80s and 90s babies were the generation of evolution. Uy kaway kaway naman jan, wag na mahiya! Lels.
Pero halika, tignan natin kung maalala nyo pa. Wag ka na mahiya, wala tayong age reveal hahahaha!
Ireveal ko muna ung mga mababait at naggagandahan kong sponsors
Check them out! You'll be entertained as and inspired too!
BACK TO THE MAIN CHANNEL...
Internet
From 90s to early 2000s mayaman ka pag may computer ka laloa kapag may internet connection ka. Para sa aming mga ordinaryong mamayan, prepaid internet. Yes, prepaid internet wala pang mga internet shops gaano nun. Either makiinternet ka sa beshie, kapitbahay or kamaganak mo. AKALA NYO SIMCARD LANG NG SELPON NILOLOADAN HA.
Para sa mga millenials jan, you can Google how Dial-up connection works. Pero sige kung binabasa mo to ganito yun. Eto ang mga kelangan mo:
computer
Alam nyo ba ung bulldog na TV, ganun din monitor namin noon. Tapos may isasabit ka pa sa screen para pamprotect ng eyes mo parang screenprotector.
Sympre kelangan mo ng brower. Meron kami noong Internet Explorer or IE kung tawagin, yan ang pinakamabilis na browser of all time. I mean, super duper bilis, walang harong biro at echos. Yung pwede ka pa maligo habang nagloload ka ng research mo.
modem
Yan ang oldschool router
landline
Di magwwork ung router mo kapag walang landline. Basically dito nangangaling ang internet connection. At bawal gumamit ng telepono kapag may nagiinternet, or else yari ang connection mo. YES, mawawala connection mo at kelangan mo idial up ulet ang internet.
internet prepaid card
ISP bonanza yan ang pinakasikat na prepaid card noon. May promo pa sila na unli internet during midnight.
Yahoo Messenger (YM)
Bago pa magkaFacebook, messenger, Wechat, Viber, Zoom, etc. Eto pinakaold school na messaging software or application. Di ka IN (In meaning wala ka sa trend) kapag wala kang YM account.
(uy aminin namiss nyo ung sound notification nito)
Dito maraming naka-Avail, Invi at AFK. Sikat ka kapag maraming nagppop-up na window sa Ym mo hahahha.
Floppy Diskettes
There are types of Floppy Disks, yung 5.25" and 3.5". Lapad noh, pero 1.44mb lang kaya nyan. Yes, yes, yes! Files lang and pictures lang ang kaya, kokonti pa.
Naiimagine ko ung mga college student noon. Baka bumibili sila ng box box na diskette para lang makasave ilang pages.
Tapos kapag nasira na ung 3.5 na diskette paglalaruan nyo na, kunyari camera na sya. Click! Click! (Ay ako lang ata yern)
Beeper
Wala pang cellphone noon, means of communication lang ay thru snail mail, telephone, telegram, sige isama na natin si Beeper. (Hindi ko naexperience magkabeeper kasi Purita Gonzales lang kami). Nakikita ko lang to sa mga nakakatanda noong bata pa ako. Sosyal ka kapag may nakaipit sa sinturera mo na beeper. Short messages lang to ang alam ko, kaya kapag nagbeep ka ng SOS or 911, it means may urgent or emergency.
Telephone
Sino nakaabot nito? Eto yung legit na pagddial eh.
Cute no, pero wag kang gagamit ng ganitong klaseng telepono kung may emergency. Baka patay na ung may kelangan ng emergency, katatapos mo lang magdial sa phone.
Sa mga millenials jan, yung isang digit kung nasaan ung number na iddial nyo, ilulusot nyo ung daliri nyo dun tapos iikot nyo clock wise hanggang magstop. tapos kusang babalik yun dahan dahan, iikot sya ng kusa pa counterclockwise pabalik sa dati nyang posisyon. Ngayon ulitin ang steps based sa number na iddial mo. OO, yes, that's right. Isa-isa.
Music Players
Anjan si Cassette tape, CD and cassette tape Player at Cd Player. Teka, iba pa yung compact music players ha. The one in the picture above, compact na sya. It means, portable.
Kelangan ko ba iexplain? Sige na nga.
Yung cassette tape and CD dun nakasave or nakastore ung music na papakinggan mo. Usually sa cassette tape full album yan kasi di mo mappersonalize ung laman unless meron kang blank cassette tape tapos irerecord mo sa kabilang cassette player ung mga gusto mong music. Take note, you have to finish the whole song and HINDI KA DAPAT MAGINGAY kasi marerecord din un sa background.
Yes, dito naaksaya ung oras ng ibang kabataan by making a mixed tape. lels!
CD is the modern type na, same concept but if you want to personalize ung playlist mo, it's easier na. All you need to do is to copy, paste sa PC and burn it sa CD. Yes, burn tawag namin doon! BURN!!!
VHS
VHS o betamax, di ko sure hahahha. Naabutan ko naman to, pero sa rason na hindi kami mayaman di ko naexperience to. Kung yung Cassette Tapes is for music or audio, VHS o betamax naman for video or movies. HAHAHAH, oy yung mga tatay nyo baka may tatago pang mga ganito tapos iba ung title na nakasulat sa laman hahahaha!
Gaming
Bago magkaNintento Switch, PlayStation o Xbox, eto muna ang pinakamasayang games at pinagaagawan. Di mo kelangan ng installer o internet, tska isang matinding supply ng hangin. Dahil kapag hindi nabasa ung bala ng game na sinaksak mo, HIHIPAN MO! hahahaha
Sa uulitin, dulot ng kahirapan wala din kaming ganitong mga gadgets. Nakikilaro lang kami sa mga pinsan naming meron. Masaya sya, palit ng player kung sino matalo.
MS DOS
Actually, di ko alam kung bakit ko sinama to. Basta bago maging super duper high tech ang lahat sa computer. Isa to sa mga tinuro samin nung elementary. Isa lang ang naalala ko dun, ung mga commands and echos tapos may If Then Else kumemerlu. Ngayon ko lang narealize na tinuturuan na pla kami nun ng basic programming. Grade 1 ata ako nun, tapos naglalaro lang ako after ko gawin yung activity. Ngayon di ko na alam mga pinagagagawa ko sa layp!!! Char!
****************************************************************
If you think about it, mas complicated ang mga gadgets noon pero simple lang at masaya gamitin. Madami pa yan syempre, pero eto muna yung naalala ko for now. If may naalala kayong iba, wag kayo mahiyang ishare sa comments. Hanggang dito na lang muna tayo. Sumasakit na ulo ng lola nyo.
Kung sino magcomment, isama nyo na din age nyo. ASL po... Charing!
****************************************************************
Most pictures are from Google, for visual presentation only.
kaway kaway alam ko ang lahat ng nabanggit dito..now let's confuse kids today...