Ano nga ba ang kahulugan ng buhay?
Patuloy ako sa paghanap ng mga kasagutan.
Patuloy ako sa pagtanong ng paulit-ulit.
Ano na nga ba ang kasunod?
Natuturete minsan,
Wala ng planong sinusundan,
Sumusunod na lang sa daloy,
Kung saan ako dalhin ng kapalaran,
Nakakatakot pala yung hindi mo alam kung saan ka pupunta.
Nakakatakot pa sa alam mo yung pupuntahan mo pero hindi mo pa alam kung saan ang tamang daan.
Doon alam mo kung naliligaw ka na ba,
Malalaman mo kung paano pa ito itama,
Pero para sa kagaya kong hindi alam ang papatunguhan,
Hindi ko alam kung saan na bang dako ako naroon,
Naliligaw na ba ako ng landas?
Nasaan na nga ba ako?
Nagising na lang ako isang umaga,
Tinatanong kung ano na nga ba?
Paano ba ipagpapatuloy ang mga bagay kung hindi mo alam kung saan ka pupunta?
Ano nga ba ang kahulugan ng buhay?
Sabi nila ito ay yung dahilan mo kung para saan ka bumabangon?
Dapat may direksyon, dapat may kahulugan,
Pero saan mo nga ba makikita ang lahat ng ito?
Kung nagising ka isang umaga na wala ka ng pinatutunguhan,
Paulit-ulit. Hindi matapos-tapos,
Oh kung nagtatapos man,
Ito ay ang araw, ngunit hindi ang iyong araw.
Nasaan na nga ba ako?
Hangang sa napadpad ako sa isang video sa youtube,
Eto ay tungkol sa etniko, sa liblib na lugar,
May paunti unting mga tanong yong blogger sa kanilang lider.
Ano ang pinaka importanteng bagay sa buhay?
Para sa kanila, karne ang pinaka importante at masaya na sila doon.
Ano yung pinakanakakatakot sa lahat?
Para sa kanila iyon ay mga lion sa kagubatan.
Habang pinapanuod ko ito,
Napag-alaman kong, ang buhay para sakanila ay ang patuloy pang mabuhay,
At kontento na sila sa kung ano man ang meroon sa kanila,
Nakita ko kung ano ang pagkakaiba ng modernang buhay sa buhay noon.
Maraming simpleng bagay, ang pinakakumplikado,
Naisip ko na dahil sa pagkakaiba ng buhay ngayon,
Naging iba na ang kahulugan ng buhay,
Tunay ngang habang padami ng padami ang iyong nalalaman,
Mahirap na ang pumikit, magsawalang bahala para sa iyong mga nararamdaman, sa mga hindi malamang kadahilanan, sa mga maling pananaw,
Siguro ang tunay na kahulugan ng buhay ay ang mabuhay, piliting mabuhay ng masagana, masaya, nagmamahal, tumutulong, nagpapaubaya, nagpapasensya,
At sa bawat tanong kung ano pa ang kasunod, kung nasa tama pa ba ang direksyon,
Patuloy lang sa paghanap ng kasagutan,
Dadating din ang tamang panahon,
Na makikita mo kung gaano ka kahalaga at kung bakit ka parte ng mundo,
Hindi man kasing tapang mg mga bayani,
Hindi man kasing yaman ng mga bilyonaryo, Hindi man kasing galing ng mga doctor, Wala man sa larangan ng sining, musika, siyensya o iba pa
O kahit nino man na malaki ang ambag sa kalupaan
Maliit man ang parte mo sa mundo,
Ikaw ay mahalaga, Dahil ikaw ay ikaw,
Maliit man ang parte, singliit man ng langgam, parte ka pa din nito
At kung habang buhay tatanungin mo kung paano ba ang maging masaya?
Balikan mo ang mumunting bagay na iyong ginawa,
O mga alalang sobrang dalisay ng lahat,
Diba napakaliit man ang dahilan,
Simple man, pero mas nakakagaan ng loob?
Ano nga ba ang kahulugan ng buhay?
Siguro iyon ay kung paano ka mas naging mabuti.
At kung paanong sa huli, kontento ka sa sandaling lisanin na nito ang iyong katawan.
Maligayang bati para sa mga bayaning nagbuwis ng buhay, dahil para sa kanila ang kahulugan ng buhay ay ang lumaban, makamtam ang kapayapaan at maging malaya para sa ikabubuti pa ng susunod pang mga henerasyon at iyon ay ang ngayon. ❤❤
(: S a l a m a t sa P a g b a b a s a :)
T H A N K S F O R R E A D I N G !!!
Ps. Piliin mong mas maging mabuti kaysa mas maging masaya 😉
Eto yung video na napanuod ko;
Ayiee salamat shoppee este salamat youtube. 😍😳👀👀
Ang kahulugan ng Buhay ay Kung paano mo isadabuhay ang Iyong Buhay. Pipiliin mo bang maging isang bagay na hindi Ikaw? O magiging kuntento kana sa antas na Mayron ka?hindi ka katamad, di ka bayani ngunit isa kang Ikaw, tumayo kang tuwid at humarap sa buhay