ikakaganda o ikakagwapo ang panloloko, hindi mo rin ito ikakasiya . Katulad ng naging experience ko noon oo naging masaya ako,pero ang kasiyahan na yun ay hindi pang matagalan bagkus ay panandalian at may kapalit na kabiguan. KARMA IS real. Always remember the golden rule " Huwag mong gagawin sa iba ang ayaw mong gawin sayo" Now i am not happy in my current relationship however nandito parin ako kasama siya as long as walang third party ay handa akong kumapit kahit hindi ako masaya. Kahit maraming broken promises ang mahalaga wlaang third party. Simula ng nagkaanak ako sa karelasyon ko ngayon ay hindi ko na ginagawa ang ginawa ko noon, kaya malaamng hindi din totoo yung "once a cheater always a cheater" kasi dati rin akong maloko pero nagbago at iniwan ang ugaling yun. Kung may chance akong ibalik ang nakaraan,mas pipiliin kong maging tapat na tao. Ayoko ng balikan ang nagawa ko noon, marerealize mo lang talaga ang mga baagy once na matured kana pero kapag immature ka lahat ng bagay sayo ay magiging laro lang. At wala kang pake sa nangayayri sa paligid mo. Tandaan mas masarap mabuhay kapag alam mong wala kang nasasaktan o natatapakan na tao.

Salamat sa inyong lahat.

Hope ay nagustuhan niyo ang blog ko na ito.

Behind my Multiple relationships in the past (Cheater is a choice not a mistake)

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°

June 11, 2022

©MommySwag

Thank you 💞

LIKE | COMMENTS | SUBSCRIBED

5
$ 0.31
$ 0.28 from @TheRandomRewarder
$ 0.02 from @Jeansapphire39
$ 0.01 from @jen-123
Sponsors of MommySwag
empty
empty
empty
Avatar for MommySwag
1 year ago

Comments

Haha ako na walang alam sa panliligaw! -_- HAHAHA Pero importante po happy na sila ngayon at kayo din po

$ 0.00
1 year ago

Ako man never nagawa magsabay sabay. Sabay sabay nanligaw pero isa lang sinagot ko. Pero hanggang doon lang, takot kasi ako sa kuya ko noon. Hahaha.

$ 0.01
1 year ago

Hehe Hindi ko naman sila pinapunta sa bahay, yung kababata ko lang ang kilala nila at natuwa sila nung nalaman na nanliligaw sakin yun. Tawag na ng kiya ko dun is kapatid. Haha😅

Pero yan talaga ang ugali ko noong dalaga ako. Haha pero hindi ko na inugali nung nagkaanak na ko at nagkaroon ng partner kasi hindi talaga maganda.

$ 0.00
1 year ago

Ang daming boy pla sis ang nakaraan sau. Hahaha. Pero atleast natutunan mo kung sino talaga ang karapat dapat

$ 0.01
1 year ago

Oo sis dalaga pa ko niyan.😅🤣 pero wala namang something na naganap s amga naging jowa ko niyan. Basta jowa lang🤣😅 maloko kasi ako nung dalaga. Daming nanliligaw noon sakin lalo na sa work ko sa pabrika noon.😅🤣 ngayon nganga na nakakamis lang din alalahanin.

$ 0.00
1 year ago

Oo naman sis masarap blikan noh

$ 0.00
1 year ago

Hala same sa article ko topic mo sis. Pero okay lng kung naging cheater at natuto sana sa maling ginawa. Instead mgbago lng sana.

$ 0.01
1 year ago

Kaya nga sis. Eh. Haha napaisip ako sa ginawa ko noon kaya siguro ngayon eh ang malas ko sa napili ko. 😅🤣kaya now pinapangatawaann ko nalang ang naging desisyon ko. Mahirap na kasi may mga anak na kami,ayoko narin makasakit lalo na mga anak ko ang masasaktan.

$ 0.00
1 year ago

While Kya sis dpat tiisin na lng muna para sa mga anak diba. Gnyan din ksi ako eh, mas priority ko sila kesa sa sarili ko. Loyal nmn partner ko pero may ugali lng tlga na kakaiba

$ 0.00
1 year ago

Totooyan sis. Naku ganyan problems ko ngayon sa partner ko. Loyal namsn kaya lang may ugali kasi masyadong self centered.

$ 0.00
1 year ago

I used to cheat before too. :) Ang mahalaga natuto tayo.

$ 0.01
1 year ago

Korak. Pero ang mahirap lang talaga kapag may anak na tapos mag cheat pa. Yung talaga ang hindi katanggap tanggap. 😁

$ 0.00
1 year ago

Ang importante may character development. Cheating is a choice yes, kahit anong reason is not acceptable. Kaya dapat may realizations and growth, hindi yung ginagawang habit hahahaha

$ 0.01
1 year ago

Totoo yan sis. Hindi maganda sa pakiramdam at hindi talaga nakakatuwa ang pagiging chaeater. Bukod sa nakasakit kana, maaring bumalik yung ginawa mo sa iba.

$ 0.00
1 year ago