Tagalog Thursdays: Ito o Eto
022422
Ayun panibagong araw na naman at dahil nahirapan ako tapusin ang mga nasa drafts ko, random kweshons muna tayo ulit.
Salamat sa sissy ( HAHAHAHA SISSY!) natin na si @Usagi na nagpost ng PashTalk hahahaha (pashpash) nung nakaraang araw. Ngayon ako naman ang papash talk with explanation hahhaa. Orayt!
GANDA OR TALINO?
TINATANONG PA BA TO? Kelangan o ba talaga mamili kung meron ako pareho. CHAROT LAAAAAANG!
Syempre dun tayo sa talino kasi wala akong ganda eh hahahah! Tska sa teknolohiya ngayon, pwede mong mabili ang ganda. facial dito, derma jan, nose job dito, microblade ng kilay jan.
Mas madali ding gawing puhunan sa buhay ang talino kesa sa ganda, kasi ang talino kahit tumanda ka maslumalawak pa ang kaalaman mas magagamit mo din sya sa maraming bagay. Kung ganda, sa mga bagay na ginagamitan lang ng ganda pwede mo sya magamit, tska high maintenance maging maganda eh. shuskoooo
TAHIMIK OR MAINGAY?
Depende sa klase ng tahimik at ingay. Pero generally, mas gusto ko yung maingay. Yung tipong white, gray noise or natural na noise tska music na kaya indahin ng tenga ko. Dun kasi ako mas narerelax.
Ayaw ko din ng sobrang tahimik, nakakabaliw sya sa isip ko. May sabit na nga ako edi mas magkasabit pa ako nyan.
ASO O PUSA?
Aso ako, di ko alam kung bakit ayaw ko ng pusa bukod sa madalas makatakas mas nababahuan ako sa wiwi ng pusa kesa sa aso.
Uy, love ko ang mga animals ha. Mas prefer ko lang talaga ang aso.
SIPAG OR TIYAGA
Sipag ako. Ako yung taong di msyadong nakasalo ng tyaga o pasensya. Feeling ko parang masnakakapressure yung tyaga, pero may nilaga naman palagi. hala ano ba yan, di ko na alam difference ng sipag at tyaga.
MALIIT OR MALAKI?
HIHIHIHIHIHIHIH.
Pabebe. maliit. Kasi may mga bagay na nagsisimula muna sa maliit pero kayang palakihin. HAHHAHAHAHAHAHA! HOY! Tigilan mo yan. Ang mga bagay na maliit kapag marami, lalaki din.
BONUS TANONG?
Sige, gawin nating sagot lang walang explanation. Sa comments ako magexplain kung magtatanong kayo HAHAHHAA
ANONG MAS MAHIRAP, MAGPATABA O MAGPAPAYAT?
-magpataba
WALANG TULOG OR WALANG KAIN?
-walang kain
MAWALAN NG INTERNET OR MAWALAN NG PHONE?
mawalan ng internet
MAULAN O MAARAW?
maulan
DI KA MAHAL OR DI MO MAHAL?
-anong tanong to sis! hmmm di mo mahal
MAYAMAN PERO MALUNGKOT SA BUHAY OR MAHIRAP PERO MASAYA KA SA BUHAY?
-syempre yung mahirap pero masaya sa buhay
English questions pero tagalog sagot. Game?!
BIG WEDDING OR A SMALL ONE?
-Small one.Β Nakita ko kung gaano kastressful ang malaking wedding kahit may coordinator ka. Sa weddings ng kapatid ko, di sila masyado nakihalubilo sa mga bisita.
Kaya nung ikinasal ako last year, dahil pandemic small wedding lang kami. Pero kahit hindi pandemic, small wedding pa din ako. Gusto ko pa din makipagbardagulan sa mga kaibigan ko hahaha
TO LIVE IN THE CITY OR PROVINCE?
City near province. Katulad ng city namin dito. By the way, sa Marikina ako lumaki at pinanganak. Yung iba nagsasabi na parang probinsya like pa din ang Marikina, pero totoo naman hahaha kasi katabi na namin ang Rizal. Kaya ayaw kong nagpupunta or magwork sa Makati or Manila, ramdam ko yung dumi ng hangin.
HAVE WORLD PEACE OR STOP WORLD HUNGER?
-Stop world hunger. Di ba nga kapag walang laman ang tyan kadalasan wala sa mood or maiinit ang ulo. So kapag puno ang tyan ng mga tao sa mundo, susunod din ang world peace.
ZOMBIE APOCALYPSE OR ALIEN INVASION?
BAYAN SIS! zombie apocalypse pa din, kasi may maliit na percentage pa din tayo na pwedeng macontrol yung situation na yun kesa sa alien na pwede tayong gawing slaves!
WEAR GLASSES OR CONTACT LENS?
Eyeglasses, lagi ako nagkakamot ng mata at napakaantukin kong tao. Baka masira lalo mata ko sa contact lens
GO OUT TO BREAKFAST OR DINNER?
Dinner. Kasi di ko alam kung anong oras ako pwedeng magising sa umaga hahahah!
WITCHES OR DWARFS?
Witches. Para Harry Potter feels hahahaha!
Bonus tanong ulit!
GOLD OR SILVER
silver
KNOW MARTIAL ARTS OR HOLD A GUN?
Gun
TO EAT FRUITS OR VEGETABLES?
Fruits
ROLLER COASTER OR FERRIS WHEEL?
ferris wheel
VAMPIRES OR WEREWOLVES?
Vampires
GO SKY DIVING OR GO BUNGEE JUMPING?
Sky diving
K-SERIES OR ANIME
Anime
*************
Salamat sister @Usagi sa pag share ng questions mo. Check nyo yung original article nya here, https://read.cash/@Usagi/fastalk-blog-edition-6b83d511
Sinagutan ko muna to habang sleep yung baby kong grabe maka sepanx. Grind muna ako ng articles dahil busy na naman ako next week huhuhu.
Salamat po sa pagbisita sa article ko, antabayanan nyo sana yung mga susunod at magenjoy kayo. Check out my sponsors din!
lead image from unsplash
Malit or malaki syempre ano bey! Tinatanong paba yan? Haha nagiging berde ako sa tanungan na ito.π π gusto ko siyang itry now na kas inaNtok ako save ko nalang to para masagutan ko rin. Hehe langya huwag sana umandar pagkaberde ko baka iba lumabas sa mga sasagot.π π