Noon bago ko nalaman ang online platform isa akong online seller ng mga kakanin, naitigil ko lang ito dahil noon ay may palagi kaming overtime hindi na ako makapagluto ng gabi.
Noon, nagluluto lang ako ng kutsinta para sa snacks at kung my birthday dito sa amin. Hanggang sa natikman ng mga kakilala namin at nagsabi na nagbibinta ba daw ako nito kasi iba ang timpla ng aking kutsinta sa binta sa market. Malalasahan daw nila ang pagkacreamy at tamis ng pagkain.
Hanggang sa dinagdagan ko ng ibang kakanin at nag explore ako sa puto cheese. Nag click naman siya at binibinta ko ito ng 3 packs for 100 php 10 pcs per pack. Hindi mahal at pangmasa para kaya lang bilhin nila na pang snacks.
Hanggang sa nag-expirement ako ng kakaibang style. Chocolate ang nasa ilalim at puto cheese ang nasa ibabaw. Masarap siya malalasahan mo talaga ang chocolate. Meron din akong PUTSINTA puto cheese at kutsinta naman ang mixture ko.
Nagbibinta na din ako ng polvoron, ibat ibang flavor. Cookies n Cream, Milk, Milo flavor. Nag click din naman siya pero hindi masyado. Kaya paminsan-minsan ko lang ito ginagawa.
Pati pagbibinta ng Choco Balls grab ko na kasi mabinta ito sa mga bata. Kaya lang stop ko na agad kasi ang inutusan ko magbinta siya na mismo ang nag-uubos kumain at hindi binigay sa akin ang binta at hindi na nagpakita sa akin. Kaya hinayaan ko na kasi bata naman iyon, charge to experience ang lugi 1.0 version. Hahaha
Ito ang una kung binta pala noon, product ng Mama ko pero ako ang taga post para mabinta thru online. Madami ang nag order dahil patok kasi ito pang champorado or di kaya Sikwati. Pure talaga ito wala kaming mix na iba kaya binabalik-balikan ng iba.
Ito ang pinakagusto ko sa lahat kasi leche flan siya na may macaroons in a taste. Nakakatakam siya lalo na at bite size lang siya. Hahaha. 20 pcs in 50 php. Kaya lang hassle siya gawin at steam lang siya hindi na kailangan e oven.
Hanggang sa natuto din ako magluto ng maja Blanca at binibinta ko ito ng 50 php per styro pack. Hindi ko tinipid sa gatas at sweetcorn yan kaya may iba na babalik din talaga sa pag.order.
Pati reseller grab ko na din. Hanggang sa dumating ang time na huminto ako, kasi itong husband ko nagdadala ng lugi. Hahaha. Libre na nga siya lahat sa bahay delivery lang gagawin niya naghihingi pa ng share. Nagagalit pa minsan kapag pinapahatid ko. May trabaho kasi ako kapag umaga tuwing gabi lang ako nagluluto at dagdag pa sa hindi ako makaluto sa orders ay may overtime din kami kaya iyon stop nalang ako hindi ko nalang pinilit.
Hanggang sa na discover ko ang product na ito. Isang organic na kape na pwedi sa lahat kahit sa bata. Naging reseller, hanggang sa naging distributor ako. Naging click din ito ng ilang buwan at iyon nga natigil na naman kasi ang ibang reseller ko hindi naman nagbayad sa akin nawala ang profit ko. 10 php lang patong ko kada isang pack sa mga reseller ko tapos ang profit nila nasa 500 to 700 ako 100 lang. Tapos hindi pa nila ako binayaran.. hanggang ngayon ang profit ko na worth 5k nalunod sa limot. Kaya nahinto talaga ako ayaw na magbayad ng iba ehh. Pinautang kasi nila kaya ganun din nangyari sa kanila.. versiin 2.0 ang lugi ko noon.
Pero kahapon nagrequest si ante na magluto ako para sa birthday ng Asawa niya kaya nagluto ako ng Kutsinta at Puto Cheese. Ang saya sayo kasi madaming nasarapan iba daw talaga ang luto ko. Hindi daw tinipid sa ingredients.
Ang megosyo talaga ay hindi natin alam kung ano ang dahilan at kailan natin ma experience ang pagkalugi.
Dream ko ang makabili ng Oven sana maka.ipon ako para makabili kasi gusto ko din matuto magbake pero as usual self study lang kasi wala na akong time para mag-aral sa tesda pero try ko soon baka ma esingit ko sa aking time. Para ano pinagka.abalahan nuh.? Out of budget lang pala. Hahaha
-November 05, 2021
-Friday (Morning)
Article 36
sarap nman ng mga niluluto mo sis mga favorites ko basta matatamis hehehe