Karaniwang tao ngayon ay nakakalimutan ang salitang "disiplina" kaya naman nagdudulot ito ng hindi magandang bunga. Kung ang bawat isa sa atin ay may disiplina, malamang katulad din tayo ng mga bansang kakaunti ang kaso ng Covid-19. Ito lang ang paraan para maiwasan din nating mahawa sa lumalaganap na sakit ngayon ngunit kabaligtaran ang nangyayari dahil marami ang pasaway kaya lalong dumadami ang mayroong may sakit na ganito. Ang sabi nga, nasa Diyos ang awa,nasa tao ang gawa kaya sikapin nating magkaroon ng disiplina upang hindi tayo basta mahawa, kasama ang pananalangin natin na huwag mahawa at sabayan ng pag-iingat. Sana lahat sa atin ay ganito ang isipin upang matapos na din ang krisis sa ating bansa at sa iba pang mga bansa. Alam naman natin na mahirap lang ang ating bansa kaya hindi kayang mabigyan lahat ng ayuda. Ang tangi lang talaga nating magagawa ay sumunod na lang sa mga ipinagbabawal ng gobyerno kaya bawal ang pasaway. Nasa ating lahat ang susi upang matapos na ito. Ugaliing magsuot ng mask, maghugas ng kamay o alcohol at huwag dumikit sa tao upang hindi basta mahawa. Kung tayo ay hindi nag-iingat at tayo ay nahawa, wala ng kasalanan dyan ang gobyerno. Huwag na tayo dumagdag sa kaso na mayroong covid upang lahat tayo ay mayroong masayang pamumuhay dahil hindi din biro ang magkaroon nito, bukod sa sakit na iniinda mo ay dagdag isipin pa ito, pwede ka pang pandirian ng mga tao. Sa dinanas ng aking kabarangay na mayroong covid,siya ay pinandirian,binubully at sinisisi ay talagang hindi magandang pangyayari ang kanyang sinapit kaya mag-ingat na lang tayo at kung pwede ay wag na lang lumabas ng bahay.
7
29
Tama, kailangan talaga magsisimula sa ating sarili. Tayo ang unang gumawa ng hakbang sa mga ganyang kataga.Para sa atin din naman yun . Disiplina una sa sarili sa pamilya at sa lahat na din.