Words count: 1378
Maagang naulila sa mg magulang si Jenny, tanging tiyahin na lamang niya ang bumubuhay sa kaniya, simula nang pumanaw ang kaniyang mga magulang ay dadalawa na lamang sila nang kaniyang tiya Selya ang magkasama sa buhay.
Pagtitinda nang mga kakanin ang kanilang ikinabubuhay, dahil sa hirap nang buhay ay natutunan ni Jenny kung paano ang lumaban at maging matatag sa hamon nang buhay.
Sa edad katorse ay buong-buo ang kaniyang kalooban sa mga pagsubok na dumarating sa kanilang magtiya, ika nga'y walang pagsubok ang hindi nila kayang lagpasan basta't magkasama sila.
Mataas ang pangarap ni Jenny para sa kanilang dalawa ng kaniyang tiya Selya, nais niyang makatapos nang pagaaral nang sa ganun ay magkaroon sila nang maginhawang buhay.
Ngunit isang hamon sa buhay niya ang hindi niya akalain na magpapabago at susubok sa kaniyang katatagan at sisira sa kaniyang mga pangarap.
Halos kalat na ang dilim nang maubos ang kaniyang mga panindang kakanin. Pauwe na sana siya nang bigla siyang harangin nang isang lalaking naka bonet.
Mabilis siyang hinaklot nito at sapilitang dinala sa madilim na bahagi, nang lugar na iyon, nang maisakatuparan nito ang pagkuha sa kaniyang puri ay iniwan na lamang siya nitong parang isang basura.
Lumuluhang umuwe siya sa kanilang tirahan, hindi pa man siya nakakabawi sa natamong kalaspatanganan ay naabutan niya ang kaniyang tiya Selya na walang malay sa kwarto nito.
Mabilis niya itong dinala sa ospital, ngunit kaagad dineklara nang doktor na dead on arrival na ito, inatake pala sa puso ang kaniyang tiya Selya.
Tulala siya habang pinagmamasdan ang puntod nang kaniyang tiya Selya. " Bakit ganun? Bakit ang aga mo naman akong iniwan tiya? Paano na ako? Hindi ko alam kung paano ko haharapin ang buhay nang mag-isa! Hu! Hu! Hu!" Iyak niya habang hinihimas ang puntod nang tiyahin.
Nagpatuloy ang buhay ni Jenny nang magisa, lumipas ang mga araw ay nalaman niyang nagbunga ang pangahahalay sa kaniya. Halos pag sakluban siya nang langit at lupa sa isiping nagdadalantao siya.
Dumating ang araw nang kaniyang panganganak at isang malusog na sanggol na lalaki ang kaniyang isinilang. Ni ayaw niya itong hawakan manlang, ang tingnan ito nang diretso ay hindi rin niya magawa.
Paano niya bubuhayin ang sanggol na ito? Gayung hindi nga niya mapakain nang maayos ang sarili, wala naman siyang maayos na trabaho sapagkat simula nang mamatay ang tiyahin niya ay huminto siya sa pag-aaral.
Anong klase nang buhay ang maibibigay niya rito? Gayung maging siya ay hindi rin niya alam kung anung klase nang buhay ang nagiintay sa kaniya? Patuloy ang kaniyang pagluha sa dami nang iniisip na problema, sa edad na katorse ay ramdan na ramdam niya ang pait at lupit nang kapalaran.
Sa isang malaking gate nang bahay ampunan na iyon siya dinala nang kaniyang mga paa, buo na ang kaniyang desisyon labag man iyon sa kaniyang kalooban ay wala na siyang magagawa.
Sa tapat nuon ay inilapag niya ang sanggol, muling dumaloy ang kaniyang mga luha tumalikod siya upang lisanin ang lugar na iyon. Ngunit bago pa man siya tuluyang umalis ay muli siyang pumihit paharap sa sanggol.
Isang kwintas na gold na may pendat na letrang 'J' ang isinabit niya sa leeg nito. Matapos ma isabit ay tuluyan na niyang nilisan ang lugar na iyon.
Lumipas ang halos tatlumpong taon ay muli siyang nakaharap sa tapat nang gate nang bahay ampunan. Sariwang- sariwa pa sa kaniyang mga ala-ala ang pait nang kahapon.
Sapagkakataong iyon ay maganda na ang buhay niya, may magarang kotse at magandang bahay, natupad niya ang kaniyang mga pangarap dahil sa sariling sipag at tiyaga at sa tulong nang mga taong may magandang loob.
Bagamat maganda na ang buhay niya ay hindi parin siya ganap na masaya, sapagkat ramdam niya na may kulang sa kaniyang pagkatao at iyon ay ang kaniyang anak.
Makailang ulit na siyang nagpapabalik- balik sa bahay ampunan ngunit bigo parin siya na makita ang anak. Muli nanaman siyang iiyak mag-isa sa gabi dahil sa labis na kalungkutan at pangungulila sa anak.
Matuling lumipas ang mga araw ay nakilala ni Jenny si Karl isang multi millionaire at naging partner niya sa trabaho, magaan ang loob niya rito kaya naman komportable siyang kasama ito.
Sa paglipas nang mga araw ay unti-unting umusbong ang pag-ibig nila sa isa't-isa. Tatlong buwan siyang matyagang niligawan ni Karl at sa wakas nakuha rin nito ang kaniyang 'oo'.
Maraming bagay ang pagkakapareho nila nang gwapong binata, maging sa pagkain ay pareho rin sila nang gusto, kaya naman mas lalong yumabong ang pagibig nila sa isa't- isa. Hindi naging hadlang sa kanila ang agwat nang kanilang edad, halos labing apat na taon ang tanda niya rito.
Mas lalong hinangaan ni Jenny ang binata sapagkat, sa nakalipas na isang taon na magkasinta sila ay hindi siya ginalaw nang binata, abot hanggang langit ang pagrespeto nito sa kaniya.
Katwiran kasi ni Karl ay kukunin niya iyon sa araw nang kanilang kasal. Sa bawat araw na magkasama sila nang binata ay unti-unting napunan ang kakulangan at pangungulila niya sa anak.
Sa kanilang anibersaryo bilang magkasintahan ay dinala siya ni Karl sa isang beach, nakaharap sila sa malawak na karagatan at masuyong dumadampi ang hangin sa kanilang mukha.
kasabay nang paglubog nang araw ay lumuhod ang binata sa harapan ni Jenny , masuyo nitong kinuha ang kamay nang kasintahan.
Sapagkakatong iyon ay magkahalong excitement at kapanabikan ang nararamdaman nang dalaga, pigil ang paghinga habang iniintay ang susunod na mangyayare.
Mula sa pantalon ni Karl ay inilabas nito ang isang sing-sing, nakatingala ito sa kaniya bago nagsalita. " Honey. Will you marry?" buong puso nitong tanong.
Mabilis tumango ang dalaga at umiiyak na nagsalita. " Yes! I do honey!" wika niya masuyong isinuot ni Karl ang sing-sing sa kaniyang daliri. Tumayo ito at niyakap siya nang mahigpit, " I love so much honey!" bulong nito sa kaniyang tenga.
Kumalas sa pagkakayakap si Karl at muli may inilabas itong isang maliit na kahon. Bago pa man niya iyon buksan ay nakangiti itong nagsalita.
" Ang bagay na ito ay matagal ko nang pinaka-iingatan, para saakin walang anumang yaman sa mundo ang katumbas nito, sapagkat ito ang tanging ala-ala nang aking ina." Sapagkakataong iyon ay nalungkot ang anyo ni Karl.
" Kaya't ipinangako ko sa aking sarili na ibibigay ko ito sa babaeng aking mamahalin at makakasama saaking pagtanda." Patuloy ni Karl.
Dahan- dahang binuksan ni Karl ang kahon at inilabas ang isang kwintas na gold na may pendat na letrang ' J'. Kasabay nuon ay parang isang bomba ang sumabog sa harapan ni Jenny.
Ramdam niya ang biglang panginginig nang kaniyang katawan, mabilis nag-unahan sa pagpatak ang kaniyang mga luha halos hindi siya humihinga nang umangat ang nanginginig niyang mga kamay upag hawakan ang kwintas subalit tuluyang bumigay ang kaniyang mga tuhod.
Bago pa man tuluyang mawala ang kaniyang ulirat ay isang salita ang kaniyang binitiwan. " Anak!" kasabay nuon ay ang nagdilim ang lahat kay Jenny.
Nagising si Jenny sa isang ospital, marahan niyang iginala ang paningin sa paligid, nakita niya ang natutulog na si Karl sa tabi nang kaniyang kama.
Muling nanulay sa pagpatak ang kaniyang mga luha nang maalala ang hindi inaasahang rebelasyon na naganap.
Huminga siya nang malalim at masuyong hinaplos ang buhok nang natutulog na binata, napangiti siya nang may magkahalong pait at saya.
Saya, dahil sa wakas natagpuan na niya ang anak na matagal nang nawalay at pait dahil ang lalaking inakala niyang makakasama niya sa habang buhay ay anak pala niya. Haaay! kay sakit namang magbiro nang tadhana.
Kaya pala sa unang tingin palang niya rito ay napakagaan na nang pakiramdam niya, at napakarami nang pagkakapareho nila sa maraming bagay sapagkat anak niya ito at sa kaniya nagmana. Bakit nga ba hindi niya naisip ang ganuong posibilidad?
Inihanda na ni Jenny ang sarili,sa muling pag gising nang binata, sasabihin niya rito ang lahat- lahat. Masakit man ang katotohanan ay kailangan nilang tanggapin iyon.
Mali man ang naging umpisa nila ay pilit nilang kakalimutan ang lahat at dalangin na lamang niya na sana ay dumating ang panahon na maghihilom ang mga sugat sa kanilang puso, at sa muling pagbubukas nang panibagong yugto nang buhay nila ay muli silang bubuo nang panibagong memorya bilang mag-ina.
. -End- .
Ang palabirong tadhana.. pero mister author, pareho tayo ng tanong e, ang gaan ng pakiramdam nya sa binata pero d man lng nya naisip n bka xa ang hinahanap nyang anak nya.? bkit xa sa bahay ampunan paulit-ulit na nagbabalik at d man lng nya nagawang nakakuha ng anumang impormasyon na pwedeng magtuturo sa pagkatao ng knyang anak gayong meron nman xang iniwang pwedeng pagkakakilanlan ng mga empleyado sa sanggol. kung naampon ang bata pwedeng ung kwintas ang gabay pra maituro qng kanino napunta ang batang may kwintas na gold na may pendant na J