Be Vigilant and Vote Wisely
February 25, 2022
Blog#09
It's Friday night so maybe yung ibang may work ngayon ay nagcecelebrate ngayong gabi. Besides that, it's Holiday today, I think it is Edsa Revolution Day here in the Philippines.
Kaya naman nakikiisa ako sa mga taong nag-buwis ng buhay noon para makamtam ang tinatamasang kalayaan ng mga Pilipino. Pero sana ay pahalagahan din ng mga Filipino's kung ano ba ang talagang pinaglalaban noon,at sana maging gabay yun upang hindi na magkaroon ng ganun pangyayari sa hinaharap. Maging mapanuri na sana ang mga kababayan ko,kung sino ang nagsasabi ng totoo o ang gumagamit lamang sa kanila. Hindi ako pro Marcos wala ako noon so hindi ko alam kung bakit at paano nangyari yun. At kung pagbabasehan ang mga aralin namin dito sa Pilipinas lumalabas na masama ang mga Marcos, Dictador ang mga Marcos. Ngunit, Subalit kung yun lamang ang aming pagbabasehan eh! Mukhang namanipula din ito ng mga ibang tao na ayaw sa Pamamahala ni Marcos. At kung totoo nga ang mga paratang sa kanya bakit may mga video na lumalabas na iba sa paratang ng ibang namamahala.
Kaya kayo mga kababayan ko, magsilbing aral na sana sa atin ang mga nangyari noong panahon na iyon. Maging bukas at mulat na dapat ang ating mga mata sa mga bagay bagay, dahil maaring ang mga nakaupo sa pwesto ay linlangin tayo gamit ang kanilang posisyon at pera.
Wala akong alam sa politika,at wala rin akong balak tumakbo bilang isa sa mga posisyon na yan sa Gobyerno. Dahil ang tungkulin na iyan ay isang malaking obligasyon na hindi basta lamang. Dahil ang isang Public Servant ay dapat nakafocus sa pagsisilbi sa kapwa at hindi sa kaban ng bayan.
May kakilala ako na Kapitan dito sa aming Bayan. Isa siyang magiting at mabait na Kapitan para sa aming kanyang nasasakupan. Sumalangit nawa po ang inyong kaluluwa, Kapitan.
Ni isa sa mga taong humihingi ng tulong sa kanya'y hindi niya hinindian. Kahit kaakiba't noon ay ang sarili niyang sahod. At ang sahod po ng Kapitan ay maliit lamang kumpara sa ibang posisyon sa Gobyerno. Ngunit ganun pa man ay pikit mata ang kanyang pamilya kahit wala na siyang maiuwi na pera sa kanila." Kasi yun daw ang kanyang tungkulin,bilang ama ng Barangay namin." Hindi ka niya, pababalik- balikan para lamang matulungan,agad- agad ang aksyon niya bilang Kapitan.
Noong lumapit ako ng Schoolar ko noon,upang makapasok sa kolehiyo dahil hindi kaya ng aking mga magulang na ako'y pagaralin pa ng kolehiyo, hindi ako nagxalwang salita sa kanya. Maging kapag ako'y kukuha ng aking tuition fee sa Barangay hindi kana niya papaikog ikutin pa. Hindi kagaya ng pumalit sa kanya, halos naawa ako sa sarili ko noon nung yung pumalit na sa kanya ang humawak ng mga schoolar niya. Ginawa akong trumpo, binabalik balik ako,at tinuro sa secretary tapis yung secretay tinuro pabalik sa kanya.
Nasabi ko noon sa sarili ko na ang hirap maging mahirap. Yung tipong magmamakaawa kapa para lamang matupad mo ang iyong mga pangarap sa buhay. Naramdaman ko yun dun sa pumalit sa aming mabuting Kapitan. Lahat nagbago nung nawala ang mabait naming Kapitan, napakahirap ng lumapit sa Barangay. Jahanapan kapa ng kung ano-ano, kung botante kaba ng barangay na iyon o hindi. Dahil kung hindi ka botante ng Barangay na iyon, naku huwag ka ng umasa na maaksyunan ang iyong tulong.
Simula ng mawala ang Kapitan naming mabait ay hindi na ko muling tumapak pa sa aming Barangay. Hanggang sa kinailangan ko ang kumuha ng Baranggay clearance at kung ano-anong kakailanganin n requirements para makahanap ka ng trabaho. Tapos nagkita kami nung pumalit sa dati naming Kapitan, sobra ang inis ko sa taong yun. At para bang nangaasar pang sinabi na bakit hindi daw ako nagtuloy sa aking pag-aaral? Talagang siya pa ang may ganang mag-tanong noon sa akin.! Tikom ang aking kamay na sinabing, hindi ko po kasing kayanv bayaran ang tuition fee ko kaya magtatrabaho na lamang po siguro ako! Sabay alis at nagpaalam pa ko ng mahinahon sa kanya.
Pero pagtalikod ko, grabe yung poot ko sa kanya. Kasi nung namatay yung mabait naming Kapitan,binilin kami sa kanya. Lahat ng schoolar niya ay pinasa kami sa kanya. At sinabi niya sa last lamay ng aming manait na kapitan na ipagpaoatuloy niya ang lahat ng naiwan ni Kapitan kasama na roon ang mga schoolar at ibang proyekto. Ngunit hindi ito nangyari, dahil pagkaupo niya sa pwesto ay ang mga schoolar niya ang nauna at mga proyekto niya ang ginawa niya. So sa kabilang sabi is "Sinungaling Siya".
Ngayon ay tumatakbo sa pagka-vice Mayor ang taong yun. Ngunit never ko siyang iboboto. Alam niyo kung bakit? Simula ng naupo yun,alam niyo ba na biglang yaman ang loko. At ito pa ang Barangay clearance nung siya ang naupo ay naging 70 pesos nung yung mabait na kapitan namin ang nakaupo noon eh! Halos libre na nga lang binibigay ang barangay clearance basta lehitimong taga dun ka sa Barangay.
Kaya ngayon na nagdidiwang tayo ng Edsa Revolution kung saan ay inaalala natin ang pagpapatalsik sa Dictador na namumuno noon, huwag din sana nating kalimutan na ibukas ang ating mga mata at isip sa kung ano ba talaga ang totoo. At sino ba talaga ang karapat-dapat iboto sa nalalapit na eleksyon.
At kung sino man ang maluklok sa pwesto sana rin ay suportahan natin ito. Lalo na sa mga maggandang plano nito sa ating bansa. Magkaisa para sa kaunlaran ng Pilipinas, dahil wala pa kong nakitang namuno na walang nagrarally sa kalsada. Puro mga nauupo sa pwesto ng pagka- Pangulo ay tinutuligsa ng taong Bayan. First of all wala sila diyan kung hindi dahil sa boto natin. Kaya kaya suportahan nalang natin sila, at bigyan ng chance ang kanilang mga plano.
Wala pa kung idea kung sino ang iboboto ko. Kayo may napupusuan naba? Ang gusto ko kasing tao na maupo sa posisyon ay iyong taong mahal ang Bansa at mga taong masasakupan niya. Hindi katulad nungbkapitan namin na ang mahal lang ay yung magiging kita niya.
Ngayon na ina na ko ayokong danasin ng mga anak ko ang ganun sitwasyon na naransan ko para lamang makapag-aral ako. Kaya naman sana kung sino man ang mauupo sa pwesto ay umangat ang Pilipinas at huwag ng malubog sa utang. Upang ang future ng mga susunod na henerasyon ay maging maayos at maganda.
Nagsusumikap din kami ng aking asawa para sa kinabukasan ng aming mga anak. Dahil hindi naman din lahat ay dapat iasa sa ating gobyerno. Ngunit sana ay umasenso na ang Bansa natin,katulad na lamang sa China at sa ibang bansa. At huwag ng maging trapo ang mga uupo sa posisyon. Gayunpaman hindi natin malalaman sino ang trapo at hindi,kaya naman magmatyag tayong mabuti at dapat busisiin ang mga tatakbo sa ating Bansa at Bayan.
Huwag magpadala sa salapi na maibibigay nila o sa pangako na hindi naman posibleng magawa. Dun tayo sa totoong nagmamalasakit sa bansa at sa atin.
Be Vigilant and Vote Wisely!
This is for my blog's for today
Hope you like it๐
Thank you for the support!
Kindly visit their work and I would surely you will love it too.!
Btw thanks again @Success.1 for coming back to my sponsor blocks. I appreciated your kindness to support my journey here at read.cash.
Lead image: Unsplash
Recent Articles; ๐ฉ
Once again this is MommySwag,kung nagustuhan mo ang blog's ko na ito paki click ang thumbs up and mag-comment ka narin upang malaman ko ang saloobin mo.๐
Kaya vote wisely talaga tayo sis ngayonh election para nmn umasenso ang pinas.