What Kinds of Gals do I have?

7 17
Avatar for Mayiee
Written by
3 years ago

Dahil nainspire ako sa mga nababasa kong artikol tungkol sa iba't ibang klase ng tao na nakakasalamuha natin sa ating buhay, kaya naisipan Kong gumawa Ng article tungkol sa anong klaseng kaibigan ang mayroon ako. At Taglish ang gamitin kong language kase I know na mas mae-express ko to using that. So, what are waiting for? Let's go dreamers 👋👋

May iba't ibang klase tayo ng mga kaibigan. May mga kaibigan tayong tinuturing nating "other half" dahil parang kapatid na Ang tingin natin sa kanila. May mga kaibigan rin Naman Tayo na parang Wala lang , Yung normal friend lang ba. At syempre Di mawawala Yung mga kaibigan natin na nandun lang kapag may kailangan sila sa atin. Pero kung ano pa mang klaseng kaibigan sila, alam kong pinapahalagahan nyo sila noon hanggang ngayon. Minsan pa nga may mga tinatawag tayong dating kaibigan pero deep inside alam Kong kaibigan pa rin ang turing nyo sa kanila, tama ba? Minsan na silang naging bahagi ng buhay natin kaya alam kong in some aspects, namimiss nyo rin sila.

During my High School journey, masasabi ko na dito ko natagpuan ang mga naging totoo Kong kaibigan. Iba't iba man kami Ng personality at mga pinanggalingan, pinag-isa naman kami Ng aming mga kalokohan este ng aming mga pangarap. Hindi ko alam kung paano at saan kami nagsimula, ang alam ko lang isang araw nagising na lang kami na parang magkakapatid na Ang aming turingan sa isa't isa. "The Familia" ang tawag sa grupo Kase alam Kong alam nyo na kung bakit ganun haha. Kase since then, pamilya na Ang Turing Namin sa isa't isa. Pero aaminin ko minsan may Hindi kami pinagkakasunduan pero at least nalalampasan Namin Yun Ng sama-sama .

So, let me introduce to you what types of friends do I have. Malay nyo pare-parehas pala tayo ng klase Ng kaibigan. Hahaha

Actually 12 kami pero Yung Isa ayaw sumama sa picture kaya 11 lang andiyan. Hulaan nyo na lang kung sino ako dyan🤣🤣

The Talented One

Ito yung kaibigan kong sobrang talened as in. Magaling kumanta, sumayaw, magdrawing at umacting. Diba total package na hahahh. I doubt nung nagpaulan Ng talent si Lord, andoon siya sa gitna nagsu-swimming. Sana all paapak naman friend😂 Pinakamahalaga single siya,reto is now open hahaha. Joke lang baka kotongan niya ako kapag na basa niya to. Dahil dun lagi siyang laman Ng mga school programs tapos minsan hakot award pa. Pero Minsan ako rin naaawa sa kanya Kase hindi na niya alam kung anong uunahin na salihan haha

The Buraot

Ito naman yung kaibigan kong babae na sobrang Buraot hahhaa. Sa ilang taon naming magkaklase, never ko siyang nakitang bumili ng ballpen at papel😂🤣 Tapos honestly kapag binuksan mo yung bag niya, Wala kang makikita kundi liptint at polbo lang hahha. Never rin siya bumili Ng recess niya kase ayon sa kanya, mas masarap daw kapag galing sa hingi. On the other hand sobrang kuripot niya rin Kase kahit Yung liso sinisingil niya samin. Oo may listahan siya ng mga hinihiram namin sa kanya. Pero reasonable naman Yun Kase wala pa Naman kaming trabaho lahat at sa mga magulang pa lang kami umaasa. Kaya understandable Yung pagkakuripot niya pero Yung pagkaburaot niya it's a Big NO hah

The Latecomer

Ito yung kaibigan ko na laging late sa school man o sa galaan. Kahit anong adjust namin sa oras, late pa rin siya. Minsan nga natatawa kami Kase tapos na kaming mag-exam tapos siya paparating pa lang tapos 10minutes niya lang sasagutan Yung exams niya dahil sa sobrang pressure. By the way, her motto is " It's okay to be late and I don't care about it"🤣

The Busy One

Ito yung kaibigan namin na laging president sa school kaya lagi siyang busy. Actually siya Yung pinaka stress sa aming lahat at Minsan Di siya nakakasama sa mga gala namin. Tapos kalimitan nagagalit siya sa amin Kase sobrang Ingay namin. Favorite line nya " Huy,, tumahimik naman kayo. Mahiya Naman kayo sa kabilang section". Tapos Minsan paiyak na siya habang sinasabi niya Yun kaya dun lang kami tatahimik hahaha.

During our outing. ❣️

The Marupok

Yung kaibigan namin lalaki sobrang rupok as in. Hanggang ngayon mahal pa niya ex-girlfriend niya at handa niya kaming iwan kapag nagtetext yung ex niya. Oo , ilang beses niyang pinili Yung ex niya kesa sa amin. Minsan pinagbabawalan na Namin siya makipagkita Kita dun sa ex niya Kase halata namang pinapaasa lang siya pero go pa rin siya Ng go. Kaya ending siya nagalit sa Amin. Hayss love life nga naman. Hahamakin Ang lahat, masunod ka lamang hahah.

The Best Advisor

Siya yung kaibigan naming NBSB pero ang galing niyang magbigay ng advice about love life. Kapag siya Yung nagbibigay Ng advices, feeling mo sinasampal ka ng mga salitang binibitawan niya. Ang dami niyang hugot sa buhay,akala mo ang dami na niyang experiences haha.

The Laging Tulog

Ito yung kaibigan naming laging tulog. Kahit kararating lang niya sa school, natutulog na agad siya. Ang bilis niya makahanap Ng tulog, Sana all. Pero proud ako dito kase pinagsasabay niya ang pagiging panadero , mangingisda at estudyante niya. Kaya rin siguro lagi siyang nakakatulog sa klase.

The Silent One

Ito yung kaibigan namin na out of world joke haha. Magsasalita lang siya kapag kakausapin mo siya at kalimitan oo at Hindi lang yung sagot niya haha. Unlike me,mas prefer niya Yung chat kesa sa verbally talk. Pero siya rin Yung pinaka gwapo siya aming grupo.

The Loyal One

Kung mayroong Marupok syempre may loyal din. 2 years na siyang nanliligaw sa friend Namin at hanggang ngayon consistent pa rin siya. Pero nilet go na siya nung kaibigan namin Kase Hindi pa siya ready sa commitment Kaya Yun back to friends na lang ulit sila.

The Di Pinayagan

Alam ko na karamihan sa atin ay may gantong kaibigan. Yung tipong every gala kailangan mo silang ipagpaalam sa parents nila. Tapos Minsan may curfew rin sila na kalimitan dapat 6PM ay nakauwi na siya. Alam nyo Minsan ang hirap din Kase kailangan naming pagkasyahin Yung oras haha. Pero alam Naman Namin kung bakit ganun Yung parents niya eh. Because of her siblings past kaya ganun.

The Ayaw Magpagaya

Ako lang ba? May kaibigan kami na never nagpagaya hahah. Yun bang laging sinasabi niya "Hindi ako nagreview bes, Wala akong alam sa exam mamaya". Then after that malalaman mo na perfect siya sa exam. Tapos Minsan Hindi daw siya nag-advance reading pero sa recitation halos nobela Yung mga sagutan niya haha. Diba Minsan nakakainis rin Yung ganun? Ahhaha 😂Medyo competitive rin Kase si ate gurl eh and I know na sobrang pressure na siya sa parents niya.

Closing Thought

So Yun natapos ko na ipakilala kung anong klaseng kaibigan meron ako. Ikaw, anong klaseng kaibigan ka? If you are wondering what kind of friend I am? Ako lang naman Yung Bumbay sa grupo namin Kase lagi akong dakilang treasurer kahit Wala namang iingatang yaman hahaha. Tsaka isa ako dun pinakamaingay at friendly sa grupo namin. In fact pati Yung aso sa kanto, kinakausap ko ahhahaha. Salamat sa pagbabasa nitong article na to. It means a lot to me, promise mamatay man Yung kapitbahay naming chismosa joke ahhahaha. Totoo, naaapreciate ko lahat Ng support niyo. Salamat nang marami. ☺️🤗

5
$ 2.22
$ 2.12 from @TheRandomRewarder
$ 0.03 from @Bloghound
$ 0.03 from @Zcharina22
+ 2
Sponsors of Mayiee
empty
empty
empty
Avatar for Mayiee
Written by
3 years ago

Comments

Haha yung hindi pinayagan kapis sa outingan haha..

$ 0.01
3 years ago

Natatawa ako habang binabasa ko to kasi belong yun anak ko dun sa di pnapayagan😂. Lage syang pinagpapaalam sa akin ng mga friends nya. Tapos may curfew din sya😂

$ 0.01
3 years ago

Ayy wahh, haha pero medyo reasonable Naman ate Kase so long anak nyo po siya kaya ingat na ingat

$ 0.00
3 years ago

Heheh, tama sa hirap ng panahon ngayon eh..

$ 0.00
3 years ago

Yung di pinayagan ang winner po jan!

$ 0.01
3 years ago

isang kaibigan lang mron ako, mula hs until now na college na kami. ayaw ko ng madami, iwas ako sa madaming kaibigan kasiayaw ko sa plastik xd

$ 0.01
3 years ago

Wise decision rin yan Kase tama ka Minsan ang hirap makisama sa marami especially kapag Di mo alam kung totoo ba sila o Hindi

$ 0.00
3 years ago