Day 3: The Pet and the Peeves

20 32

061066

Now I am on my day 3 writing challenge. Whew!

Ay Friday nga pala ngayon, sakto mas maipapaliwanang ko ng husto kasi magtatagalog tayo for today's video. Cheret.

Sponsors of Micontingsabit
empty
empty
empty

Hahapitin ko muna to kasi andito si husband hihi, nakatyempo kami ng mejo longer stay ng uwi nya dito kaya more fun muna kamiiii.

Ang sarap ng ganitong view gabi gabi tska sa umaga. Di bali magkakasama din tayo soon. Bakit ko ba dinamay dito yung mag-ama ko? actually yung asawa ko lang dapat hahaha! May pet peeve din kasi ako na ang hilig nyang gawin until now.

Mejo gagawin kong generalized ang description ts magbigay ako ng konting magkakaibang example.

Mga taong di marunong tumabi or mga taong ang hilig humarang sa daan.

Isa na dito yung asawa ko hahahaha! Hindi ko alam kung bakit ang hilig nya maglapag ng bag or kahit anong gamit sa sahig. I mean yung mga gamit na hindi naman talaga dapat nilalagay sa sahig. Hindi ko alam tuloy kung nagkakaroon na ba ako nag OCD eh. Actually hindi lang naman sya, kahit dito sa mga kasama ko sa bahay. Since lumapad nga ako after manganak, andami ko ngayong nararanasan na obstacle sa bawat kilos ko. Andami kong na babangga, natatamaan kaya naiirita ako kapag may mga nakikita akong bagay na nakaharang sa dadaanan.

Pangalawa, yung mga taong ang hilig huminto sa gitna ng kalsada or daanan na para bang walang naglalakad sa likod nila. Minsan magsisintas, kukuha ng lipstick pang retouch, kukuha ng wallet okaya selpon, or magaayos ng something sa bag. Me deep inside, 'uhm wait, excuse me pwede ka ba tumabi? ' jusko courtesy na lang din sa mga taong nasa likod. Tapos yung iba kapag sinita or nabangga accidentally, sila pa galet. shebunuten kita jen eh.

Mga babaeng feel na feel ang long hair sa jeep.

Or let's say kahit hindi babae basta mahaba yung buhok.

One time naalala ko papunta akong Antipolo sa may simbahan. So sumakay akong jeep from Marikina tapos iilan lang kami sa jeep, mga tatlo ganun, basta wala pang lima tapos magkakalayo pa kami sa isa't isa. Nung halfway nako at nasa part na kami ng highway kung saan madalas mabilis magpatakbo ng jeep ang mga driver, may isang gorlet na sumakay. Tawagin na lang natin sya sa pangalang GORLET. So ayun nakaupo ako sa may bungad lang ng jeep TAPOS sumakay si Gorlet, umupo one to two person seat apart from me PERO nakaupo sya na parang prinsesa. AY long hair nga pala sya, AT hindi nakatali ang buhok na mukang hindi naman bagong rebond. So pagkaandar ng jeep, napa-(@#(@#&$ @!)(& ako. Legit! HUMAMPAS yung tips ng hair nya sa muka at mata ko. Kingina nya, aba nung una hawi hawi lang ako ng buhok nya sa muka ko yung tipong dapat maramdaman nya na may humahawi ng buhok nya. PERO manhid si Gorlet. Sabi ko sa sarili ko, isang hampas pa ng buhok mo, makikita mo hinahanap mo. Ayun na nga, humampas! AAAAAH KINAGAT KO ANG HAIR NYA, sabay hinila. Hayop sya, natauhan at hinawakan nya yung buhok nya. Sarap mong ilusot sa bintana ng jeep gaga ka.

Ramdam nyo ba yung gigil ko? HAHAHHAHA!

At ang pinakahuli....

Magulong Cable wires

Feeling ko talaga nagkakaroon nako ng OCD eh, hindi ko alam pero parang nagiba yung level ng pagkaano ko sa mga ganitong simpleng bagay. Pero sa ngayon na hahayaan ko pa naman na maging magulo muna sila kasi walang magbabantay kay Lil B if lagi nalang ako magaayos ng kung ano anong bagay dito.

Minsan yung mga extension plugs dito, pakalat kalat nalang din yung cable na pwedeng matapakan. Tapos yung mga cable wires ng computer, buhol buhol na. Napabili tuloy ako ng cable organizers. Meron ako nabili dati yung parang tube, tapos ngayon may nabili akong parang magic tape lang na cable organizer kasi reuseable yern at mas madali ikabit.

Minsan naiinis nalang ako talaga at pinaghahagis or sinisipa ko nalang para mawala sa paningin ko. O baka naman naglevel up ang anger management issue ko. Omg!?!?!??

Kaya naman dedmahin yung ibang bagay, kaya manlalaki na lang ilong mo talaga or mapapairap ka nalang sa inis.

And that's it for today's video goyz!

Until our next bbbbbblog, piece!!!!

10
$ 3.74
$ 3.66 from @TheRandomRewarder
$ 0.02 from @Momentswithmatti
$ 0.02 from @alicecalope
+ 2
Sponsors of Micontingsabit
empty
empty
empty

Comments

Natawa ako.kay gorlet sis. Kaya ako lagi kong hawak buhok ko. Every time na sasakay lalo na kung mahangin at dikit dikit kasi nakakahiya kung mahahamaps ng hangin buhok ko dun sa isang tao buti kong kakilala ko eh kung hindi nganga.🤣😅

$ 0.01
2 years ago

Gulat sya nabunot ko ata hibla ng buhok nya hahah

$ 0.00
2 years ago

Malamang yun sis.😅😂pasaway kasi siya.😁

$ 0.00
2 years ago

lahat ng sinabi mo sis mga pet peeves ko din yan.yung long hair sa jeep ay naexperience ko din yan at sinabi ko talaga sa katabi ko miss buhok mo,saka pa niya hinawi ang hinawakan yung palipad2x niyang buhok.about naman sa mga taong mahilig huminto sa gitna ng daan,ay jusko na eex na kilay ko niyan,sabay sabi ko sa self ko paran kayong lang tao sa mundo anoh.kakagigil

$ 0.01
2 years ago

Buti nga matagal na natin di naexperience yung ganun no since nagpandemic hahaha.

$ 0.00
2 years ago

tama sis social distancing na kasi

$ 0.00
2 years ago

hahahaha yung pet peeve ko is kakausapin ako na may suot na earphones 😂. Obvious naman na di ko sila maririnig hahaha

$ 0.01
2 years ago

Ay nako isa pa yan!! Tapos tayo pa suplado hahahaha

$ 0.00
2 years ago

hahahha momsh parang husband ko din naiinis sa mga taong di tumatabi..

andami ko ding ganito uy hayz.. natutuwa akong basahin to

$ 0.01
2 years ago

Minsan nga binabangga ko ng sadya eh HAHAHA char. Madami pa dn ako gusto sana ilagay kaso sa sobrang antok ko nakalimutan ko na yung iba hahaha

$ 0.00
2 years ago

Wahahaha yung number one parang pet peeve ng lahat ng mga nanay. Yung sa buhok pet peeve ko din yan. Kaya kapag ako nag commute, i make sure na itatali ko ang buhok ko nakakahiya naman sa iba

$ 0.01
2 years ago

Pwet peeve pala ng mga nanay charing hahahaha. Sarap sampalin ng tip ng waling tingting eh hahaa

$ 0.00
2 years ago

Yes mommy ramdam ko gigil mo HAHAHA.

$ 0.01
User's avatar Yen
2 years ago

WAHAHAHAHAHA sorry naaaa

$ 0.00
2 years ago

Haha relate ako sa long hair sis,, Yung gigil talaga, kung may hunting lang ako naku nagupitan na yun ng di Oras,, bakit kasi di man lang hawakan Yung buhok para di mka istorbo ng ibang pasahero no.

$ 0.01
2 years ago

Nakakaloka masarap mag inarte sa mahangin eh hahaha

$ 0.00
2 years ago

Parehas yata tayong may sakit na OCD sis eh. Haha. Grabe lalo sa mga apps ko sa phone. Sa facebook, ayoko ng mga kulay red. Lahat yon ioopen ko para lang wala akong makitang red kasi kalat tingin ko doon. Same sa app kong shopee, ayoko ng may notifications ganon kaya inoopen ko lahat ng notifications ko pati messages para clean lang siya. Parang naaalibadbaran ako madalas eh. Haha

$ 0.01
2 years ago

Nako kaya nga pati notif dito naiirita ako kaso di ko na matanggal kasi nasa thousands na. Huhue di ko na maubos

$ 0.00
2 years ago

yung part po ate na ang haba ng buhok ng babae sa jeep or bus. tipong nakakain mo na po yung buhok. hehe.

$ 0.01
2 years ago

Haba ng hair kasi diba. Sarap kurutin ng nail cutter eh

$ 0.00
2 years ago