Tagalog Thursdays: Talent ang paglalaba dibaaa!!!
01-20-22
May gusto na naman akong simulan na habit kapag nagppost ako dito sa Read.cash. Oo, yun ung nakikita nyo sa title hahaha! Tagalog Thursdays.
Minsan kasi nakakadrain ng utak yung pageenglish hahaha. Naalala ko nung nagttrabaho pa ko sa BPO, ayaw na ayaw kong nageenglish paglabas ng building namin kahit sa yosi area. Break na nga lang mageenglish pa, pagod na nga magEnglish buong araw eh. That was actually a joke lalo na kapag queueing o maraming calls.
Anyway, going back sa topic. Pagpasensyahan nyo na, gagawin kong taglish ng konti.
Washing Machine
Ayun na nga. Topic natin ang paglalaba. Bakit? Wala lang gusto ko lang, chos! De joke lang pero seryoso, marunong naman ako maglaba. Di naman kami lumaking may taga-laba eh. Marunong naman ako magkusot at gumamit ng washing machine. Pero nung nagOndoy, nasira yung washing machine namin. Lumang washing machine na kelangan mo pang banlawan pagkatapos mo paikutan yung damit. So ayun, sira sira na sya tapos nung nagOndoy nalubog din sya sa baha so nasira na ng tuluyan. Buti na lang yung isang customer ng nanay ko na si Aling Honey, pinahiram sya ng pambili ng washing machine after namin mabaha. Ang sabi nya ang bilin na daw eh yung automatic na washing machine para hindi time consuming tska makakatulong pa magkaoon ng time para makapanahi ang nanay ko. Ayun, hanggang ngayon naman gamit pa din namin ang washing machine na iyon.
Madali lang naman maglaba lalo na kapag may maganda at maayos kang washing machine. Naglalaba kasi ako ngayon, yan tuloy. Nilalabahan ko ang mga damit at cloth diapers ni Lil B eh. Umaga ako nagsimula di pa din ako tapos huhu, singit singit lang muna ang paglalaba. Huling salang na ng labahan matatapos na din ako for today huhu.
Pero ang dahilan talaga kung pano ko nasabing talent ang paglalaba eh nung ako na naglalaba ng mga damit at lampin ni Lil B.
Stains
Sa una syempre easy peasy lang kasi salang mo lang sa washing machine tapos sampay... KAPAG...automatic ang washing machine. Nung newborn pa lang si Lil B wala akong problema sa damit kasi wala naman magmamantsa. Sa cloth diapers naman, yung pupu. Madali lang naman din kasi wash mo agad after mapalitan tapos patuyuin or sampay bago malabahan ng bonga. Pero, subalit, ngunit, datapwat!!!! Nagbago lahat nung nagstart na kumain ng solids si Lil B. Di ko sukat akalain na maffustrate ako sa paglalaba. Nihindi pumasok sa isip ko dati na kelangan ko galingan maglaba kasi may washing machine naman. Pero iba nung nagkaanak nako, kelangan malinis mabango ang mga damit ni Lil B.
Hinamon ako ng paglalaba nung kumakapit na ang poopie nya sa diapers nya dahil kumakain na sya. Di ko sukat akalain talaga. Hindi lang poopie stains, mga food stains.
Tanong ko sa mga momshie na magaling maglaba. Anong food stain ang hindi madaling matanggal sa damit? Kasi ang ginagawa ko ngayon is every week laba, kahit may food yung damit huhu. Tapos yung iba nagstay ang mancha.
At that point sabi ko sa kapatid ko kasi may taga laba sila doon sa in-laws nila (though sya mismo naglalaba ng cd ng pamangkin ko), na ang galing ni Ate May may laba kasi natatanggal nya yung mga stains ng food sa damit ng pamangkin ko. At dahi doon, nahamon ko ang sarili ko sa paglalaba.
Babad lang ang katapat
Since dumadami ang mantsa ng pagkain sa damit ni Lil B, ako na naglalaba ng damit nya. Dati kasi nanay ko o kapatid ko ang naglalaba ng damit nya pero sa cloth diaper ako pa din. Nainis ako na di natatanggal ang food stains so ni try ko ibabad muna for ilang oras bago isalang sa washing machine. Tska gumamit na din ako ng nadiscover ng kapatid ko na sabon.
Effective sya as in. Lalo na kung pahiran mo muna nito tapos babad. Heads up lang kung gusto nyo itry wag nyo masyado kusutin gamit ang kamay kasi mejo matapang sya sa skin at konti konti lang.
Ito din ang gamit ko sa poop stains ng cloth diaper and thankful naman ako na never nagkapoop stain yung cd nya kapag ako naglalaba. Naalala ko kasi nung biglang nilabahan ng nanay ko yung cloth diaper ni Lil B. Weekly ako naglalaba, pero yung 3days worth na gamit na diaper ni Lil B nilabahan na nya, tapos nagulat ako kasi nung natuyo may poop stains pa. huhu. Kaya sabi ko wag na nila galawin ang paglalaba ng Cd ako na lang. HAHAHAHAHA
Kaya sa mga labandera jan, hands up ako sa inyo!!!! Idowls ko po kayooooo! Kung may mga tips po kayo sa paglalaba feel free to comment po. I need suggestions and advise din. HIHIHIHI
Kung may mga funny story kayo about paglalaba share nyo na din!!!
lalaaaabs!!!
Lead image from unsplash, pictures posted are mine.
Dapat kahapon ko to ippost eh, nakatulog ako ng maaga napagod ang lola sa installment na paglalaba. huhuhu
May karanasan kana pala sa BPO sir, sapat poba Ang kita sa BPO, kalimitang maraming talagang customer na pending Ang calls kaya nakakapagod din mag English Lalo na buong araw hehe..