Anong Nangyari sa Akin.?

22 44
Avatar for Miyuki1991
3 years ago
Topics: About myself

Ang buhay ay madaming pagsubok pero darating din ang panahon na bibigay at susuko ang ang katawan at isipan mo sa lahat ng problema sa buhay.

Ano nga ba ang nagyari sa akin? Bago ko lang naranasan ito, simula noong nagkasakit ako at nabinat dahil sa gulat at nerbyos. Iba na talaga ang kataawan ng babae kapag naranasan na ang manganak, ang bilis na magkasakit at mabinat. Naging sakitin ako simula noong tumuntong ako sa edad na 30 taon gulang.

Sabi naman ng asawa ko baka sa stress ko lang daw ito dahil sa sunod sunod na pangyayari sa buhay namin. Nawalan kasi ako ng trabaho at na stress ako dahil sa kakaisip kung saa ako kukuha ng pambayad sa mga utang ko. Sunod-sunod pa kami na nagkasakit at wala kami pera para gamitin sa pang-gastos at pambili ng gamot namin.

Ang pakiramdam ko baka nagkaroon na ako ng Anxiety sa subrang pag-iisip ko sa aming problema at estado sa buhay. Akala ko kasi sa una dahil lang sa aking UTI ito pero natapos ko a ang medication ko sa aking UTI meron parin. Pakiramdam ko may lagnat ako na pagod ang aking katawan.

Ano ba talaga ang nangyari sa akin? Bakit may nararamdaman pa rin ako? Ito ba talaga ang feelings na subra sa stress ang katawan, isip, at puso? Iniiwasan ko na ang kape at tea dahil baka iyon ang reason pero wala pa rin ehh.

Sa inyong palagay nasa isip ko lang kaya ang nararamdaman kung ito? Sabi kasi nila ang Anxiety at Stress nasa isip lang daw yan dapat daw kasi hindi iniisip at e convert ang isipi into happy moments. Pero kapag ako lang mag-isa sa bahay walang ibang gagawi sa isip ko ehh kung hindi ang problema ko.

Tahimik kasi ako na tao, hindi ako basta-basta nagshare ng problema sa iba dahil baka e chismis pa. Pero kapag may nagustohan ako na tao na gusto ko e share sa kanya sasabihin ko talaga pero hindi ako sure baka e chismis nya din sa iba. hahaha. Bahala na siya doon.

Plano ko sana magpaVaccine nextweek Schedule amin for pre-orientation Lunes ng Hapon at ang Schedule sa Vaccine Martes ng hapon. Sabi nila hindi daw pwedi magpavaccine na may nararamdaman, kaya postpone ang vaccination ko nito. Halos isang buwan na ako ganito, sa tingin nyo normal lang kaya ang ganitong pakiramdam? Minsan mabigat ulo ko, minsan parang maiinit ang ilalim ng katawan ko minsan naman pagod na pagod ako lalo na sa may legs ko.

Excited pa naman ako na magpabakuna, pero hindi ehh postone na naman. Ayaw mag cooperate ng katawan ko. Sa tingin ninyo ano kaya ito? baka takot lang ang isip ko magbakuna pero hindi ako takot sa karayom kasi every month ako nagpa inject ng contraciptives (Norifam).

Ngayon pa talaga na ramdom na ang Schedule sa Vaccination noon na hindi pa namin Schedule wala akong sakit na matagal mawala ngayon talaga siya dumating. Senyalis na yata ito dahil nasa 30 na ako pero hindi naman siguro.

Ano ba talaga ang nangyari sa akin? BAkit pabalik-balik ang nararamdaman kahit naka vitamins at naka stresstabs na nga din ako para insakto palagi ang tulog wala pa din epekto ehh.

Kung talagang nasa isip ko lang ito paano ko siya matatangal sa isip ko? gusto ko pa naman sana matuloy ito ayaw ko na sa susunod baka kasi hindi na ako bibigyan ng slot.

Nagugulahan pa din ako.

keep safe . . . . . . . . . .

8
$ 1.60
$ 1.55 from @TheRandomRewarder
$ 0.02 from @Khing14
$ 0.02 from @Sweetiepie
+ 1
Sponsors of Miyuki1991
empty
empty
empty
Avatar for Miyuki1991
3 years ago
Topics: About myself

Comments

Wag kah munang magpa vaccine sis,, pagpa reschedule kana lang, kasi hindi kapa fully recovered,tapos pahinga sah tamang oras, dn more water lang, din mga prutas,

$ 0.00
3 years ago

Maraming salamat sis. Pahinga lang talaga ang need

$ 0.00
3 years ago

inom ka ng madaming tubig sis..saka iwas sa mga maalat, matamis, at soft drinks... Baka din stress yan kaya huwag ka masyadong mag isip. Idivert mo yung isip mo sa mga bagay na positibo.

$ 0.00
3 years ago

Oo nga daw sabi nila ehh na develop na daw sa anxiety ang feelings ko..

$ 0.00
3 years ago

Opo... Agapan po hanggang kaya. Wag pakaisipin ang problema

$ 0.00
3 years ago

Talagang ang problema lang talaga ang nagdadala sa lahat

$ 0.00
3 years ago

Mali sis.. Tayo dapat ang magdala sa probs.. Kaya natin yan

$ 0.00
3 years ago

Oo nga nuh, kaya natin lagpasan ito hindi gawing baby ang problema kaya ko ito

$ 0.00
3 years ago

Korek tama yan sis..

$ 0.00
3 years ago

Magpacheck up ka po muna para mas sure

$ 0.00
3 years ago

Nagpunta ako sa orientation, pwedi nmn daw sabi ni doc.

$ 0.00
3 years ago

wag msyado mg isip sis at i pray mo ky Lord na sana gumaling kana, pagaling ka mahirap mgksakit

$ 0.00
3 years ago

Oo sis, pray ko palagi ang hirap mag work ng ganito

$ 0.00
3 years ago

Sa tingin ko sis binat yan tapos sinasamahan mo pa ng sobrang pag iisip payo ko sayo kapatid ,anuman Ang iyong problem ipag pasa Diyos mo at e claim mo na ibibigay na niya ang iyong hinihiling.. Mag pahilot ka sa nang hihilot na bagong anak tapos mag patuob kana din nakakabuti yong,alam mo ba yong tuob na nasa loob ka ng kumot , nangyari yan sa akin dati ,gumaan ang pakiramdam ko at gumaling ako, sana makatulong

$ 0.00
3 years ago

E try ko ulit ang tuob. Nagpahilot napo ako pero wala daw po akong mahilot walay hangin2 sa katawan

$ 0.00
3 years ago

Oo e try mo

$ 0.00
3 years ago

Kaya ako sissy ayokong manganak haha joke lang

$ 0.00
3 years ago

Hahahah, ang bilis magkasakit kapag magka.anak na. Hahah

$ 0.00
3 years ago

Ang hirap na nga manganak, magkakasakit pa. Nakakatakot na tuloy. Ingat lagi sis

$ 0.00
3 years ago

Okay lang yan sis bata kapa naman. Dependi daw kasi iyan sa katawan

$ 0.00
3 years ago

Hindi kaya yan sa contraceptives sis baka hindi ka hiyang sa ginagamit mo ngayon.I

$ 0.00
3 years ago

Huminto napo ako sa contraceptive ko po mga 3 months na

$ 0.00
3 years ago