30 days before Christmas: Season of giving gifts.

5 30

A month to go before Christmas. We are on our 2nd year na may pandemic pa dn and everyone is working our butts off during this season. Maluwag man o hindi ang restrictions, we can still do our Christmas shopping. Some of us can already go to malls but for those who can't, hello Shopee and Lazada.

Sponsors of Micontingsabit
empty
empty
empty

I remember every Christmas, I would always look for a small gifts for my friends, sa anak ng mga friends ko and family. Well, iilan lang naman sila so di ako nahihirapan sa dami. HAAHAHA!

Siguro I miss, giving gifts during this season. I seldom give gifts kasi I feel na baka itake for granted ung magiging gift ko. Kaya small gifts lang lagi binibigay ko pag Christmas.

Bukod sa pgbibigay ng gifts, namiss ko dn magka 13th month pay HAHAHAHAHA! 2nd year nakong jobless, but I am still thankful na I get to take care of my Lil B. Dito na muna ako sa read.cash and noise.cash haharurot ng pang extra.

Anywaaaaaaaaaay....

Going back to giving gifts, since mahilig magcrafties and sissy kong si @melsiebelsie , madalas sa kanya ako nagpapagawa ng small gifts.

Here are some crafties she made for my small Christmas gifts.

amigurumi by melsie

Namigay lng ako nito sa mga teammates ko nung nagwwork pa ko. This was on my first year with them.

perlerbeads Nike keychain

Nike Swoosh sign in honor sa account namin. :) Natutuwa ako kasi some of my teammates used to put the keychain sa lockers nila and I am happy to see it everytime I go to our locker room. We had in different colors too. I also asked her to make perler beads keychain na mga characters like Moana, Elsa, Cars, etc. para sa mga kids ng friends ko.

I forgot other things na I gave as a gift but sa mga beshies ko since highschool, we always give each other gifts that represents our color. That should be yellow for me, orange, blue and green. Hindi pwedeng iba iba kami, basta iisang item pero magkakaibang colors lang.

For the last 2 years ata na wala akong work, di na ko nakaprepare ng mga pangChristmas gift and di ko din naman maibigay kasi nga may pandemic and magkakalayo kami ng city. Looking forward pa din ako na makapagbigay pa din sa mga susunod na taon. I don't know but I feel very happy kapag nakakapagbigay ako ng maliit na bagay tuwing Christmas. Appreciation lang talaga yung gusto ko kasi I like DIY items.

Now, I'll try to make beanies for my pamangkins sa Ormoc dahil di ko pa sila nameet since kinasal kami ng husband ko. Sana lang maging okay ang products na gagawin ko. I borrowed my sister's materials for loom crochet/knitting kung ano man sya HAHAHHAA. And most of all, sana umabot sya sa pasko or kahit sa New Year hahahaha.

Sabi nga nila ang pasko daw ay para sa mga bata. Sabi dn naman ng iba ay Christmas is a season of giving gifts. Pero personally, mas natutuwa akong magbigay ng gifts tuwing Christmas kesa sa birthdays. I don't know why. :)

Kayo ba? Anong nagpapasaya sayo tuwing pasko?

lead image from Unsplash

pictures posted are mine

4
$ 2.90
$ 2.88 from @TheRandomRewarder
$ 0.01 from @Khing14
$ 0.01 from @Jijisaur
Sponsors of Micontingsabit
empty
empty
empty

Comments

Sa akin, okay na ako na healthy ako and my family hehe. Of course, gusto ko rin ng cash hehehe!

$ 0.01
2 years ago

13th month! hahahaah

$ 0.00
2 years ago

Ako din nung nasa previous company ko, mahilig ako mamahagi ng gifts sa colleagues ko twing pasko. Kahit nung before pandemic, lahat ng pamangkin ko at mga kapatid ko may kanya kanyang nakabalot na regalo. Ayung mga ganung deeds ang usually nagpapasaya sa akin sa tuwing pasko.

$ 0.01
2 years ago

nakakatuwa lang din mamigay kahit alam mong walang kapalit. hihi.

$ 0.00
2 years ago

Truth sis..

$ 0.00
2 years ago