read.cash Log in
@MissPeppermint more from that month

Hello nga pala sa mga tutupiin ko. Meron pa coming na nasa sampayan, mga nilabhan ko kanina. Di naman yun mga akin. Nagpa-help lang yung ate ko kasi sobrang gahol na sa panahon. Pag andito sila halos di rin naman pumipirmi dito sa bahay kasi madami silang inaasikaso. Like today, nagpa change oil sila ng sasakyan. Malamang gabi na mga yun makakauwi. Tapos bukas may lakad nanaman sila. Then Friday, pupunta naman kami sa North Cotabato. Pagka-weekend sa beach naman. Baka Lunes na makakauwi, kaya tinulungan ko na lang maglaba. Tambak na din kasi labahin nila. Aside from labahin ako na lang din naglilinis ng bahay at nagluluto ng mga ipapalamon ko sa mga pamangkin na choosy. Hahaha! Yung kinse anyos ko na pamangkin di yun masyado mapili kasi na train ko bata pa lang kumain ng gulay. Eh yung babae na nine years old, yun ang sobrang choosy. No, no garlic and onion at mga green na gulay maliban sa malunggay. Last week, nadagdagan yung gulay na kinakain niya, patatas! Sabi ko kasi lasang french fries kaya hayun, kumain. Pritong talong paborito niya, tapos may sawsawan na toyo at kalamansi. Pinasubok ko lang naman sa kanya at nagustuhan naman yun nga lang tatanggalin muna ang balat bago kainin. Hindi siya napipilit pero kapag trip niya i-try, eh ok lang naman. Papahinga na muna ako. Napagod ako eh. Kain na po!

2 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.