Magandang gabi!
Eto pala ang aking oreo cheese cake. Natakam kayo ano? Well, madali lang naman yan gawin basta meron ka mga gamit para sa pagbabake at hindi na din kailangan ng oven dahil kahit sa ref lang pwede ilagay yan. Naisipan ko lang gumawa nyan dahil nagcrave ako sa mga nakikita ko sa ibang post at masarap siya. Pag nailagay mo sa freezer pwedeng maging ice cream. Eto pala ang mga ingredients nyan. Oreo biscuit, cream cheese, nestle cream, butter. Try nyo din. Pwede pagsaluhan ng pamilya, barkada o kahit sino. Hindi nakakaumay dahil kumokontra ang cream cheese sa tamis. Pwede din ihanda sa birthday o iba pang okasyon atleast hindi mo na kailangang bumili ng cake, sarili mo pang gawa. Need mo pala ng electric mixer para sa cream cheese at nestle cream.
San kaya ako makakabili ng murang electric mixer ahahahaha gustong gusto ko magbake pero wala akong mga gamit hays.