Dahil maghapon na akong nagsalita ng wikang Ingles sapagkat Ito ay required sa aming online classes at dahil puro English speaking mga kasama ko sa bahay, feeling ko mauubusan na ako ng brain cells hahha. Kaya nga mas pinili ko munang maglathala ng artikulo gamit ang Wikang Filipino, ipagpaumanhin nyo kung ito ang aking ginamit ngayon. hehe Tsaka ang sarap lang rin talaga makisabay sa malungkot na soundtrip ng aming kapitbahay kaya nakagawa ako Ng isang malungkot na artikol hahah.
Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata. Iminulat sa realidad na hindi na ako, o baka nga hindi naging ako kailanman. Bakit ganto? Ako na yung sinaktan at nasaktan pero bakit parang ako pa yung may kasalanan? Kung alam kong kasalanan ang magmahal, sana hindi ko na lang sinubukan. Kung alam kong ako lang yung matatalo sa huli, sana hindi ko na lang sinugal lahat. Kung alam kong laro lang pala to, simula pa lang sana umayaw na ako. Kung tagu-taguan pala to, sana kahit hindi pa maliwanag ang buwan nagtago na ako. Dapat pala tumakbo na ako papalayo para hindi na ako ang naging taya.
Sabi nila kapag mahal mo , ipaglaban mo. Handa naman akong ipaglaban ka pero ako ba,kaya no bang akong ipaglaban? Ngayon ko napatunayan na hindi totoo yan dahil kahit mahal na mahal mo pa , kung sobra na mas mabuting bitawan mo na. Mas mabuting lumayo ka na sapagkat mabibigla ka na lang isang araw hindi ka na niya pala kaya iahon sa lugmok Ng kalungkutan.
Naalala ko pa nung mga panahong siguradong sigurado na akong ikaw na talaga. Mga katagang binibitawan mo at pinanghawakan ko. Pero hindi ko alam na ang mga katagang rin yun ang mananaksak sa puso ko. Naramdaman ko naman na mahal mo ako pero mas ramdam ko na mas mahal mo pa rin siya. Naramdaman ko namang nag-aalala ka sa akin pero sa huli handa mo akong iwan para sa kanya. Ang sakit sapagkat sayo umikot ang mundo ko sa matagal na panahon pero isa lang pala ako sa mga laruan mo. Laruan na pwede mong idagdag sa mga koleksyon mo. Ganun lang pala ako para sayo? Isang laruan na pwedeng mong ayawan kapag sawa ka na. Laruan na pwedeng iabandona kapag naluma na. Ganun lang pala ako kababa para sayo.
Akala ko na kapag sinabi kong ayaw ko, hahabulin mo ako pero.. mali ako dahil mas itinulak mo ako palayo. Akala ko na kapag pagod na ako , ikaw magiging pahinga ko pero mali ako sapagkat mas bumibigat pakiramdam ko tuwing kasama ka. Alam kase nating dalawa na sa tuwing kayakap mo ako, iniisip mo na ako ay siya. Alam ko naman yun simula palang pero anong magagawa ko , ipinanganak lang akong marupok.
Sana'y di na lang talaga. Hanggang ngayon nagtataka ako kung bakit kailangan kong masaktan nang ganito. Hirap na hirap na ako. Kaya ngayon heto na, tatapusin ko na. Tatapusin ko na lahat ng magagandang ala-ala. Puputulin ko na ang spark na nag-uugnay sa pagitan nating dalawa. Hindi ko na ikukubli ang lahat kase hindi ko na kaya. Pasensya na hindi ko na kayang tuparin ang walang hanggan sapagkat ikaw na mismo ang nag-iba ng landas. Aaminin ko na nagkulang ako sayo pero mukha namang napupunan na nang iba lahat ng yun. Sa ngiti mo pa lang bakas na ang pagkakaiba. Ngiting wagas kapag kapiling mo siya samantalang ngiting hagas kapag ako ang nasa iyong tabi. Aaminin ko na nagkaroon tayo ng problema nitong mga nakalipas pero hindi ko inakala na maghahanap ka nang solusyon sa iba. Nang dumating ka sa buhay ko, nabago ang lahat. Hanggang sa puntong kahit gaano katagal pa ako sa harap ng salamin, Di ko na makilala sarili ko. Hindi na ako to, ibang iba na. Kung alam ko lang na ganto ang mangyayari, sana'y Di na lang.
Kaya ngayon handa na akong pakawalan ka. Sa huling pagkakataon gusto kitang yakapin ng mahigpit. Sa huling pagkakataon gusto ko sabihin ang mga katagang " Mahal Kita". Akala ko maririnig ko rin ang katagang iyon mula sayo pero sa halip "Salamat sa lahat" ang aking narinig. Nakalimutan ko nga pala na sa loob ng 3 taon , ako lang yung nagmamahal ng totoo. Ganto pala kabigat sa pakiramdam na humakbang palayo sa taong mahal mo. Sabi ko hindi na ako lilingon pero nagawa ko paring tumingin sayo. Dapat pala hindi na talaga ako lumingon sapagkat mas nanghina ako nung makita Kong Hindi lang nag-atubiling bitawan ako para habulin siya.
Naibuhos ko na ang lahat ng mga luha sa aking mata. Naubos ko na rin ang tissue sa aking tabi. Baka totoo nga na hindi tayo ang nakalaan para sa isa't isa. Masaya ako na ako ang naging panandaliang kasiyahan mo habang hinihintay mo ang taong nakatadhana sayo. Malungkot man dahil yung mga plano natin para sa ting dalawa ay unti unti mo nang binubuo kasama siya. Sayong mga yakap ko naranasan ang pinakamasayang araw subalit dito ko rin pala mararanasan ang pinaka malungkot na pagkakataon sa aking buhay. Tumigil na yung mundo ko nung nawala ka. Na-trauma na akong sumugal sa panibagong tao. Siguro tama na rin ang desisyon ko na unahin ko muna ang sarili ko. Ibabalik ko muna ang dating ako, Yung masaya at masiglang ako bago ako tumungo sa panibagong yugto. At kung sakaling makita ulit kita, sana handa na akong ipakita sayo na masaya na ako kahit wala ka. Sana kaya ko nang sabihin na " Salamat dahil sa pananakit mo, naging buo na ulit ako".
Author's Note
Actually Wala talaga akong particular na maisip na topic ngayon hanggang sa narinig ko na lang yung kapitbahay namin na sumigaw ng " Ayoko na ,break na tayo" tadaa, sila naging inspirasyon ko para makasulat nito. Plus yung soundtrip nila na lakas maka emo haha. Maraming salamat kung nagustuhan nyo man ito. Salamat rin sa walang hanggang suporta at pagmamahal nyo. Lagi kayong mag-iingat, tandaan nyo mahal kayo Ng jowa nyo pero kung wala kayong jowa ,mahalin nyo na lang sarili nyo ππ€£
Sakit naman neto sis. Yung feeling na sya yung mundo ko pero iba yung mundo nya hahaha. Char lang wala pa akong jowa.