Go for the Gold PH!!

18 41

052122

31st SEA Games friends! Feeling ko kelangan ko lang magpost about this hahaha. Hindi man ako super fan ng ibang sports pero knowing that the world is already recognizing other computer/mobile games as a sport, E-sport nga kung tawagin. I just need to share this kasi PH got the Gold for MLBB! YEY!!!

Sponsors of Micontingsabit
empty
empty
empty

Tinignan ko kung kelan nagstart magkaroon ng e-sports sa SEA Games and it was around 2019. I think they featured E-sports during 2018 for a trial run or demo something like that and the following year, they included it na din sa sports.

I know that to some parents or people think na hindi naman talaga sports yung computer or mobile games. Pero if iisipin mo, yung ibang larong kalye is somehow considered din as sport. Tulad ng sipa/Sepak Takraw at patintero.

Flashback....

Naalala ko kung highschool ako, sa PE class namin syempre pinagaralan or nilaro namin yung mga local/traditional games. Nagulat kami dahil tinuro samin na isang legit na sport yung patintero. Natuto kami kung pano ang scoring system at mejo iba sya sa nakagisnan nating laro.

image source

Ayan, nagshare na din ako ng diagram hahahah.

Sinasali na din ng school namin to sa Sports Fest namin kasi naging pambansang laro din namin sa school. Maraming nagkakapikunan o nagaaway na kala mo basketball game ang nilalaro char! Pero siniseryoso namin paglalaro ng patintero nung highschool pa kami.

Oh teka, baka sabihin nyo kasi physical game ang patintero kaya considered sya as sport. Ang chess is also considered a sport right? Wala lang, just saying. HAHAHAHA.

Other people play for fun at yung iba they play just because they can and they're good at it.

E-sports

Nageevolve talaga ang mga bagay through time. Dati nga puro physical games lang ang magagawa dahil hindi pa gaano high tech ang world. Pero ngayon, people or kids who are physically challenged or doesn't have the confidence (or for whatever personal reasons they can't play) to play sports, eh malalaro na din nila sa loob ng bahay. Yes, sa help ng mga gaming consoles and computers.

Sa panahon ngayon di natin maikakaila na maraming tao ang naglalaro na lang sa loob ng bahay. Kasi siguro dun sila komportable, minsan mas gusto pa ng ibang tao na hindi nila kakilala yung mga kalaro or mga taga ibang bansa kesa sa kapwa pinoy.

Pero ayun na nga, buti nalang nasama din sa SEA Games ang mangilan ngilan na E-sports.

PH GOT THE GOLD!

Well well well! Congrats mga katoxic charot! Lagi kasing sinasasabi ng asawa ko na ang toxic ng pinoy community sa ML compared sa mga taga ibang bansa. Kaya ako hindi ako masyadong nakikipagengage sa chats sa ML lalo na sa mga trashtalkers na tumitiklop naman kapag mas mataas ang performance ko sa game.

Anyway.. The other day, nagulat na lang ako pagkabukas ko ng Tiktok ko. Tagal ko din kasi di nakapagtiktok. Tapos pagkascroll ko nakita ko yung live stream ng MLBB sa SEA Games. Nashock ako syempre, I was about to scroll up but then nakita ko si OhMyVenus and Wise na kasama sa line-up. Pagkacheck ko OMG!! Blacklist International pala ang team na nagrepresent satin!

Si OhMyVenus ang Captain ng team. Galing din nitong vaklang twooooo eh! Mapapabilib ka din sa lakas magsupport nitong taong to. Sya ang shots caller ng team, ultimate support queen! Sya talaga dahilan kung bakit ko sinubaybayan yung SEA Games.

Mejo di ko napanuod yung first game. Nakita ko na lang na 2-0 yung first match tapos 2-0 din for 2nd match. Sadly, habang naghihintay ako ng 3rd match nila nakatulog ako huhu, pero panalo pa din sila hanggang semi-finals.

So yesterday morning, finals na. Sila ang unang salang at 10am. Bukas ako agad ng tv at pinanuod yung live stream. Hahahahha, sorry Lil B bukas ka na magwatch kay Ms. Rachel hahhahah!

Di ko man nasimulan pero naabutan ko naman yung first game. Sa finals, they were against Singapore. Nakakatuwa lang na halos lahat ng heroes na gamit ni OhMyVenus eh binaban ng kalaban, lalo na si Estes.

Mejo intense ang finals, as in. Pero malakas kumapit si OhMyVenus at bilib din ako sa pasensya ng Ph. Waiting for the right timing ang peg talaga.

Pero mas nakakatawa yung pati si Dogie shinout out nila nung nanalo sila. Why? May binitawang salita kasi si Dogie na sure daw sya mga 90% na di daw mananalo or magcchampion ang BLCK sa Seagames. Pero Pinasalamatan pa din ng team si Dogie sa 10% na tiwala hahahahhaa.

Anyway, anyhow... share ko nalang sa inyo yung stream if you want to watch it or some of you may have watched the stream na din.

ITAAS ANG BANDERA NG PILIPINAAAAS!!!!

Dito nalang muna to at gusto ko lang icelebrate ang pagkapanalo ng PH. Naalala ko yung intense ng pagccheer namin ng kapatid ko at nagulat ang mga anak namin nung naghiyawan kamiiiii. 🤣🤣🤣

More than a week na din ako hindi na kapag post ng article. Nabusy sa binyag and birthday ni Lil B and now nagkasakit pa sya. Haaaay, I need to make bawi my sleep too. Kelangan okay si mommy para maging okay na din si Lil B.

Magrerenew na din ako ng sponsorships ko sa inyo mga friends. Konting paghihintay lang ang kalat kasi ng sponsorship page ko ahahahha, palitan ko lang logo ko para di ako mahirapan.

any violent reactions and comments are welcome sa baba!

Peice out!

9
$ 1.85
$ 1.76 from @TheRandomRewarder
$ 0.03 from @DennMarc
$ 0.02 from @yhanne
+ 2
Sponsors of Micontingsabit
empty
empty
empty

Comments

Ang lakas din talaga nila eh, yung prof ko di siya nagdiscuss kahapon ate tapos binigay nyang activity about dito ahahha kaya buong section kami nanonood haha

$ 0.01
2 years ago

Wahahahahaha! Naglalaro dn pala si prof hahahaha.

$ 0.00
2 years ago

Umaariba talaga ang Pilipinas ngayon, kasi sa E-Sports.

$ 0.01
2 years ago

Trot pati sa ibang games din ba sis?

$ 0.00
2 years ago

Nanood din kami ng sea games pero hindi ko napanood tong ml. Volleyball at basketball Lang. Fan kasi ang husband ko ng basket, Kaya nakatutok.

$ 0.01
2 years ago

Sino na lamang or panalonsa vball?

$ 0.00
2 years ago

Di ko napanood yung finals. Pero yung mga naunang laro nila tiningnan ko kahit hindi ako familiar kung paano laruin ang ML, hehehe...Papanoorin ko yang sa finals nila...

$ 0.01
2 years ago

Basagang base lang sis, basically un ung objective nung game regardless kung ilan ang kills basta una makabasag ng base. Baka magstart ka na dn maglaro ng ML hahahah

$ 0.00
2 years ago

Parang gusto ko tuloy maglaro ng ML sis, hahaha... Ang gusto ko na pkayer dun ay si Del Rosario "Wise" at Soto hehehe. Magagaling naman silang lahat pero yung dalawa yung lagi kong nakikita na nahighlight nung napanood ko sa Tiktok ang laro nila

$ 0.00
2 years ago

Shruuuu. Pati si imam, sila kasi yung mga may damage sa team. Usually dn kasi binabalewala ng iba yung assist, katulad ko na nagtatank and support na hero dn.

$ 0.00
2 years ago

Nakita ko nga po ito sa Facebook at Twitter haha. Ang sarap magbasa kung Tagalog din minsan. Lakas ng team na yan eh kahit nung simula pa lang.

$ 0.01
2 years ago

Baka nga magtagalog muna ako sa mga articles ko kasi kulang ako sa oras hahahaha.

$ 0.00
2 years ago

Ayeeh congrats ,more power to the team.

$ 0.01
2 years ago

Yeeees werpaaaaa!!!

$ 0.00
2 years ago

Wow congrats🥳🥳

$ 0.01
2 years ago

Yaaaaaas!!!

$ 0.00
2 years ago

Na amaze din ako nung nakita ko yung players ng MLBB sa Sea Games na napanood ko. Lumelevel up talaga plus mga pinoy pa nanalo. Iba talaga ang mga pinoy

$ 0.01
2 years ago

Magugulat ka sa huling game 10% natiwala naging 10mins na game gulatan hahahaha

$ 0.00
2 years ago