Bakit may mga taong Broken-hearted?

5 77
Avatar for Mayiee
Written by
3 years ago

Sa laro ng pag-ibig, hindi palaging panalo ka dahil darating sa punto na matatalo ka. May mga sitwasyon na madadapa at masasaktan ka dahil kaakibat ng pagmamahal ay sakit at sakripisyo.

Bakit nga ba may mga taong nagiging broken hearted? Siguro gawa gawa lang to ng illuminati hhaha. Pero sa seryosong usapan, may mga taong broken hearted dahil pinili nila na sumugal sa laro ng pagmamahal. May mga taong broken hearted dahil mas ginusto natin na mag stay sa taong yun. Pero ngayon, maglalahad ako ng mga rason kung bakit may mga taong broken hearted.

1.Broken hearted ka dahil sobrang minahal mo yung taong hindi talaga para sayo

Sabi nga nila " Love is blind" pero hindi talaga ako naniniwala dito dahil yung iba pinipili lang talaga nilang magbulag bulagan dahil hindi nila matanggap na ang taong minahal nila ng sobrang tagal ay iiwan rin pala sila. Ipinaramdam niya na ikaw ang pahinga niya pero yung totoo, hindi ikaw ang tahanan niya. Hindi rin pala kayo ang End Game sa huli kase trial card ka lang. Alam mo hindi lahat ng taong papasok sa buhay mo ay nakalaan talaga sayo dahil may mga taong dadaanan ka lang at gagawin kang shortcut para mahanap nila ang taong para sa kanila. At the first place kung talagang mahal ka niya at siya talaga ang nakalaan sayo, ipaparamdam niya sayo yun kahit hindi mo man hilingin. Huwag kang manghinayang sa taong hindi ipinaramdam na mahalaga ka sa kanya.

2 .Broken hearted ka dahil nag-stay ka kahit sobrang sakit na

Masyado mong pinanindigan ang mga katagang " Mahal ko kase eh" to the point na wala ka nang tinira para sa sarili mo hangga't sa naubos ka na. Na kahit alam mong sa una pa lang, kailangan mo nang bitawan pero mas pinili mo pa ring hawakan ng mahigpit. Remember na ang pag-ibig ay parang isang pamamangka, dapat aim nyong makapunta sa iisang direction dahil hinding Hindi kayo makakarating sa destination nyo if magkaiba kayo ng pinagsasagwangan. Hangga't may isang pabigat, kahit anong angat pa gawin mo, lulubog at lulubog pa rin kayo. Payo ko lang ha, huwag ka masyadong magpakarupok. Kung alam mong dapat nang bitawan, bitaw na.

3.Broken hearted ka dahil natatakot kang sumugal sa bago

Una natin naiisip na sayang o nakakapanghinayang ang lahat, yung tao, yung pinagsamahan niyo, yung mga memories nyo together pero kung iisipin lang rin talaga natin, sa una ka lang manghihinayang dahil as time goes by malalaman mo na hindi na siya worth it sa mga luha mo. Natatakot ka lang mag-isa. Natatakot kang mag move on at i-let go ang iyong past. At higit sa lahat, natatakot kang sumugal ulit sa bago dahil hindi mo afford ang masaktan ulit. Pero kapag nagmahal ka dapat handa kang masaktan at madis-appoint pero dapat handa ka ring mag-let go. Ayaw mong pakawalan ang nakasanayan kaya minsan mas pinipili nating ikimkim na lang ang sakit hangga't kaya pa natin.

4.Broken hearted ka kahit wala naman talagang dahilan

Ito yung pinakamasakit sa lahat , yung hindi mo alam ang totoong rason kung bakit nasasaktan ka. Bigla ka na lang nagising na pakiramdam mo parang pinagbagsakan ka ng langit at lupa tapos may kasama pang ulan. Sa totoo, hindi lang naman yung mga may jowa ang possible na maka-experience ng pagiging broken hearted eh, kahit single pwedeng makaranas nito. Yun moment na gusto mong umiyak kahit walang dahilan basta ang alam mo nasasaktan ka lang. Pati ikaw mapapatanong sa sarili " Self bakit ka brokenhearted?" Believe me, ang sakit nun dahil ikaw mismo di mo kayang sagutin yun.


Closing Thought

Ang dami lang unwritten reasons kung bakit tayo nagiging broken hearted pero pinili ko na lang i-share yung ilang reasons na mas relatable hahaha. Lahat tayo mararanasan maging broken hearted sa buhay pero ang importante is we still choose na mag-move forward. Hindi dapat natin tinitiis kapag sobrang sakit na m, dapat matuto rin tayong i-release ito kase after all hindi dapat tinatambayan ang pain. Alam nyo after nyong maranasan yung pain at heartbreak ,dapat magpasalamat ka sa sarili mo kase nalampasan mo lahat ng yan. Matuto tayong gawing advantages yung sakit na naramdaman natin. Dahil yang pain na idinulot nung making tao sayo ,pwede siya rin ang maging dahilan para mahanap mo ang " The Right One " mo. At pwedeng yang pain at heartbreak na dala dala mo ngayon ang magturo sayo ng mga lessons na dadalhin mo hanggang sa pagtanda mo, kaya go through the pain while you are trying to thrive with it.


LEAD IMAGE

GREETINGS!!

Hi dreamers of the read cash society, how are you today? Hope you are doing fine and happy. I just want to say thank you for staying with me all throughout my journey here, your support is highly appreciated 🤗🤗Thank you and always take care yourself okay, especially when you don't have a boyfriend) girlfriend who can take care of you lol. Choose to be happy and free.

2
$ 0.80
$ 0.75 from @TheRandomRewarder
$ 0.03 from @GarrethGrey07
$ 0.02 from @jasglaybam
Sponsors of Mayiee
empty
empty
empty
Avatar for Mayiee
Written by
3 years ago

Comments

Sabi nga sa kanta, "yeah you bleed just to know you're alive" Parte na ng buhay ang maging brokenhearted in any forms. Siguro nga dapat dagdagan ang characteristics ng mga living things na dine describe sa libro; ability to feel heartbroken. Kahit nga hayop nasasaktan din sila even plants. Pero mas vulnerable tayong mga tao kasi sa level ng capacity natin, tumataas din expectations natin towards something. Normal na sa atin ang maging broken-hearted.

$ 0.01
3 years ago

I agree with it, parte na talagang life cycle natin ang maging broken hearted

$ 0.00
3 years ago

Sabi nga sa kanta, "yeah, you bleed just to know you're alive" Parte na ng buhay natin and pagiging heartbroken in any forms kahit Hindi dahil sa isang failed relationships. Even animals and plants, nasasaktan din sila kaya dapat mag revise ang mga science books at dagdagan nila yung characteristics of living organisms; ability to feel heartbroken.

$ 0.00
3 years ago

Baka nga, hndi pa nmn ako nabobroken hearted ng sobra kc ung mga dati fling fling lang kaya masasabi ko lng baka nga..kc ung iba kahit nsasaktan na emotionally, mentally at physicals nag e stay pa din,bka takot lng silang mag isa.

$ 0.01
3 years ago

Di pa rin po ako nagiging broken hearted in a relationship pero base sa nakikita ko lang po sa mga relationship ng mga kakilala ko. Kaya nga po eh, minsan talaga mag i-stay pa rin sila Kasi ayaw nilang mag-isa 🤧🤧

$ 0.00
3 years ago