Dito sa amin ang daming pakialamera. Lahat ng gawin mo may say sila. Lahat ng ginagawa mo tutol sila. Lahat ng desisyon mo kinokontra.
Ano nga bang ambag ng mga pakialamera sa buhay natin? Di ba wala naman. Pero bat ang hilig nilang mangialam. Hindi naman natin sila pinapakialaman. Hindi nalang sila matahimik sa sulok.
Lahat nalang ba ng gawin natin kokontrahin. Kung magkamali man tao sa desisyon natin wala na silang pakialam doon, hindi naman sila ang naperwisyo kundi tayo.
Kung makialam sila daig pa nila pamilya natin. Aba! Ikaw na ako! Ikaw na magdesisyon sa buhay ko. Jan naman kayo magaling lahat.
Buhay ko! Buhay ko lang, di ko kayo kailangan para tutulan mga kagustuhan ko. Wag nyo akong pakialaman dahil ndi ko kayo pinapakialaman!
❗jhoy❗
Hayaan mo sila! Di naman sila nakakatulong sa atim, mga inggit lang yan kaya kahit anong gawin mo may masasabi at masasabi parin sila. Naku! Kaya hindi umuunlad ang bansa natin kasi umangat lang ng konti yung kapwa nila, hihilain nanaman pababa. Crab mentality