Bands in my heart.

3 32
Avatar for Micontingsabit
2 years ago
Topics: Music, Band, 90´s, Love, Randomarticles, ...

I came across some of my posts in IG and I remembered the bands and the songs that I used or still listen to. Let me just tell you that I am into rock, punk rock, alternative rock, alternative, r&b, OPM or any music that really has a good lyrics. Yung tipong tatama sayo ng tagusan kahit from bumbunan to talampakan, ganern!

Sponsors of Micontingsabit
empty
empty
empty

Yesterday, I posted my experience when I watched Paramore's concert here in Manila. Paramore is one of my favorite bands.

Okay tagalog na lang muna tayo since antok na ko and I am rushing a few things while Lil B is asleep. So ayon na nga, namiss ko lang din yung time nung highschool ako na magdala ng gitara tapos kapag vacant time namin or tuwing uwian magchichikahan muna or magjajamming muna bago umuwi. Mga kilalang banda noon (na OPM):

E-heads syempre

Rivermaya

Bamboo

6cyclemind

UpDharmaDown

Kamikazee

Sugarfree

Moonstar88

Mojofly

Barbie Almalbis

Kitchie Nadal

Imago

Parokya ni Edgar

MYMP

Urbandub

Spongecola

Callalily

Itchyworms

Cueshe

Orange and Lemons

Siakol

Grin Department

etc.... kung may nais kayong idagdag wag kayong mahiya magcomment below. :)

Yan ang mga trip ng mga tambay noong kabataan ko. AHAHAHHA! (Kung makabataan eh ano) Bisyo na sa akin noon ang maggitara. Uso na ang internet pero wala kaming device or limited lang pagaccess namin ng internet kasi prepaid dial up pa and connection namin noon.

Naalala ko din na maglilista ako ng kanta tapos ppunta ako sa computer shop or makikisuyo sa classmate na may internet para makapagburn ng cd.

Di ko pa din makakalimutan yung mga ibang kanta noon like, Torete by Moonstar88. Kasali kasi ako sa Girl Scout noon kaya kapag nagccamping kami minsan nagjajamming din kami with our officers. Torete yung naging pambansang kanta naming mga Girl Scouts.

High school din ako natutong tumugtog ng gitara. Binigyan lang ako ng songbook ng tatay ko at ng gitara, tapos sabi nya magaral daw ako maggitara. Nung una ayaw ko kaso may naging classmate ako na babae kala ko mayabang kasi marunong uhmmm magaling sya maggitara. So na challenge ako, sabi ko sa sarili ko mayabang ka ha sabayan kita. Until natuto ako, natuto akong magplucking, nung time na din yun sumikat yung Narda ng Kamikazee. Tapos di naman pla sya mayabang, she was actually one of the few people who taught me how to play guitar more than what I learned sa songbooks. She also invited me to play sa mga naging kaband nya sa other school before she transferred sa school namin. Ang galing nila, ang husay, nanliit ako at dun ko din nagustuhan si Kelly Clarkson. We practiced Kelly Clarkson's song Never Again.

Naalala ko din yung gitara na binili ng tatay ko na gawa daw sa Cebu. Nagulat ako kasi super gaan nya and super ganda ng tunog. Feeling laruan sya kaya tuwing dinadala ko sa school laging hinihiram kasi sobrang gaan dalhin tska mas malakas ang tunog nya.

Minsan pang nagkaevent sa school namin ng talent contest. May dance, solo singing and band. Ako bilang distracted young ones noong panahon na yun sumali ako sa dance and band. Nakakatawa yung name ng band namin kasi sa super wala na kaming maisip, yung mistake ng teacher namin yung naipangalan namin sa band namin, Smashed Potatoes. We passed sa audition or first screening, tinugtog namin yung Ewan na version ng Imago. Well, di kami nanalo kasi di pinagisipan yung line up namin ng band members ko but we performed Breathless by The Corrs.

So, ano ano pa ba yung mga bands na pinakikinggan ko noon?

Nung nagcollege na ko tuloy pa din syempre ang pagkagusto ko sa OPM bands. Nadagdagan lang yung mga international bands na pinakikinggan ko. Since naging mas accessible na ang internet noon, nakakapagresearch na ko ng mga bands and songs na gusto kong pinakikinggan.

Let me share yung album covers ng mga bands na pinakikinggan ko nung college nako.

Marami pa namang iba, pero ito lang yung picture na nakuha ko sa IG account ko.

Pero syempre di lang naman ako nakafix sa rock bands, noong bata pa ako mahilig kami manuod ng mTV and Studio 23 Myx or yung sa Ch 25 (nakalimutan ko na yung music ch na un). Wala pa ding tatalo sa boy and girl groups hahaha, Spice girls, A1, Backstreet boys, Blue, Ateens, Aqua, Steps, 911, etc. hihihihi

Ano napaghalataan na ba yung edad ko? Teka baka nagkakalimutan tayo, kapag dating sa sayawan ngayong panahon, di tayo papatalo sa Kpop songs. :)

Since I already have a Lo, I plan to introduce her to music as well. Gusto ko kami magjamming or magbonding ng ganun hahahha. Minsan ginagawa kong pampatulog nya ang music. Either Kpop or dance music or rock music, she seems interested din naman and even falls asleep.

Closing

Closing tayo mga besh, minsan namimiss ko nalang maging bata lalo na sa panahon ngayon. hihi!

If you have any favorite songs, bands, singers, or groups that you like, share it with me. Baka mabet-an ko din. :)

Sharing is caring!!!!

2
$ 0.99
$ 0.93 from @TheRandomRewarder
$ 0.04 from @jasglaybam
$ 0.02 from @Momentswithmatti
Sponsors of Micontingsabit
empty
empty
empty
Avatar for Micontingsabit
2 years ago
Topics: Music, Band, 90´s, Love, Randomarticles, ...

Comments

I always loved Parokya and eheads :)

$ 0.00
2 years ago

ung kapatid ko nag influence sa akin sa mga songs na yan ,.. pag nasa bahay siya before naka blast ung speakers namin pinapatugtog nya yang mga kanta

$ 0.01
2 years ago

Wawiiii rak on mamsh! Minsan pagumaalis nga parents ko dati ts ako lanh iwan, soundtrip to the max hahahha.

$ 0.00
2 years ago