Early pregnancy

1 17
Avatar for Maria
Written by
4 years ago

Isa ako sa mga kababaihang maagang nagkaanak... marami akong pinagdaanan masakit na pangyayari sa buhay ko nung akaoy nag buntis sa aking panganay na anak,18 years old lang ako nun at bago palang nag tatrabaho..

Sobrang natakot talaga ko nun bukod sa hindi ko alam kung pano sasabihin sa magulang ko dumagdag pa ang isipin na kaya ko nabang maging isa ina,kaya ko bang magpalaki ng isang bata..dahil yung lalaking dapat kasama ko sa panahong namomoblema ako ehh iniwan lang ako sa ere,.kaya hindi ko alam nun kung papano ko haharapin ang lahat..

Sa totoo lang hindi ko alam pero mas malakas pa ang pakiramdam ng tatay ko kaysa sa nanay ko,.. sya ang unang nakaramdam na parang may mali sakin sinabihan nya ang nanay ko kaya kinausap ako ni nanay at sinabi ko na hindi pa nga ako dinadatnan,alam nila na may bf ako nun, kaya sila na mismo ang bumili ng p.t para masigurado at ayun nga nag positive nga, sobrang nahihiya ako sa magulang ko,nung una ayaw ng tatay ko na matuloy pagbubuntis ko kase daw magiging tampulan ako sa chismis, sobrang natakot ako kase nung gabi sabi ng tatay ko maaga sila aalis ni nanay kinabukasan para humanap ng gamot pang palaglag.. kahit na takot ako sa kahihinatnan ng ginawa ko ni minsan hindi sumagi sa isip ko na magpalaglag kase alam ko na kasalanan sa Dyos yun,. Buti nalang talaga malawak ang pang unawa at pag intindi ng nanay ko, pinaliwanagan nya si tatay na mali yung naiisip nya na walang kasalanan ang bata sa sinapupunan ko,.. sinabi pa nya na pano kung mapainom nila ko non tapos hindi nalaglag at nagka deperensya sila din ang masisisi at makokonsenya,..narinig ko ung pag uusap nila ng ndi nila alam dahil akala nila tulug nako nun,. nakinig naman si tatay kinaumagahan nga kinausap nila ko na tatanggapin nila ko at pinagbubuntis ko dahil kahit anong mangyare daw eh anak parin nila ako..at wala ngang kasalaan pati ang bata sa tyan ko,alam din nila na ndi ako pinanagutan ng tatay ng anak ko, akala ko magiging ok na ang lahat..

Dahil nga sa buntis ako marami akong pinaglilihian at marami akong gustong kainin pero hindi ko magawang mabili at makain dahil wala akong pera kase nga nabuntis ako kaya tumigil ako sa pag wowork,sobrang hirap pero tiniis ko para sa anak ko at alam ko din naman na kasalanan ko at ginusto ko ang mga nangyare,.

Habang lumalaki ang tyan ko nag tyatyaga akong mag tuhog ng sampaguita dto samen para kahit papano may kitain ako at may maipambili ng gamit ni baby bago ako manganak, lahat ng gawaing bahay ako gumagawa kahit ang hirap kumilos para man lang makabawe ako sa parents ko,naiinis lang ako sa kapatid kong bunso na babae kase kahit alam nya na hirap nako ay hindi nya man lang ako matulungan sa gawain kahit wala naman sya ginagawa sa bahay namen, matanda lang ako skanya ng dalawang taon, pero hindi ko naman sya mapag sabihan kase nahihiya ako sa parents ko,. Linis dito linis doon,laba dto laba duon,luto dito luto duon,ang mahirap pa sa kahoy lang kame ngluluto nung mga time na un..

Lumalaki ang tyan ko,.unti-unti kong nararamdaman na hindi talaga tanggap ng tatay ko yung pinagbubuntis ko, sa tuwing uuwi kase sya galing trabaho nya pag naabutan nya ko nakaupo sa upuan namen nagagalit sya lagi daw ako paharang harang para daw ako akong butete,tapos pinapalayas nya ko sa kinauupuan ko,kya ako syempre tahimik nalang na aalis at iiyak mag isa, kaya naging routine ko na pag alam kong oras na dadating na tatay ko nag tatago nako sa loob ng kwarto duon ako umiiyak mag isa..isang beses nakita ako ng nanay ko na umiiyak sa sulok ng kwarto kinomfort nya ko at sinabi na intindihin ko nalang si tatay pagud lang sya,at wag nako umiyak dahil ramdam ni baby un,..

Araw-araw ganun ang gawa ko,pag dadating si tatay mag tatago ako, ang nanay ko sobrang thankful ako kase napaka maunawain nya sobra sakin,sya lage umaalalay sakin pag may pera sya binibili nya ko ng gusto kainin kya skanya lang talaga ko kumakapit,napaka swerte ko talaga sa nanay ko,.. minsan may time na umuulan dahil ndi na maayos ang bubong namen sa likod kung san kame nagluluto nababasa talaga ko ng ulan ngpapayong nalang ako pero natalsik talaga sakin,pero need ko padin mag luto kahit naualan kase wala kame kakainin.. umiiyak nalang ako habang nagluluto kase hindi manlang nag alala ang tatay ko na baka nababasa nako,pero kaylangan ko tiisin kase kasalanan ko naman ehh, may time pa na nag aalok ang tita ko ng mga damit ng bata pabenta daw ng kapit bahay nila, sobrang sakit nung sinabi ng tatay ko na hindi kaylangan ng baby ko yun tama na daw sako kase demonyo naman daw ang ama kaya demonyo din ang magiging anak..parang dinurog ang puso ko nun sobrang bigat gusto ko umiyak pero pinigil ko kase nahihiya ako sa mga tita ko at sa tatay ko,.. kaya nagdahilan nalang ako na naiihi ako pangiti-ngiti pako para hindi mahalata, sa cr ko iniyak ng impit ang lahat..kase sana kahit ako nalang parusahan wag lang yung anak ko,..

Pero ok na din kase nung nanganak ako si tatay din tumulong sakin at tuwang tuwa sya dahil pati nasunod ang gusto nya na maging lalake ang babay ko, sakanila pa nga ng nanay ko lumaki ang anak ko ehh sila na nag alaga simula 3 months kase nga nag trabaho nako..

Pasensya na napahaba 😁😁

Slamat sa pag babasa..😊😊😊

4
$ 0.00
Avatar for Maria
Written by
4 years ago

Comments

Kaya mo yan maam.. Wag kang mawalan ng pag-asa. May taong magmamahal sa iyo at sa anak mong lalaki.ilang taon na po ba anak nyo?

$ 0.00
4 years ago

Saludo ako sa mga single mom. Di nila alam kung gaano kahirap maging isang single mom o dad.

$ 0.00
4 years ago

Tama ka jan.. napakahirap talaga,masakit din ang mahusgahan ka ng iba kahit hindi ka naman nila totoong kilalal at hindi naman nila alam ang tunay na kwento.. pero aus lang as long as hindi nila idadamay ang anak ko keri lang...😊😊😊

$ 0.00
4 years ago