Memories Follow me Left and Right

26 53
Avatar for Micontingsabit
2 years ago
Topics: Throwback, Memories

10.01.22

How about we welcome October with a throwback? It's not a Thursday but I just opened my Facebook account and checked the memories tab. Oh boy, I thought every memory was just yesterday.

Sponsors of Micontingsabit
empty
empty
empty

Teka dahil Saturday ngayon, magtagalog muna tayo para happy lang. Tignan natin at i-compare ang mga eme natin for the last few years sa buhay ko ngayon.

A year ago

First time namin nakapagwalk sa park kahit GCQ pa nun. Di ko sure if ilang araw lang nakauwi ang asawa ko nun pero sinusulit ko talaga lagi ang oras at araw kapag umuuwi sya.

Naalala ko pa nun, nakatulog si Lil B while naglalakad kami papunta sa park. 5 months pa lang sya nun at di pa nakakalakad kaya sight seeing lang muna sya ng mga bagay bagay maiba lang yung surroundings nya kahit papano.

4 years ago...

Nagyoyosi and nagvavape ako dati. Walang halong bashing mga friends ha, kanya kanyang bisyo lang tska wala pa akong inaalalang anak noon.

Anyway, nagquick break ata ako nung time na to. Magisa lang ako nagbreak and most likely weekend to kasi wala masyadong tao sa vaping area. Di ko na maalala san galing yung lollipop and niflex ko lang yung lolliVape ko HAHAHHA.

Di ako marunong magvape tricks kasi pang tanggal stress ko lang ang yosi or vape. Aside from the bilog and super star trick ko nun ayan, lollivape na lang hahaha!

6 years ago...

Ayan iflex ko yung mga kapatid ko. From left to right, bunso, 2nd, eldest and me, yung pangatlo.

This picture was taken sa Avilon Zoo. Nagdecide yung ate ko na idate ang buong family para lang maiba. Buti na lang walang masyadong tao nun at naenjoy naman namin.

Yes, kami ang apat na Sangre. Ako ang may hawak ng brilyante ng utot, char! Mejo namiss ko na din mga kapatid ko, kahit nagaaway kami palagi. Halos 2months na pala akong nawalay sa kanila huehue.

Eto naman isa sa mga flowers na tanim ng nanay ko sa dati naming bahay. Di ko alam tawag jan eh, basta mahilig lang ako magpicture kapag may magandang flowers doon sa bahay.

12 years ago...

Oh wag kayo magulat, hindi yan yung asawa ko. HAHAHAHA!

Actually classmate ko sya nung college ako. Tawag ko sa kanya si Papa Chua. Rodolfo kasi first name nya at Bok nickname kaso di ko bet na tawagin sya ng kahit ano doon, kaya bilang paglalandi ko sa kanya Papa Chua na lang. HHAHAHAH! Sya lang ata yung naging crush ko na may lakas ako ng loob na kausapin sya kasi mahiyain din sya. Sya din yung tipo na kahit alam nyang may gusto sa kanya di nya itatake advantage parang wala lang sa kanya, kakausapin ka padin nya at makikipagbiruan ng casual.

Mejo memorable tong picture na to. Memorable in a negative way kasi ganito yun......

***flashback sound****

Yung boyfriend ko that time, sikreto na kami. Walang nakakaalam na kami sa mga klasmates namin. Eh nagkataon na birthday ng bestfriend ko nun at may thesis kami, yung dalawang groups nagdecide na doon na lang sa house ni bestfriend maggawa ng thesis sabay birthday celebration.

Naalala ko pa na kapos kami noon, wala akong pampamasahe pero sabi ko sa nanay ko malapit na matapos yung thesis namin at kelangan ko pumunta doon kasi nagagalit yung mga groupmates ko. Pero syempre, chenes lang yun. Mejo selfish ako sa part na yun kasi gumawa ang nanay ko ng paraan para makakuha ng pamasahe at makapunta ako. Pero ang totoo eh, kahit di naman ako pumunta doon eh okay lang. Yung bestfriend ko kasi na birthday celebrant yung dating pinopormahan ng boyfriend ko that time. So basically, secretly kami na ng jowa ko nun pero alam ng lahat eh nililigawan pa din ng boyfriend ko si bestfriend. Hindi ko hahayaan na maging masaya sila doon habang ako nasa bahay ang peg ko nun.

So ayun nga, may katuwaan, inuman, buyuan, tuksuhan tapos nagdance pa si boyfriend and bestfriend. So nainis ako, inom lang ako ng inom tapos nakikipagbargadulan lang tapos biglang sabi ni Papa Chua 'picture tayo', nagulat yung mga classmates namin tapos pinicturan nga kami! Syempre kilig ako nun kaya kita naman siguro sa ngiti ko sa picture na kiligPP ako HAHAHHAA! May kasamang akbay pa yan!

Tapos aba, secretly nagalit ang boyfriend ko at inaway nya ko nun. Ay wait, secretly nagalit ang secret boyfriend ko. HAHAHAHHA. Di naman ako yung nagpapicture eh, so wala akong guilt. Siguro guilt ko lang is yung kinilig talaga ako nun HAHAHAHA!

So ayun, hanggang dun lang yun HAHAHHA!

**the end**

oh hanggang dun lang talaga yun.

Ay ano na nga ba ako today?

Present...

Ito married for a year with a 16-month-old Lil B. Nasa Visayas at walang kilala kahit sino.

Namimiss ko din yung dating ako pero bawal manghinayang o magsisi, kasi alam ko balang araw maibabalik ko din yung magaan kong katawan. Pero di ko pa din matatanggal yung sakit ng likod at tuhod ko.

Mabilis lang talaga ang panahon. Akalain mo yun, noon puro lang ako landi, jowa dito jowa jan, bisyo dito, bisyo jan. Pero nakakapagod din pala, madaling napagsawaan. In fairness mejo clean living ako since nagbuntis ako kaya parang namimiss ko magyosi lalo na kapag stressed, namimiss ko uminom, namimiss ko yung anytime pwede akong umalis, yung ako lang yung iisipin ko, yung walang nakadikit at sumusunod sakin kahit sa CR.

Well, perks of being a mother nga naman Micon. Soon enough, magiging ikaw na ulit yung dating ikaw.

Oh diba, grabeMakaa stomach in.

Ayun lang! Happy October to all and looking forward sa halos normal na pasko!!

lead image and closing banner edited from Canva

pictures posted are mine unless stated

in all original content. Micontingsabit

Check me out on
Noise.cash|Micontingsabit
Noise.App|Micontingsabit
Hive|Miconteangsabeat
PublishOx|Micontingsabit

CryptoTab - BTC mining
Free Bitcoin Cash - BCH mining
Pi Network - Pi

11
$ 0.89
$ 0.70 from @TheRandomRewarder
$ 0.10 from @Erickchristianmontajes
$ 0.05 from @ARTicLEE
+ 3
Sponsors of Micontingsabit
empty
empty
empty
Avatar for Micontingsabit
2 years ago
Topics: Throwback, Memories

Comments

Kapag sa Facebook ako nakatambay ate, grabe rin magpaalala yung memories hehe

$ 0.00
2 years ago

pwede kang masaktan o matuwa sa mga memories na andun ano HAHHAHA

$ 0.00
2 years ago

Base dun sa last pic, Medyo nag kalaman ka ah. kisa sa mga old photos mo na throwback with you classmate, tbakit kaya ang mga babae pag nag kalaman mas gumaganda, baliktad naman saming mga lalaki ahahahah

$ 0.00
2 years ago

nako from less than 50kg naging 61 HAHAHAA.

$ 0.00
2 years ago

mas nag bloom ka nga nung nag ka laman ka eh

$ 0.00
2 years ago

So much memories to keep din talaga. Sarap balikan

$ 0.00
2 years ago

Bawas bawasan na ang softdrinks. Now na! :D :D

Cute nung story nyo. Pa secret secret pa kasi e lol!

$ 0.00
2 years ago

Walang coke dito masyado at ang mahal pa huehue. Nagpaparinig na nga ako sa asawa ko para lang sa coke hahaha. Yung secret boyfriend jan hindi sya yung asawa ko ngayon hahaha toxic yun

$ 0.00
2 years ago

Haha nag avilon pala kayo sis malapit lang yun dito samin. Ang natawa naman ako sa brilyante ng utot. Haha πŸ˜‚ and dun sa landi keme oks lang yun sis masarap maging dalaga talaga kasi you can do whatever you want and landi you wnat but now yun nalabg talaga alaga anak and alaga asawa nalang. At kung saan ka dalhin ng asawa mo walang choice kubg hndi ang sumama.

$ 0.00
2 years ago

Malaki din pala yung Avilon zoo. Nakakatuwa dun aabutin ka talaga ng maghapon magikot. Nako ngayon kahit san talaga ako dalin ng asawa ko sasama ako kahit saang parte ng bahay Haahahahaha CHAROT

$ 0.00
2 years ago

For someone that had a fun filled experience, seeing some photos & videos unlocks some emotional feelings. The best of all is when you're notified by Facebook

$ 0.00
2 years ago

That's true, it could be a bad or good memory, but it's okay that's what made me/us who we are today.

$ 0.00
2 years ago

Yung vape ang nagdala, sis!

$ 0.00
2 years ago

Lollivape is the new vape chaaaar!

$ 0.00
2 years ago

haha ayos!

$ 0.00
2 years ago

One thing that I like about social media is that we can go back in to our memories. Ang saya lang balikan ng magagandang alaala hehe!

$ 0.00
2 years ago

Yun na lang talaga yung purpose ko ng FB, photo album hahaha

$ 0.00
2 years ago

Nice, super galing talaga ng baby angel mo friend hinatak ka niya ulit sa tamang daan... Wag na ulit babalik sa mga bisyo.. Hehe.. πŸ˜…

$ 0.00
2 years ago

I'm trying my best pero di naman ako lulong sa bisyo. I can manage naman lalo naman if kelangan istop. Hindi naman ako chain smoker din noon. Hahaha

$ 0.00
2 years ago

Di naman sukatan ang bisyo sa pagkatao sis oy lain2x tag story sa atung kinabuhi.walay perpekto ang importante wala ta nanamak ug tawo.

$ 0.00
2 years ago

Sis sorry di ko pa masyado maintindihan hahahaha. Ilang buwan pa lang ako dito sa tacloban ih.

Pero thank you πŸ€—πŸ€— kahit gustuhin ko bumalik sa bisyo ko din ayaw ko naman mapahamak si bebe ko

$ 0.00
2 years ago

Hahaha sige translate ko nalangπŸ˜… Walang perpektong buhay iba2x tayo ng life story ang mahalaga wlaa kang inagrabyadong tao.

$ 0.00
2 years ago

Awww! total ang transition bhe, ibang iba ang mundo mo before at ngayun.

$ 0.00
2 years ago

Totoo yung gusto ko sana maging kapag nagkapamilya ako mejo lumiko pero happy pa naman dn ako

$ 0.00
2 years ago

Ang saya lang balikan ang nakaraan sis and in fairness laki ng ipinagbago kapag naging nanay na yung lahat kaya mong iwan para sa anak mo.

Ay siya nga pala gwapo si Chua hehe. May dahilan para mag selos si secret boyfie.

$ 0.00
2 years ago

Totoo yan sis. Di ko inimagine na ang laking pagbabago pala talaga kapag naging nanay ka na. Gigil ko jan kay papa chua eh, tapos malaman namin yung mahilig magcosplay na classmate namin ang naging jowa nya. Hahaha

$ 0.00
2 years ago