Naranasan mo na bang makumpara sa iba kasi kung oo parehas tayo. Lagi akong kinukumpara sa iba ng sarili kong pamilya. Buti pa si ganito nakapagtapos, di mo gayahin si ganyan, tignan mo si ganito blablablah. Ako tikom ang bibig! Sinasarili nalang ang sakit na pinaparamdam nila. Hnggang ngayon ung sakit nandito pa rin! Parang peklat na ndi na mabubura.
Kapag kinukumpara ako sa iba parang naiisip ko na ndi nila ako naaappreciate. Kahit anong gawin ko ndi nila makita lahat ng ginagawa ko just to make them proud. Gusto ko ring ipagmalaki, gusto ko ring hangaan ako. Gusto gusto ko eversince pero wala pa rin.
Kaya sabi ko sa sarili ko kapag ako naging magulang lahat ng dinanas kong sakit ndi ko ipararanas sa anako ko. Hindi ko sya ikukumpara sa iba bagkus ipagpapamalaki ko sya.
❗jhoy❗
ganyan talaga sis,maymga tao na idown ka kahit sarili mo pa ngang kamag anak pagsasalitaan ka nila hahha ewan ko ba kung bakit may mga ganyan..pero hayaan mo nalang sila basta alam mong tama ang ginagawa mo at hindi ka nakakatapak ng kahit na sino..taas noo lang kapatid..