When the Magic Takes Place: Hiraya Manawari

1 39
Avatar for MarCosis
2 years ago
Topics: Fantasy

Do you believe in fairies and Giants?

On how do their pixy little wings go around playing with creations?

Did you know that silently many of them are dying because of our careless actions.

Enjoy the magic and adventure of Buknoy as he travels in the magic land of Hiraya Manawari!

Disclaimer: I write this story last year in the category of Kwentong Pambata. If you are a Filipino please and enjoy child fantasy story this one is for you!


"I don't want to eat veggie. I want chicken!"

Reklamo ni Buknoy sa kanyang ina matapos siyang paghandaan ng hapunan.

Si Buknoy, pitong taong gulang. Ang kaisa-isang anak ng mga Villafuerte. Isa sa mga mamayamang pamilya sa probinsya ng Leyte. Bukod sa reklamdor na bata, lumaki itong sunod sa layaw.

"Sige na Buknoy, makakabuti sayo yan iho at-"

"No! Nakakasuka yan mom"- tinapik ni Buknoy sa kamay ng Ina na nagtangkang isubo ang gulay.

"Buknoy, magagalit ang mga Ada kung sinasayang ang mga pagkaing pinaghihirapan nilang palaguin?" Malumanay na kinausap siya ng kanyang Lola.

"Alam ko nang fake sila lola. Di na po ako bata"

"Buknoy naririnig ka nila, di mo sila gugustuhing magalit."

Walang epekto ang pangungungbinsi ng kanyang Lola Adita. Sa halip, tumungo ito sa kanyang kwarto habang kunot ang noo at nakapahaba ang nguso.

"Hindi ko po inaasahang lalaki si Buknoy ng ganyan. Masyado po kaming na busy sa trabaho."

"Magiging ayos lamang iyan iha. Makita mo't kinabukasan ayos na si Buknoy"

Habang nag uusap ang nanay at Lola ni Buknoy sa baba, umupo lamang ito sa harap ng kanyang computer at nag laro. Suot-suot ang head set,

may napansin siyang maliit na tinig na narinig. Tumayo ito at-

"Hoy Buknoy"

"Buknoy"

"Buk-"

"Si..sino ka? Magpap..pakita ka!" Takot na wika ni Buknoy.

"Narito ako Buknoy sa taas!" Sagot ng maliit na Ada

Na upo muling si Buknoy sa sobrang takot at hindi makapag salita.

"Wag kang matakot, ako si Linda. Isang Ada" pakilala nito.

"Te..teka to..totoo ka?"

"Oo Buknoy, mula ako sa malawak na kaharian ng Hiraya Manawari. Ang kaharian ng Pag-asa at buhay" Malugod na wika ni Linda.

"Manawari? Hiraya? Stop this joke!" Nag tangkang lumabas si Buknoy ngunit sa isang kumpas ng ada sa kanyang kamay ay kusang naisara ang pinto.

"Wala kang magagawa Buknoy, tara na at isasama na kita sa aming kaharian!"

"No! Ayokoooo-" sigaw ni Buknoy.

Sa isang kurap lamang ay nakatayo na siya sa pasukan ng mahiwagang kaharian. Ang paligid ay hitik sa luntiang pananim na doon pa lamang niya nakita. Naglalakihang puno na at matitingkad na kulay ng mga bulaklak sa paanan nito. Namangha si Buknoy sa nasaksihan.

"Buknoy, humayo na tayo kaharian. Wag kang matakot sapagkat kasama mo ang pinaka magaling na Ada ng Hiraya Manawari."

"Gusto ko nang umuwi. I don't want to be here!"

" Talaga ba? Hayaan mo ang reyna ang maghahatid sa iyo pa balik sa iyong mundo"

Nag lakad ang dalawa hanggang marating ang mahabang tulay.

"Bakit may mga kamuka ka dito Linda?" Tanong ni Buknoy

"Ito ang tulay ng Hapsaya, sa baba nito nanirahan ang mga kalahi kong Ada. Kami ang nangangalaga sa mga pananim sa inyong mundo."

"Akala ko kwento-kwento lang kayo ni lola. Pero bakit kakaunti lang yata ang nakikita kong mga fairies?" Pagtataka ni Buknoy

"Buknoy, alam mo ba na sa bawat pagsira ng pananim na aming iniingatan, sa pag takwil ng aming ani at pagkagalit sa mga ito, isa isang nawawala ang mga Ada. Napansin mo ba ang mga matitingkad na bulaklak sa daan? Iyon ang mga kasamahan naming mga pumanaw dahil sa kagagawan ng mga tao."

Natahimik si Buknoy sa narinig. Dahil napansin niya ang daan-daang kumpol ng mga bulaklak sa ilalim ng tulay at sa paligid nito. Isa na pala iyong himlayan ng mga naglahong Ada.

Nag patuloy sila sa paglalakad. Hindi napansin ng dalawa na sila'y nagkaka palagayang loob.

"Linda, I promise, pag naka balik ako sa amin I will tell everybody na pahalagahan ang bawat plants."

"Pangako Buknoy ha. Mahirap mangako sa mga Ada. Kahit dalawang dangkal lang ako kukutusan kita"

Nagtawanan at masiyang nagtungo sila sa kaharian.

Nang marating nila ang makinang na kastilyong gawa sa dyamante. Bumungad sa kanila ang dalawang gwardiyang Entroso. Mga mataas na puno na may kamay at mga paa.

"Narito kami para sa reyna." Aniyang Lida.

Pagbukas ng malaking pinto ay tumambad sa kanila ang mga naglalakihang poste na may samutsaring kulay at mga nakaukit na dahon at mga bulaklak. Sa dulo nito'y naka upo ang reyna sa kanyang trono. Suot suot ang berdeng mahaba't makinang na damit. Di maiitangi ang ganda ng reyna.

Timindig ang reyna at ikinampay ang kulay asul at lila nitong mga pakpak. Hindi tulad ng ibang Ada, siya'y kasing laki ng isang normal na tao.

"Maligayang pagdating sa kaharian ng Hiraya Manawari, ako si reyna Aditania"

Malugod na bati ng reyna.

Sa sobrang pag hanga ni Buknoy, natulala ito at tila may naalalang kahawig ang reyna.

"Mahal na reyna narito si Buknoy. Ang batang nakatalaga sa propesiya" wika ni Linda

"Ako po si Buknoy. Gusto ko na pong maka balik sa amin."

"Batid ko ang iyong pangungulila Buknoy, subalit ginamit ko ang aking natitirang mahika upang mapatawag sa aming kaharian."

"Pano na po iyan. Hindi ko na po makikita sila mama?"

"Buknoy, kaya pa kitang maibalik sa inyong mundo. Kinakailangan mong kunin ang dyamanteng Glamour na kinuha ng pinuno ng mga Higante. Tanging tao at mga higante lamang ang kayang humawak ng Glamour."

"Pero paano ko po kukunin yung dyamanteng Glamour?" Tanong ni Buknoy

"Sa ika sampung bundok sa timog, duon ang mga higante namamahay. Sa umaga'y kasing talas ng agila ang kanilang paningin, mayroon silang lakas na kahalintulad ng isang dosenang elepante. Ang pang amoy nila'y kayang tumukoy ng kalaban mula isang daan ang metrong layo. Subalit! Dahil sa sumpa ipinataw ng dyamanteng Glamour, sa gabi'y tila isa silang bulag na pakapakapa sa kadiliman. Mawawala rin ang halos isang daang porsyento ng kanilang pandinig at pang amoy."

Napapayag ng reyna si Buknoy sa misyon. Ipinagamit nito ang alagang Garuda. Isang mahiwagang ibon na may halong anyo ng agila't tao. Gayundin ang mahiwagang sisidlan ng reyna. Nang sumapit ang dapit hapon, sakay ng Garuda, humayo si Buknoy kasama si Linda patungong Timog. Mabilis nilang tinungo ang pulotong ng mga higante.

"Linda, pagnaka balik ako hayaan mo isasama kita, bibili kita ng paborito kong ice cream!"

" Oo naman buknoy. Gusto ko iyong matikman." mahinang sagot ng ada.

Nanghina si Lida sapagkat dumarami ang ang ayaw sa mga malulusog nilang pananim, karamihan sa mga ito'y bata. Napansin iyon ni Buknoy kaya't hiniling niyang mas bilisan pa ng Garuda.

Ilang saglit pa ay narating na nila ang mga higante. Nakasalampak ang mga ito sa kapatagan, tahimik na natutulog. Nakita nilang naka kwintas ang Glamour sa pinuno. Dali daling hinablot ni Buknoy ang Glamour at isinilid sa mahiwagang sisidlan. Sa tuwa ay niyakap ni Linda si Buknoy. Pasakay na sila ng Garuda at di na pansing mag bubukangliwayway na. Naabutan sila ng araw.

"Hulihin ang mga lapastangan!"

Nagbuga ng lason ang mga higante na hindi inaasahan nila buknoy, bumaba ang lipad ang Garuda. Malapit na silang maabot ng mga higante, isang dangkal nalang ay madudurog silang buhay! Ngunit si Ibinuhos ni Linda ang buong mahika na natitira sa kanya. Mataimtim siyang nanalangin-

"Mahabaging reyna, nawa'y pagkalooban mo ako ng sapat na lakas upang mapagaling ko ang Garuda. Hiraya Manawari!"

Matapos ay muling nabuhayan ang Garuda, sa bilis ng pagaspas nito'y na iwan ang mga Higanteng humahabol. Tuwang tuwa si Buknoy. Ngunit naiwang nakakapit si Linda sa mga kamay ni Buknoy. Walang buhay at hindi naging bulaklak.

Narating nila Buknoy ang kaharian habang hawakhawak niya si Linda. Pahikbihikbi niyang inilagay sa sungkod ng reyna ang Glamour.

"Buknoy, gayong huwag magluksa… sa kapangyarihang ipinagkaloob sa akin ng dyamanteng Glamour, muling bigyan ng buhay ang mga adang nawala, at gawing muli ang kanilang tungkulin! Hiraya Manawari.

Napatalon sa galak si Buknoy at hinagkan ang ada.

"Buknoy! Hindi ako makahi...-"

"Salamat mahal na reyna! Pangakong hindi na'ko magiging pasaway muli."

Doon nag simula ang pagdidiwang ng pitong araw at anim na gabi, walang hinto ang musika at kasiyahan. Hanggang dumating ang araw na pagkisan ni Buknoy. Nakatayo ngayon ang bata sa harap ng trono, at pinalilibutang ng mga mahihiwagang nilalang.

"Lubos kaming nag papasalamat sa katapangang ipinakita mo Buknoy. Muling naibalik ang dyamanteng Glamour sa tama nitong-"

"Ahhhhhhhhhhhhhhhhhh!" Umalingawngaw ang tinig na pumutol ng seremonya. Nabalot ng takot ang kaharian.

"Hindi! Magbabalik ang mga higante upang nakawing muli ang Glamour!" wika ng reyna

"Kailangan mo nang lumisan Buknoy! Nawa'y patnubayan ka ng lumikha at kailanma'y hindi mawalan ng pag-asa, Hiraya Manawari!"

"No please! May mga higante pa! Ayoko pang bumalik! Lindaaaaa-"

"Buknoy, wake up! umaga na," wika ng kanyang ina.

"Ma yung giant, paparating na sila!" Takot na wika ni Buknoy. Yinakap siya ng kanyang ina, nang maalimpungatan ay nanghingi ito ng tawad sa kanyang.

"I'm sorry mom… simula ngayon kakain na po ako ng gulay at magiging good boy"

"Talaga ba anak? Osige pinapatawad ka na ni mommy. Bababa lng ako't ipag hahanda na kita ng umagahan"

Bumaba na ang kanyang nanay at naiwang naka sandal si Buknoy. Ilang minuto pa lamang ay naglakad na ito pababa subalit napansin niyang naka tutok ang kanyang lola sa malaking painting na kahawig na kahawig si reyna Aditania.

"Lola kilala nyo po yung-"

"Huwag mawawalan ng pag-asa, HIRAYA MANAWARI" wika ng kanyang Lola


Sponsors of MarCosis
empty
empty
empty

I would like to extend my gratitude to my sponsors here. Thank you so much Pips! Your trust added confidence in my write-ups and blogging. Please stay with me until I'll be like you and surely I will give back the favor for aspiring writers like me, soon. I'm excited to sponsor many writers here and your help and encouragement help me to boost the willingness to share and inspire. God bless you everyone! "May the Odds Always Be in Your Favor"


BLOG #24
MONTH: MARCH 2022
PHOTO THUMBNAIL CREDIT TO: UNSPLASH
IMAGES USED CREDIT TO:



CHECK MY PREVIOUS ARTICLES:

THE FIRST STEP IN FINDING PEACE IS LOOK ING FOR PLACE:
https://read.cash/@MarCosis/the-first-step-in-finding-peace-is-looking-for-place-671640ed

MY FEB-ACCOMPLISHMENT: CELEBRATING SMALL WINS:
https://read.cash/@MarCosis/my-feb-accomplishment-celebrating-small-wins-63920df2

ANGELS HEIRARCHY:
https://read.cash/@MarCosis/angels-hierarchy-c14fad3




ᜄᜓ᜔

-MarCosis-

5
$ 0.49
$ 0.49 from @TheRandomRewarder
Sponsors of MarCosis
empty
empty
empty
Avatar for MarCosis
2 years ago
Topics: Fantasy

Comments

Such an amazing plot, ito ba yun napapanuod ko sa tv...ksama na bayani, mathenic at ibba pah..ito yun humubog sa aking pagkatawo Dahil ngpapakita ng magandang asal at kaugalian, sanai maibalik ito sa mga television at maraminh mga kabataan na mtutunan ng kabutihang asal

$ 0.00
2 years ago