Babae Ako! Hindi Babae Lang.

2 11

Babae ako. Hindi babae lang! Babae ako na kailangan ng respeto mula kanino man. May nagawa man akong ndi maganda o kanais-nais sa kapwa. Deserve ko pa rin ang respeto nyo lalo na kung pinagsisihan ko naman ito.

Babae ako. Hindi babae lang! Babae ako na kailangan ng pagmamahal. Hindi ko kailangan ng pagmamahal na peke o mapaglinlang. Hindi ko kailangan ng panloloko mula sa inyo dahil ndi ko deserve na masaktan.

Babae ako. Hindi babae lang! Babae ako na may sariling isip. Hindi ko kailangan ng opinion nyo sa kung ano man ang gusto kong gawin, hindi ko kailangan ng pangingialam nyo sa buhay ko.

Babae ako. Hindi babae lang! Babae ako na kayang tumayo sa sariling mga paa. Kung kaya nyong mga lalaki kaya rin namin. Huwag nyong isipin na mahina kami dahil lang sa kami ay babae. Huwag nyong minamaliit ang pagkatao namin dahil babae ako, hindi babae lang!

❗jhoy❗

5
$ 0.00
Sponsors of Merryjoy
empty
empty
empty

Comments

Babae ay dapat nerespito at minamahal hindi sinasaktan dahil ang babae ay tao lang din naghahangad ng pagmamahal anumang mangyari at bigyan ng oras para naman maramdaman nila na mahal sila at nirespito

$ 0.00
4 years ago

Tama ka po ☺️

$ 0.00
4 years ago