ThongYoung

13 42

08.06.22

Celebrations are happy times, memorable times. Little or big events are worth celebrating for.

Sponsors of Micontingsabit
empty
empty
empty

Teka Friday na nga pala, ibabalik ko lang yung habit kong magtagalog kapag weekend.

Gusto ko lang ishare ng konti ang isa sa mga ganap last month. July ang birthday ng father namin at nagyaya kumain sa labas ang mga kapatid ko, para maiba lang since maluwag na din naman ang restrictions since pandemic.

Usually nagcecelebrate kami ng birthday sa bahay lang, bili ng cake and food basta sama sama kami. Maliit na celebration lang. Siguro nagsawa or napagod na kami maghanap ng maoorderan ng pagkain sa FoodPanda or Grab. Milktea, pansit, spagetti, cake atbp. Wala namang masama sa maliit na celebration pero nafeel lang ng mga kapatid ko na kumain kami sa labas para naman maiba kahit papano.

TongYang Plus

Naisipan nilang kumain kami sa TongYang at buti na lang may mejo malapit na branch na located sa Ayala Feliz.

Bilang birth month ng tatay namin syempre libre sya, at bilang dual citizen (senior citizen) na ang nanay namin, may discount sya. Walang bayad ang mga batang kasama namin kay 3ft ata ang may bayad na.

Unli kain ng japanese food. Cutie nga eh. First time to kumain sa TongYang, actually sa Samgyupsal lang ako kumakain kasi mas gusto ko kumain ng karne kesa sa ibang eat-all-you-can na restaurant. Usually kasi maraming seafood doon kaya di ko bet.

Oh tignan mo yung tatay naming seryoso kumain.

Sayang kasi kulang kami ng isa, di nakasama ang asawa ko kasi nakaduty sya. HUHU

Well alam kong natuwa naman ang tatay ko kahit papano, kasi di naman kami nagcecelebrate ng ganito dati kasi wala kaming pera. Dahil mejo nakakayanan na bakit hindi namin gawin kahit paminsan minsan.

Before magTongyang

Pumunta muna kaming TimeZone Play. Ngayon ko lang din nalaman na may pang toddlers na ang timezone, parang Kidzonia ganern. Kaya while nagpareserve ng table ang mga kapatid ko sa TongYang, naglaro muna ang mga kids.

Actually wala akong masyadong pictures kasi nasa asawa ko ang phone ko hahaha.

Ayaaaaan.

At nagmistulang riding in tandem ang magpinsan sa stroller.

Habang nasa TimeZone Play kami at ang mga kids, ang majojonda nasa adult Timezone. May JumpMania pala doon kaso pang 7y/o above lang hahaha. Kaya si birthday boy eto nagbowling na lang.

After TongYang

Nagwindow/shopping lang kami after. Minsan nakakaaliw din kasi magikot ikot sa Miniso, Mumuso, or Mr. DIY.

Oh ayan, kakaikot namin nakabili nako ng baby. CHAR!!!

Naghanap lang talaga yung nanay namin ng pwede nyang mabili, since di naman sya laging lumalabas.

Ayun hindi namin alam na mapapaaga ang pagalis namin doon. Buti na lang nakakain kmi sa labas.

Closing banner edited from toonme.com

Lead image and pictures posted are mine unless stated

All rights reserved. Micontingsabit

9
$ 0.97
$ 0.93 from @TheRandomRewarder
$ 0.02 from @Usagi
$ 0.01 from @jen-123
+ 1
Sponsors of Micontingsabit
empty
empty
empty

Comments

Mukhang nag-enjoy kayo ate hehe.

$ 0.01
2 years ago

Yes sis. Bochong ang pamileee

$ 0.00
2 years ago

Happy pemele namam kayo dzaiii okay na yan. Bawi next time kay hubby.

$ 0.01
2 years ago

Onga, kaso bigla kaming napaluwas sa probinsyaaaa hahahaha

$ 0.00
2 years ago

ahahahhaha mura naman ba ung pamasahe?

$ 0.00
2 years ago

Happy Birthday to your dad, sis, that's a beautiful celebration and the baby is even cuter 😍😍

$ 0.01
2 years ago

Thanks sis. The mother is cuter chaaaaaar!

$ 0.00
2 years ago

ang sarap kya sa feeling na gagawa nyo yung ga hindi nyo magawa noon kasi may panggastos na kayo

$ 0.01
2 years ago

Totoo yan sis. Lalo na nung nga bata pa kami, di kami nahahanda talaga.

$ 0.00
2 years ago

Happy birthday sa papa niyo, makabili nga ng ganiyang baby 🤣 napaka cuteee

$ 0.01
2 years ago

Happy Birthday po sa papa ninyo.. Sobrang cute ng mga kids and kita sa mukha nila na nage-enjoy sila..

$ 0.01
2 years ago

Thank youuuu. Nako buti nga dala ko yung stroller kasi nakatulog yung malaking baby habang kumakain pa kami sa tongyang hahaha

$ 0.00
2 years ago

Hahaha.. Sobrang rami siguro nakain niya kaya nakatulog agad.. Hehe

$ 0.00
2 years ago