P.E Fri-Yay!

15 39

09.24.22

I can still remember every Friday grade schoolers wear PE uniforms. It's a Physical Education activity day whenever the week ends.

Sponsors of Micontingsabit
empty
empty
empty

Pwede tagalog muna tayo, hapit lang ako ng isang article. Kanina pa ko nakatunganga sa isang tab dito sa browser ko. Nakagawa na ko ng Hive account last week kaso wala pa akong post. Thanks nga pala kat @Ayane-chan and @DennMarc sa help. Hindi ko pa sya masyado naeexplore kasi kahit kapag gabi at tulog na ang bossing (Lil B) ko eh, umiiyak iyak pa din bigla. Katulad nito, dapat sa pc ako gagawa ng article at sisimulan ko na yung intro blog ko sa Hive kaso iyak iyak na naman sya.

Anyway back to the regular channel...

Naka duty pa din si husband hanggang next week kaya solo flight muna kami ni Lil B sa bahay. Honestly, hirap ako patulugin sya ng maaga kasi yung energy nya eh ang hirap ubusin. Minsan kapag nakakalaro nya yung anak ng kapitbahay namin, sinasabi saken nung nanay nya na late na nakakatulog anak ko kasi naririnig nila yung iyak. By the way, nasa apartment kami na studio type ang units so magkakarinigan talaga kaming magkakatabi na unit. May baby din sila kaya lang parang feeling ko nagpapahiwatig sya na patulugin ko ng maaga si lil b. Kaya sinabi ko sa asawa ko at sarili ko na lalabas kami tuwing hapon kahit saan, kahit lakad lang papuntang tindahan ganun.

FRIYAY!!

Kapag day off ng asawa ko, nagjojogging sya or tambay lang kami sa tabing dagat. Pero ngayon, ibang level ang energy ni madam kaya sabi ko try kaya namin magMall kahit saglit lang ikot ikot lang.

Walking distance lang ang Robinson's from sa apartment, mga 10min walk kapag mabagal ganun.

Kahit kaming dalawa lang ni Lil B. Makakita man lang sya ng ibang view paminsan minsan. Syempre suot namin ang twinning outfit na gawa ng mother ko.

Actually dun na kami naglunch. Nakatulog kasi si madam pati ako nakatulog at 2pm na kMi nagising tapos di ako nakapagluto. Sabi ko magMcdo kami para makapaghappy meal kami at baka may books na available sa happy meal. Sadly, wala palang Mcdo doon. Sa Jollibee naman andaming nakapila, kaya sa KFC na lang kami kumain.

O ayan, dance sya nung tumugtog yung The Feels by Twice.

After namin kumain, pumunta kami sa Tom's world. Ayun gusto nya drive drive na naman.

Tapos may play booth doon, pinagplay ko sya doon para mas mapagod sya HAHAHAHA.

Gusto nya yung luto luto, baka namiss nya na yung mga toys nya na naiwan sa lolo't lola sa Marikina.

Natawa din ako kasi umiyak sya nung may kumuha nung upuan hahahaha.

Kaya binigyan na lang sya ulit nung nagbabantay doon ng upuan.

Nakakatuwa din kasi yung kaisa isang book nya dito eh napunit na nya, tapos kagabi paulit ulit kami ng read.

Bigla din kami nagulat kahapon ng asawa ko kasi bigla syang dumaldal. Ablablabla kala mo nakakapagsalita na ih hhahahha

30-mins lang sya doon kasi sinundo kami ni daddy para sabay pauwi. Muka namang nagenjoy magluto luto si madam, naglakad lakad na lang kami while waiting kay daddy.

Pero isa lang din kinagulat ko, Friday pero andaming bata sa mall. saka ko na realize, iba na nga pala ang curriculum ngayon.

Ayun happy FRIYAY!!!

Dahil hindi ako mahilig magmall, si Lil B na lang muna makakapagenjoy sa mall.

Yung intro blog ko sa Hive, di ko alam ilalagay ko HAHAHAHA.

lead image and closing banner edited from Canva

pictures posted are mine unless stated

all original content. Micontingsabit

Check me out on
Noise.cash|Micontingsabit
Noise.App|Micontingsabit
Hive|Miconteangsabeat
PublishOx|Micontingsabit

9
$ 4.14
$ 4.07 from @TheRandomRewarder
$ 0.03 from @Pichi28
$ 0.02 from @Ayane-chan
+ 2
Sponsors of Micontingsabit
empty
empty
empty

Comments

ay ang saya may parang totoong plato momsh.. hehe naku ganyan din si matti.. hanggang 11pm ok pa din sya ..pag iiyak alam din ng mga neighbors namin hehehe tapos mag dadrums ng hating gabi hehehehe

$ 0.01
2 years ago

Dun lang sya natambay sa lutulutuan momsh. Ang kulit eh may ref pa hahahaha.

$ 0.00
2 years ago

Ndi pa nakakaglaro ang anak ko sa ganyang area parang kidzoona ba yan, para kasing ang pricey pero gusto ko din maexperience nya

$ 0.01
2 years ago

Nako sis parang playeme lang maliit lang sya playhouse. 130 for 30mins

$ 0.00
2 years ago

Hahaha nasa age yun bata na full energy. Ang saya!

$ 0.01
2 years ago

True! Ang saya nyaaaaa, pagod ang mama hahaha kulang pa energy ko sa energy nya

$ 0.00
2 years ago

Kakautuwa mga bata, pero uubusin din nila energy mo bago sila ma low bat.

About sa intro post, teh. Simple lang, brief description lang sa self, ano ma expect nila sa future self mo, then mention mo ko (@ayane-chan) na nag-invite sayo para sure legit ka. Tapos yung sa tags po lagay mo (introduceyourself, introduction, hiveph), fun mo din submit sa Hive Ph community.

$ 0.01
2 years ago

Nako doble pagod ako kasi after nya magplay didi naman sya. Salamat sa tips sis kapag matapos ko yun sana matuloy tuloy ko din huehue

$ 0.00
2 years ago

Feeling ko kapag lumaki si lil B e kagaya mo din sya na astigin hehe. Ang kyut ❤️

$ 0.01
User's avatar Yen
2 years ago

Sana nga sis hahaha, para kampi kami palagi hahaha

$ 0.00
2 years ago

Masaya talaga pag mamamasyal kasama ying anak natin making memories together habang maliit pa dahil pag laki nila may sarili na silang mundo,nasasayangan nga ako sis noon wala pa akong android phone ni wala akong picture nung baby pa anak ko pero okay lang naman mahalaga yung ngayon

$ 0.01
2 years ago

Okay lang yan sis. Ang importante lagi tayong nasa tabi nila.

$ 0.00
2 years ago

Ang cute naman ni baby sis. 🥰❤️ Dalawa ba mall sa Tacloban sis? Parang dalawa sis nuh? Di ko na maalala.

$ 0.01
2 years ago

Dalawa ata. Sabi ng asawa ko mas malaki daw tong malapit sa amin kesa sa Robinson's north

$ 0.00
2 years ago

Ah. Oo sis kasi natandaan ko dalawa mall sa Tacloban.

$ 0.00
2 years ago