Join 96,357 users already on read.cash

Day 6: Stolen

12 17
Avatar for Micontingsabit
Written by   173
1 month ago

061822 pm

Tagalog muna tayo mga dzai, maiba lang. Nakalimutan ko din kasi na Sabado na pala.

Halfway na tayo ng June and mukang fixed na din ang sponsorship issue dito sa platform. Yey! Ngayon ko itutuloy yung 30-day writing challenge.

Eto na tayo sa day 6.

Pero bago ang lahat yan gusto kong ishare tong kantang to

Five ways to win my heart.

Sa totoo lang, napakadaling mahuli ng puso ko. Mejo mabilis kasi ako maniwala at magtiwala sa tao lalo na kung usapang pag-ibig. Di naman siguro sa ata ako sa pag-ibig noon pero naniniwala ako na kung alam mo sa sarili mo na may potential na magmahalan kayo eh bakit ko pa papatagalin?

  • Time

Feeling ko dito iikot ang lahat. Kahit sa anong bagay naman kahit hindi sa lovelife importante ang time. Kung may kailangan ka iachieve kelangan mo talaga maglaan ng time.

Isa din to sa isa sa pinakamahirap at the same time madaling ibigay.

Mahirap in the sense na kelangan mo maghanap at isingit sa trabaho, sa oras sa pamilya, oras ng pahinga mo. Madaling ibigay kasi sa panahon ngayon madali na magawan ng paraan ang paguusap or pagkikita. Kahit hindi physically na magkita, hindi mo na kelangan magpaload at magavail ng unli call and text, pwede mo na din isingit ang konting pagmemessage sa napakabusy mong araw.

  • Effort

Yung simpleng effort lang ang nakakahuli sakin madalas. Kasi bigyan mo lang ako ng konting oras, malaking effort na sa akin yon. Kausapin mo lang ako sa mga oras na kailangan ko ng kausap, okay na ko. Sa mga panahon na malungkot ako, damayan mo lang ako masaya na ko.

Yung effort na hindi mo na kailangan hingin. Hindi din kasi ako mahilig manghingi ng oras. Kung kusa mong ibibigay mas maappreciate ko. Kahit sa mga kaibigan ko, yung effort lang na makita or makausap ako okay nako. Bonus na lang yung gifts, pagkain sa labas at kung anong trip nyang gawin.

  • Sincerity

Syempre kelangan linawin ang totoong pakay, kelangan sincere ka if gusto mong maging jowa kita. Kung hindi ka naman okay lang basta sabihin ang totoong pakay sa umpisa pa lang para walang nasasayang na oras, effort, pera at feelings. Kapag ano lang, ano lang HAHAHAHA!

Pero if sincere ka na maging parte ng buhay ko sa mga natitirang araw, kung sincere ka sa pagtanggap kung ano at sino ang tunay na ako, kung sincere ka na maging parte ng sangkatauhan ko, dun ako bibigay sayo.

  • Body language

Actions speak louder than words, ika nga ng marami. Totoo naman, walang halong pagpapanggap dapat. Walk the talk, hindi yung puro salita lang, yung puro pangako lang pero di naman kayang panindigan or gawin.

Isa pa sa love language ko is physical touch. I feel more secure and loved kapag hawak lagi ang kamay ko. Kapag may jowa ako, hindi pwedeng hindi mo hahawakan kamay ko. Except kapag may iba kang bitbit or ginagawa ka. Physical touch not in a clingy sense. Like if tensed ako or stress, just a simple stroke ay touch or pat lang on the back nakakagaan ng loob and I feel more loved kasi alam ng partner ko na there's something wrong. Tska i love hugs too (and more if ibibigay HAHAHAHA)

  • Consistency

Syempre hindi pwedeng sa una lang magaling. Wag tayong pakitang tao sa umpisa, kaya noon ang paniniwala ko sa love life ko is gusto kong magjowa ng naging kaibigan ko na kasi alam ko na ang ugali. Pero hindi dn pala. Kasi minsan kapag kaibigan mo na ts naging jowa mo, mas malala pa ung makikita mong ugali, pero hindi naman lagi ha. Kaya napabilib ako sa asawa ko ngayon kasi isa sya sa mga consistent na taong nakilala ko. Consistent syang maglagay ng bags or gamit sa sahig na kinaiinis ko HAHAHA CHAR! Pero seryoso, umpisa pa lang nilatag ko na ang buo at tunay kong ugali kahit di pa nya nakikita in actual. Nagset nako ng expectations sa kanya kaya di nya pwedeng sabihin na nagbago ako, at surprisingly sya din. Hindi pa man kami ganun katagal at mas nasusubok pa kami ng panahon dahil sa anak namin, nakikita kong ganun pa dn sya kung pano kami nagsimula. Naglalagay pa dn sya ng bag sa sahig. HAHAHHA!

Pero sabi nga sa kantang pinost ko sa taas, you have stolen my haaaaart!

Di ko alam kung bakit puro ganito yung topic ng challenge na to, puro about sa asawa ko yung nasasabi ko o baka dahil namimiss ko na naman sya. Isang buwan na naman na magtitiis na di nagkasama.

Wala lang!

Osya good night mga read.cash hoomans, let's cross our fingers sa pagtaas ng BCH soon

Pishawt!

5
$ 1.78
$ 1.76 from @TheRandomRewarder
$ 0.02 from @Usagi
Sponsors of Micontingsabit
empty
Avatar for Micontingsabit
Written by   173
1 month ago
Enjoyed this article?  Earn Bitcoin Cash by sharing it! Explain
...and you will also help the author collect more tips.

Comments

Sabi nga eh, dapat tlga alam nyo love language nyo kasi kung hindi, di tlga kau magmamatch sa isat isa kahit gustong gusto nyo pa.

$ 0.01
1 month ago

True yan ses. Hindi din kasi lahat kaya magsabi, kaya dapat alamin pa dn, dapat kilalanin ang isa't isa para happy ang lahat

$ 0.00
1 month ago

true kaya ako alam mo ba di ako nagpaligaw whaahaha araw araw niya nmn me nililigawan eh.

$ 0.00
1 month ago

Di ako makafocus magbasa kasi nakaplay yung song. Haha. Di talaga ako multi tasking. Anyway, same tayo sis importante talagang may time talaga kung talagang gusto tayo. Haha

$ 0.01
1 month ago

Mukang naenjoy mo yung song hahahaha
Sa time talaga ang mahalagang factor, kung may paraan mahahanapan ng oras

$ 0.00
1 month ago

Just like you po, time and consistency are factors for me to win my heart. I don't such fancy gifts and so on, all I want is sincerity. God bless you po.

$ 0.01
1 month ago

Yes yes! Kapag mas higit pa ang naibigay jackpot na yun 🫰🫰

$ 0.00
1 month ago

Ah dun ako sa consistency na pagbaba ng bag or gamit sa sahig, hahaha! kidding aside, Malaking factor talaga ang consistency . Yung tuloy tuloy mong nakikita na importante ka. Kahit sa maliit lang na mga gesture . Sa pagtawid nyo sa 5,10 or more years ng relasyon makikita nyo na .. kaya kayo nagtagal at umabot ng ganung katagal dahil sa consistency ng pagpapakita ng pagmamahal. Yung kinaiinisan mo ngayun na gawi nya ng pagbaba ng bag, ngingitian mo pagdating ng araw at sasabihin mo sa kanya na.. Consistent ka talaga hahaha.

$ 0.01
1 month ago

Nako natanggap ko na nga sis HAHAHHAA! Pinandidilatan ko na nga lang sya tapos tatawanan or ngingitian na lang nya ako eh. 🤣🤣🤣🤣

$ 0.00
1 month ago

hahaha! Good signs to forever yan bhe.

$ 0.00
1 month ago

Grabee naman araw araw sumusulat! Ang galing talaga

$ 0.01
1 month ago

Nako kelangan sis, wala kasi akong work para may extra naman din akong tulong sa gastos tska pambayad sa SPayLater! HAHAHAHHAH.

$ 0.00
1 month ago