Pinto Art Museum 2017
09.17.22
Art is everywhere. Art is you and me. Art could be pleasing to the eyes, could be confusing, or could be scary to some.
How do you define Art? What is the importance of Art?
When I was still a student, I dreamt of having the skill to create art. Drawing, painting, and styling but unfortunately I wasn't blessed with such talent. My sister had her drawing skills from our father which I wished I had too. I was blessed with dancing skills though, just another form of art. At least I still get to appreciate art.
I remember @Jijisaur and a few other users here who are very talented when it comes to these things but what I am about to share is art in a different form. I don't usually go to museums and this may be the first time that I've been to one.
Teka weekend na pala so Taglish muna tayo para makahinga naman tayo ng konti.
Gusto ko lang magshare yung time na nakapunta ako sa museum na iba iba ang makikita mo. Yes, nasa lead image ko beh
Pinto Art Museum
Pinto yes, pinto as in door. Hindi ko alam kung bakit Pinto Museum ang pinangalan nila doon. Mejo antok na din ako para magresearch pa about it hahhaa. sarreh.
Pero feeling ko lang naman kasi kaya sya tinawag na ganun kasi malawak sya na museum. Hindi sya yung typical na museum na makikita mo na about sa isang eme lang, like kapag historical, art, musical, natural, science museum about dun lang ang makikita mo. Bawat pasok mo sa isang pinto o area ibang klase ng gallery ang makikita mo.
Location
Makikita nyo ito sa Antipolo, Rizal, eto ang Map kung interesado kayo pumunta. Heads up lang, wala silang parking space so you have to park sa street lang at bahala kayo maghanap ng spot nyo. Mejo pataas na matarik din na part ito ng Antipolo. Kung magcocommute kayo madali lang. Share ko kung pano, may dalawang pwedeng sakyan.
Pumunta kayo sa pinakamalapit na may masasakyan na Antipolo Simbahan or Antipolo Shopwise na route. Hindi ko na alam kung magkano ang pamasahe pero dati na sa 21 or 27 ata. Kapag Antipolo Simbahan, baba kayo sa simbahan, kapag Antipolo Shopwise naman, baba kayo sa may Ynarez
Pagkababa nyo, sakay kayo ng tricycle at syempre sabihin nyo na ang destinasyon nyo. Alam na nila yon hahaha! Bababala, wag kayo masshock sa pamasahe sa tricycle, ginto gasolina doon eh.
pwede din naman kayong maggrab papunta kung marami naman kayong magsshare or abot kaya ng budget.
Entrance Fee
Sa pagkakatanda ko nasa 180 to 200 pesos ang binayaran namin noon, syempre may discount kapag student. Bawal din ang magdala ng food sa loob kasi may konting makakainan naman doon. Hindi sya yung kainan na tindahan na pang snacks ah.
Why punta sa Pinto Museum
Nagpunta kami ng isa sa mga ex jowa ko doon as a celebration ng anniversary namin, around 2017 ata tong mga pictures nato . Maiba lang ba kami ng gawain kasi di naman ako mahilig lumabas or magdate. So ayun, isshare ko lang yung konting pictures na narecover ko. Di ko na isasali yung mga pictures na may muka namin baka mamaya magmuka pa akong nakakamiss ng taong at isipin nyo na di ko mahal asawa ko HAHAHHA! Pero friends kami ngayon with respect sa kanya kanyang buhay.
Actually, tong place na to is isa sa mga sumikat na spot na pwede ka kumuha ng mga Instagramable pictures eh. Bawal nga lang magphotoshoot doon ng walang permiso or hindi photoshoot package ang binayaran.
O sya eto naaaa, tama na kuda!
Photos captured by yours truly...
Di ko matandaan if anong phone ang gamit ko dito, parang Motorola Z2 Play ata ang phone ko that time.
You'll never know what's inside. Kelangan mo pumasok para makapagpicture ng maayos.
Nature, Nipa Hut. Actually masarap sana tumambay dito kaso tirik na tirik ang araw nung nagpunta kami.
One of the famous Instagramable spots is yung stairs na makikita doon.
Eto pa isa.
Oh baka meron sa inyo na may ganyan pa na upuan.
May mga animals din na makikita sa ibang parte, like this one.
And anotha one!
Eto naman mga ethnic emerut.
Huuuuy, magbihis ka sir!
Dementor? Charot!
Eto naman mga ethnic pieces...
Oo may pool doon, hindi pwede magswimming pero may mga upuan naman sa gilid. Eto ata yung part na pang photoshoot eme eh.
So ayun lang pala ang mga narecover kong pictures. Kulang pa sya sa totoo lang, may mga spots na magaganda magpicture talaga doon. May mga parts doon na paintings lang, sculptures, political arts, scrap arts, at kung ano ano pa. Sulit yung pagpunta mo doon kasi kapag napagod ka pwede kang umupo at magchill muna bago pumunta sa ibang area.
Di ko din makita yung picture nung kinainan namin na may masarap na pizza. Feeling italian pizza talaga kasiiiii.
Ay pero dapat may IG post tayo doon. Eto lang yung pinakamatino ko kasi di naman ako mahilig magpicture sa sarili ko.
Pogi ko ba?
lead image and closing banner edited from canva.com
pictures posted are mine unless stated
all original content. Micontingsabit
Check me out on
Noise.cash|Micontingsabit
Noise.App|Micontingsabit
Hive|Miconteangsabeat
PublishOx|Micontingsabit
Ang ganda naman sis. Ako na curious din ako kung bakit Pinto. Gusto ko din talaga mag punta din ng museum. Gusto ko din makakita ng parrot sis.