Hello dreamers. Ngayong araw, wikang Filipino ang aking gagamitin sa aking paglalatha ng aking artikulo. Ngekk. Ang pangit masyadong seryoso hahaha. Taglish na lang๐๐ Dahil bukas is September na at malapit na ang panibagong yugto ng online classes, naisipan kong gumawa Ng article about Thesis Rant. Why not diba? Alam Kong Di lang ako ang nagkaroon ng mga pabuhat na kagrupo hahah.At alam Kong Hindi lang ako ang umiyak dahil sa thesis. And hindi pa man nagsisimula ang online classes namin is pinag-iisip na agad kami ng pangmalakasang thesis title and the worst? Ako ulit leader haha. Aaminin ko medyo mahirap magthesis through online learning kase di mo alam kong paano kayo magkakaroon Ng maayos na communication within the members.
Namiss nyo na ba ang defense ? Ehh ang mga katagang " Reject " , "Revise" at "RRL?". Siguro ang ilan sa inyo ay miss na miss na sila pero karamihan sa atin ay ayaw na silang makita pang muli haha.
Feeling ko minsan dahil sa mga pabuhat na kagrupo, magiging Hidilyn Diaz 2.0 na ako hahahha๐
Since grade 8 , na experience ko nang gumawa Ng thesis. "Baby Thesis" actually pero hindi siya mukhang baby kase ang hirap hirap niyang suyuin haha. Buti pa yung baby ko , isang sorry lang ok na pero Yung baby Thesis kahit umiyak ka pa ,hindi pa rin matatapos. Dati , excited pa ako sa thesis Kase ang astig pero ngayon Hindi na ako natutuwa. Ang daming klase Ng defense ang kailangan mong pagdaanan , Title defense, Chapter 1-3 Defense, Mock Defense, Final Defense at Revision Defense. Diba ang dami? Hindi ko nga kayang idepensa sarili ko ,thesis pa kaya? Hhahaha. Pero nakakainis rin talaga yung iba't ibang klase Ng pabuhat sa thesis group nyo? Sino sila? Well, isa-isahin natin malay nyo Isa rin kayo dito joke โ๏ธ๐
The Google Warrior
Ito yung klase ng kagrupo na gumagawa naman pero alam nyo yun, copy paste sa google lahat ng ginawa niya. As in from bottom to top, copy paste. I've been encountered this type of groupmate every year and nakakasawa na. Feel nyo ba? Yung ang ganda ganda nung study nyo tapos marereject dahil sa copy paste na yun. Haha ,one time may sinabihan akong kaklase na wag siya magcopy paste Kase makakaapekto Yun sa study pero alam nyo ang sagot niya? " E Di ikaw na lang gumawa ,ikaw Naman ang leader eh. Responsibility mong gawin yan". That time gusto ko siyang tanggalin sa grupo pero bad Yun, Di kaya Ng konsensiya ko kung sakali kaya hinayaan ko na lang.
The Taga-ambag
Ito yung kagrupo mo na parang manager, hindi siya gagawa ng manuscript pero siya lagi yung nagbibigay ng pagpapaprint haha. Gusto nyo yern? Minsan ok kase Hindi ka na mamomoblema sa pera pero kadalasan Hindi okay Kase nakakadugo ng utak gumawa Ng thesis.
The taga-plano ng overnight
Ito naman Yung mag-aaya Ng overnight pero at the end siya yung kauna-unahang matutulog haha. Tapos pagkagising niya ,itatanong agad kung natapos nyo na ba? Minsan sarap siyang sabihan Ng " Oo gurl ,tapos na Namin. Thank you sa pag oovernight mo ha,laking tulong". Hahaha pero bad Yun kaya wag nyo sasabihin Yun, Malay nyo puyat talaga siya kahit ikaw din puyat.
The Taga-luto ng Pancit Canton
Syempre hindi mawawala yung member natin na laging yan ang ganap. Every time na gumagawa kayo sa bahay or may overnight kayo , mayroong Isa na laging nagluluto Ng pancit canton and it seems na ito talaga yung role niya sa grupo hahaha. Ok naman sana kaso Hindi naman matatapos Yung thesis dahil sa role na Yun Diba? Hahahaha
The typerist
Sila yung nagvo volunteer na magtype ng inyong manuscript. Actually medyo maaasahan tong mga to pero minsan syempre akala nila hanggang typerist lang talaga sila. Ayaw nilang mag-ambag Ng kaunting utak at ideas hahaha.
The Absent during defense
I don't know kung sinasadya ba nila or sadyang coincidence lang pero nakakainis Diba Yung iiwan ka Nila sa ere tapos walang sasalo sayo. Yung ready na kayo pero bigla silang aabsent on the defense day. Bakit? Takot ba sila sa tanong na "Why did you conduct this study?" Kahit Ako Hindi ko alam bakit ganun Yung mga naging thesis title Namin hahaha ๐
The Wala talagang ambag
Syempre ito yung pinaka pabuhat sa lahat. As in Yung pangalan niya lang Ang amabag niya sa buong thesis. Sarap tanggalin noh? Pero bawal yun hahaha.
Closing Thought
So saan kayo nabibilang? Ahhaha. Siguro dun kayo sa panghuli noh? Hhahaha char. Pero baka ang Iba ay Wala dyan Kase syempre thesis life sa inyo at kayo Yung mga pursigodong tapusin ang thesis nyo. Well that goods to know. Actually , I want to used BCH Awareness as one of the possible topic Kase somehow may connection siya sa course Namin which is FM. Pero syempre kailangan ko rin ng sobrang lalim na explanation para maunawaan nila because I know na hindi Lahat aware about BCH. Hoping na maa pprove to dahil BCH deserves to be known. Hanggang dito na lang muna, makipag tuos muna ako sa mga pabuhat Kong kagrupo hahaha.
Feeling ko nasa the google warrior po ako at taga ambag haha. Naalala ko po kasi nun inaabot talaga kami sa paggawa grabe noong senior high school po ako hehe. Andami din namin inaambagan po kasi print ng print haha. God bless po,