A little glimpse of Princess
Hi guys! I would like you to meet a little girl na inaalagaan ko. In short she's one of my side hustle in this napakahirap na buhay.
She's two years old.
Pero sa edad niyang yan, madami na siyang naranasan. Alam niyo ba na,one day before she's born her mother died. And she has a,hindi ko maexplain sa english. Meron siyang naging problema sa kamay at paa. Maging nung maliit siya nag-start na siya mag- antibiotics. Parang nagkaroon siya ng problema since birth. Na dislocate yung paa niya na naging dahilan paraaoperahan ito. Maging kamay niya ay iba ang porma. Kaya naawa ako sa batang ito. Simula ng malaman ko iyon.
80$ or 4 thousand (pesos money) ang bayad sakin ng papa niya sa isang buwan. Tinanggap ko ang pag-aalaga kahit na may tinda tinda rin ako na frozen at biscuits sa bahay. At kahit may dalawa akong anak na inaalagaan din.
Dinadala siya sa bahay namin, tapos every othe day kukunin siya then in the morning susunduin ng papa niya. Bale kung magiging closing ang papa niya tsaka lang siya matutulog dito sa bahay. Pero kung maaga naman siya umuuwi susunduin niya si Princess.
Mahirap mag-alaga ng bata. At first kasi mahiyain pa yung bata but lately nagkakaroon na siya ng attitude. At nagiging dahilan ito para mag-away sila ng bunso ko. Pero ganun pa man para sa mga anak ko,tinitiis ko kasi malaking baagy ang 4k para samin. Ang magkaroon ng income na sigurado is malaking tulong para makaipon ako para sa future ng mga anak ko. Plan ko kasi itabi yung kikitain ko sa pag-aalaga para sa future nung dalawa ko.
Bale nung tinanggap ko ang trabaho bilang maging nanny ni Princess alam ko ang mga consequences na dala nito. Like ng magiging seloso anak ko. At yung babalik ako sa panahon na parang may baby ako. Buti nalang hindi naman ganun kahirap alagaan si Princess. Kaya lang talaga nagkakaattitude na, Mag- one week na siya samin bukas.
Di ko akalaain na makakatagal ako. haha Nawirduhan lang talaga ako kapag may ibang bata na tumatawag sakin na mama. Pero ganun pa man ay naawa din ako at the same time kaya hinahayaan ko si Princess na tawagin akong mama. Pero minsan sinasabi ko sa kanya na tita irene lang tawag niya sakin,kasi baka amgalit sakin ang mama niya at multuhin ako. Pero syempre hindi naman niya ito amuunawaan. Kaya okay lang if she call me mama, darating din ang panahon na maiiba din yun. Hehe
Isa pang nakakawirdong eksena kay Princess is kapag nagsasalita siya mag-isa. Sabi ng papa niya lahat daw ng nagalaga kay Princess is may sinasabi about sa ganung ugali ni Princess. Nung unang gabi niya dito,ang creepy ng feeling kasi ba naman nagsasalita siya as if may kausap siya at nag paalam pa siya dun sa kausap niya na yun. Haha Kung kayo siguro makakakita nun naku,matatakot din kayo.
Sa ngayon ay naglalaro ang bata kasama ang aking bunso. Ganyan naman ang mga bata minsan mag-kaaway at even nag-aaway at the end of this day sila parin ang maglalaro.
Si Princess ay maliit na bata,marunong narin siyang magsalit though may mga word siya na nahihirapan akong unawain haha.
Sa hirap ng buhay ngayon,kailngan talaga hindi ka magskip ng mga opportunity na pwedeng pagkakitaan.
Sabi ko sa isip ko habang bata ako. Kung ano ang pwedeng trabahuhin go na. Basta kasama ko mga anak ko while working. Kasi naman maliit pa bunso ko kaya hindi pa pawedeng iwanan talaga. Kaya malaking help ang 4k na kikitain ko sa pag-aalaga kay Princess.
Hanggang dito na muna.
Hanggang sa mga susunod na update sa aking alaga na si Princess.
PS;
Tuwang tuwa pala siya today kasi naipitan siya ng buhok. Maigsi kasi ang buhok niya.Kaya now is happy siya na naipitan siya ng buhok. See the photo above.
Naghahanap siguro siya ng kalinga ng isang Ina at sa iyo niya nakita at naramdaman iyon. Buti nalang at nariyan ka para alagaan siya.