WHAT IF HINDI AKO NAGKAANAK AGAD? 😅
- Siguro ineenjoy ko lang ang career ko
- Siguro nagagawa ko din yung mga ginagawa ng mga dalaga o binatang kakilala ko.
- Siguro hindi ako nag iisip kung saan kukuha ng panggastos para sa anak ko.
- Siguro sarili ko lang ang pinoproblema ko.
Ang daming “Siguro ganyan, Siguro ganto” ang pumapasok nalang bigla sa isip ko.
Dumating pa sa point na tinanong ko yung sarili ko ng “WHAT IF mabigyan ako ng pagkakataon na bumalik sa past at maiwasan yung dahilan kung bakit ako nasa sitwasyon na to?” 🤔😧
Napatingin ako sa anak ko at napatanong ako sa sarili ko kung bakit ako nag iisip ng ganun (ang sarap lang kotongan ng sarili ko). 😂
Pumikit ako at kinausap ko si God “Bakit nga po ba ako nasa ganitong sitwasyon?
Pagdilat ko, ang unang-unang pumasok sa isip ko,
“God always has a reason. Lahat ng ina allow niya na mangyari ay laging may dahilan. Ginagamit niya ang mga worst mistakes natin to mold us into the person He created us to be.” 💕😊
Kaya sa lahat ng mommies, nanay, young moms diyan, ito lang ang tatandaan natin kahit kailan hinding-hindi naging pagkakamali ang magkaroon ng anak. Mahirap man ngayon pero wag kang susuko dahil soon maiisip mo IT’S ALL WORTH IT. 💪☝️
Just close your eyes and thank God dahil binigyan ka niya ng napakakulit na mga anghel sa tabi mo. 💋💕
PS. Don’t ever compare yourself to others. BE HAPPY 😘☺️
Indeed ate! Kakaibang blessing ang anak sa buhay ng isang magulang! And tama, wag magkukumpara kasi iba iba ang good plans ni God for us ❤️