Napabuntong hininga na lang si Stacey habang nakatanaw sa lumulubog na araw habang nakaupo sa babaying dagat, inaalala niya kasi ang mga araw na masasaya nilang alala ng ex boyfriend niya. Dalawang taon na rin ang lumipas pero hindi niya pa rin makalimutan ang ex niya. Kahit pilitin niyang kalimutan ito, mayroon pa ring mga araw na naalala niya ito lalo na pag maglungkot siya. Hindi niya ito makalimutan dahil hindi naman sila nag hiwalay at lalong hindi sila nag away. Isang araw nagising na lang si Stacey na wala na si Zandro. Wala siyang ideya kung bakit bigla na lang itong naglaho na parang bula. Wala manlang iniwan na sulat sa kanya bago ito lumisan. Kaya hanggang ngayon hindi malaman ni Stacey kung mag moved on ba o patuloy pa rin siyang aasa na babalik pa si Zandro.
Maganda si Stacey, matangos ang ilong, sexy, maputi at matangkad. Siya yung tipong babae na pinapangarap ng lahat ng binata sa lugar nila. Pero iisa lang ang lalaking iniibig niya, at ito ay si Zandro.
Galing sa angkan ng mga Solomon si Stacey, sila ang pinaka mayaman sa lugar nila. Maraming negosyo at ari-arian ang pagmamay ari ng pamilya nila. Kaya naman ginagalang at tinitingala sila ng mga nasasakupan nila.
Stacey: Nasaan ka na ba Zandro? Ano ba ang nangyari sayo at bigla ka nalang nawala? Sana magpakita kana sa akin. Hirap na hirap na ako. Miss na miss na rin kita. Ano bang pagkakamali ko at bigla mo na lang akong iniwan sa ere.
Sambit ni Stacey habang nakatingin sa malayo. At habang tumutulo ang luha sa mga mata niya. Mula ng iwan siya ni Zandro ay hindi na muli siya naging masaya. Naging masungit na rin siya, at palagi na lang nakasimangot.
Napatingin siya sa suot na relo at hindi niya namalayan ang oras at mag gagabi na pala. Tumayo siya at sumakay sa kotse para makauwi na siya, baka hanapin na siya ng Daddy niya.
Papasok pa lang siya ng mansion nila ng masalubong niya ang Daddy niyang si Eduardo.
Eduardo: Oh hija saan ka nanggaling at ngayon ka lang umuwi.
Stacey: Diyan lang sa tabi tabi dad, nagpahangin lang.
Eduardo: Hmm namimiss mo na naman siguro si Zandro ano. Bakit hindi ka na lang makipag date sa ibang mga binata diyan hija. Marami naman ang nagkakagusto sayo. Kalimutan mo na siya. Hindi mo deserve ang manloloko.
Stacey: Ayoko sa kanila dad. Ilang beses ko bang uulit ulitin yun! ( pasigaw )
Eduardo: Ok! Ok wag ka nang magalit. Kumain kana dun sa kusina at naghain na si manang Dory sa mesa.
Stacey: Mamaya na lang dad. Wala pa akong gana.
Nakasimangot na tinalikuran ni Stacey si Eduardo at umakyat na sa kaniyang kuwarto.
Nakatulugan na lang ni Stacey ang pag iisip kay Zandro. Nalimutan na niya ang kumain
Umaga na nang maalimpungatan si Stacey sa tunog ng cellphone niya. At si Raya pala ang bestfriend niya tumatawag sa kanya.
Raya: Hello Good morning bff! Kanina pa ako tumatawag sayo, bakit ngayon mo lang sinagot?
Stacey: Ang aga aga pa kaya bff kaya malamang tulog pa ako.
Raya: Hmm ang sabihin mo napuyat ka lang sa kaiisip mo na naman dyan sa ex mo. Bff labas tayo, pasyal tayo sa mall para naman malibang ka.
Stacey: Natatamad ako. Ikaw na lang bff.
Raya: Sige na please bff. Wala akong kasama. Boring naman kung ako lang mag isa mamamasyal. Sige na pleaaaseee!!!
Stacey: Oh sige na nga. Mag almusal lang ako pagkatapos maghanda na ako. Kita nalang tayo sa Mall.
Raya: Yeheey!! Thank you bff.
Stacey: Para talagang bata ito. Sige na bye!
Pagkatapos niyang maibaba ang cellphone sa side table, napangiti na lang si Stacey sa bestfriend niya. Kahit kailan, makulit talaga ito. Pero kahit ganoon mahal na mahal niya ito. Ito yung palaging nasa tabi niya noong lugmok na lugmok siya sa kalungkutan.
Nagkita sila ni Raya sa loob ng mall at nagsimula na silang mamasyal. Nag shopping na din sila. Pagkatapos mag shopping pumasok sila sa sinihan para manood ng favorite nilang movie. Ilang linggo din na hindi sila nagkita ng bff niya kaya miss nila ang isa't isa.
Nang matapos mag sine, pumasok sila sa favorite nilang fast food chain para kumain, ang jollibee. Habang nag kwe-kwentuhan sila ng bff niya, meron siyang nakita sa labas ng jollibee na ikinalaki ng mata niya. Hindi siya makapaniwala at nakatulala lang siya, Zandro... Sambit ni Stacey na ikinagulat din ni Raya. Biglang tumayo si Stacey para habulin yung nakita niya.
Raya: Stacey saan ka pupunta?!
Pasigaw ni Raya, pero hindi na ito narinig ni Stacey.
Zandro! Zandro! Sigaw ni Stacey pero hindi siya naririnig nito. Patuloy lang ito sa paglalakad, hanggang makarating sa elevator.
Itutuloy.....
My 7th Article
My love, My enemy Ep.1
Sept.2,2021
Maraming Salamat po sa mga viewers at nag comment sa article ko. Sana hindi kayo magsawa sa pagbabasa.
Lead image source: Edited by Canva app
Flex ko lang din yung 2 sponsor ko na magaganda. Super thanks sa inyo mga sissy..
Stacey huwag mo ng habulin baka't may ibang babae na yun, masasaktan ka lang:D