Actually , I don't really have a good topic to write about. Buti na lang ,I remember the article of @kingofreview about QUESTIONS FOR HONOR STUDENTS . Actually I want to try it not because I want to brag kase sa totoo lang wala pa naman akong ipagyayabang. I just found it interesting kase pwede nating balikan yung mga moments at struggles natin as a honor student.
Out of 25 questions, pumili lang ako ng 14 na sasagutin ko today. So let's do the fast talk.
Highest Top?
Without boasting here, since Kindergarten until First year college (except for grade 3) , I always become the Top 1. Ewan ko kung bakit kase sa totoo lang mas gusto ko pang makipagdaldalan at magchill. Pero mas bet Kong maging Top sa puso niya char haha. ππ
Lowest Top?
I was in grade 3 nung naging Top 3 ako pero honestly hindi naman big deal yun kase before Di ko alam bakit may tinatawag silang honor student ,basta ang alam ko pumapasok ako araw-araw hahaha
Highest average of all time?
I got an average of 99 nung Senior High School ako pero mas kinikilig ako everytime na may sumusulpot na "1" sa grade slip ko ngayong college hehe.
Anong oras ka nagrereview?
Before mas bet ko mag-aral tuwing 1-4AM Kase feeling ko buhay na buhay Yung mga brain cells ko during that time interval pero mas bet ko siya π Pero ngayong college , feeling ko mas effective if mag-aadvance study maybe 3 days before the exams is great Kase parang Di effective sakin yung 5minutes before the exam ako magrereview. Feeling ko mas nape-pressure ako.
Kinokumpara ka ng parents mo?
Never. Honestly, chill lang yung parents ko about my academics especially si Papa. Alam rin kase nila yung mga struggles ko as a student. Mas okay sa kanila na nakikitang nag-eenjoy ako kesa magbabad sa aral. Actually yun yung pinag-aawayan namin minsan kase puro daw ako aral (Di Nila alam na Minsan nanonood lang ako π ) bakit di daw ako gumala mga minsan. Kung meron man nagkokumpara sakin siguro yung mga not so good aunties ko.
Greatest fear as an Honor Student?
Siguro yung madisappoint ko Yung sarili at mga taong naniniwala sakin. Honestly, ako lang talaga minsan yung nampe- pressure sa sarili ko. Aside from that , yung masabihan ako "Bobo" without a justified reason . Tulad nung sinabe sakin ni Auntie on other day dito sa article ko A Monday Beastly Monday Morning . Alam kong puro likod meron ako pero minsan dinidibdib ko rin yun hehe
Takot malamangan?
Never. Hindi naman yung mga kaklase mo yung totoong competitors mo kundi Yung sarili mo. Kaya kung ayaw mong malamangan , dapat mag exert ka ng mas maraming effort para maattain mo yung goal mo. Actually hindi naman mahalaga kung sino yung nauuna or mas lamang , ang mas mahalaga is yung mga bagay na natutunan mo at kaya mong iapply sa real life mo. "Tulungan Hindi lamangan".
Nagpapakopya o Hindi?
Mabait ako magpakopya. Suki na ako nung mga katagang " Patingin Ng gawa mo ,promise hindi ko gayahin kukuha lang ako ng ideas". Pero okay lang yun sakin as long as hindi niya talaga kokopyahin from bottom to top hahaha. At tsaka ayokong gusot na babalik Yung papel ko , ang panget kaseng tingnan haha.
Note to self kapag tinatamad ka?
Lagi akong merong notes everytime na may gagawin akong maraming activity. Nakalagay dun " Hindi ka si Juan Tamad kaya bumangon ka dyan" at yung " There's no room for laziness because you are not successful yet". Ewan ko pero kapag nababasa ko to feeling ko namomotivate ako . Biglang naboost Yung energy ko after that.
Nakipagtalo sa teacher dahil sa sagot?
There is a time na nagtanong ako sa teacher in a nice way na parang may mali dun sa transactions na binigay niya tapos yun bigla siyang nagalit hahah. Feeling ko daw mas magaling ako sa libro na pinagkuhanan niya. Pero at the end , hindi niya rin mabalance yung transactions at tsaka niya lang narealize na may mali nga pala talaga Yung nakalagay sa book. Good thing, he admits his mistake at nag sorry naman siya. Pero ngayong college , never akong nag attempt na magtanong kase ayoko mapag- initan ng mga professors.
Gifted o Genius?
Neither. I don't consider myself as a genius kase for me suited lang yung word na yun para sa mga lodi tulad ni Albert Einstein. Feeling ko Hindi rin ako gifted. Siguro andun ako sa nakakaunawa lang hehe.
Todo aral o chillax?
It depends upon a situation haha. Kapag major talaga nag-aaral ako ng bonggang bongga pero kapag alam ko namang keri lang , binabasa ko lang siya.
Your inspiration?
Asides from my dearest parents, isa talaga sa mga inspiration ko is yung mga struggles na pinagdaanan ko. Tsaka Yung mga nasa bucket list ko na gusto kong matupad.
Any tips para sa mga magka honor din.
It's great na you aim to be an honor student pero advice lang don't forget to prioritize yourself. Advance reading at proper time management is the key pero dapat marunong ka ring mag balance ng oras sa pag-aaral at oras para sa sarili mo. Yes, having a high grades is totally a big flex and alam kong Isa na rin to sa magiging advantage mo especially kung nangangarap ka magkaroon ng scholarship. Pero at the end of the day, hindi parin masusukat dito ang magiging future at success mo. Kaya learning while enjoying every moment of being a student kase Sabi nila mamimiss mo daw yan kapag nag trabaho ka na.
Closing Thought
Para sa lahat ng mga students dyan honor man or hindi , I'm still proud of you. Hindi biro ang mga struggles at path na dinadaanan natin as a student. Alam kong mahirap at sobrang daming hindrances pero mas piliin pa rin nating mag strive. I'm rooting for your success. I believe na kaya mong mag succeed in the near future. Tiwala lang at konting tiyaga lang.
Thank you for all the supports βΊοΈπ€
Excluded po ang with high honors haha joke lang. Anyway, relate ako doon sa greatest fear hehe. Yung mga walang ambag talaga yung mga epal ate hehe