Hidden Monster

5 49
Avatar for MarCosis
2 years ago
Topics: Fantasy, Horror, Story

The flesh is torn apart

"Lola!"- I shouted silently while covering my mouth. As the townsmen beheading her using the old rusty Butchers knife they have

" run IHO" words my Lolo repeatedly shouts. He was stabbed while everyone is laughing.

Horror Sunday Everyone! I want to share with you today, the Filipino horror story I produce last year. Although it has some technical issues in word usage, please spare me this time hahahaha. It was written in Filipino Language and didn't win any awards but I enjoyed writing this story.


Tayo ay may sariling tinatagong lagim. Marahil ito'y puot na nag papalabas sa kanya-kanya nating HALIMAW…

Si Tonio, labing siyam na taong gulang. Mapapansin ang balingkingitang pangangatawan ng binata. Bagama't patpatin, kilalangkilala siya sa pagkakaroon ng matangos na ilong at mapupungay na mata na naging dahilan ng pagiging habulin ng mga babae. Siya ay magkokolehiyo na sa pasukan.

"Tonio! Ano, may dinala kananaman sa lodging house ni aling rosi kahapon no?" Wika ng kaibigan nitong si James.

"Turuan mo naman kami tol! Sinasarili mo lang yang teknik mo eh, ka payat payat mo pero ang lakas mong bumomba!" Pa tawang wika ni mark, isa rin sa matalik na kaibigan ni Tonio

"Mga tol, dapat kasi swabe lang ang datingan natin, konting hawid ng buhok tapos pangiti ngiti lang" ika pa ni Tonio

"Teka, sunod buwan lipat na'kong Antique, kila Lolo't Lola, di ako kayang pag aralin nila tita Ondeng dito sa Maynila. Masyado daw mahal ang bayarin kung dito ako mag kokolehiyo."

Malungkot na ibinalita ni Tonio.

Si Tonio ang kaisa isang anak. Sa murang edad, naranasan niyang mawalan ng magulang . Naaksidente ang kaniyang mga magulang noon pauwi galing trabaho. Habang nag mamaneho ang kanyang ama, biglang pumasok ang mixer ng semento sa may bahagyang naka palihis na kalsada, naging sanhi ito ng pag baligtad ng mixer. Naipit ang kanilang sasakyan at naging sanhi ng karumaldumal na pagkamatay ng kanyang mga magulang..

"Pano ba yan, mukang magkakahiwalayhiwalay na tayo mga tol" malungkot na wika ni Mark

"Pa iyak ka na ba? Hahahaha! T*ngna mo Mark napaka iyakan mo talaga hahaha!" Pabirong sabi ni Tonio

"Tol.. magkakakita pa naman tayo, konting tiis lang yan pag nakatapos tayo ng kolehiyo at maka dali tayo ng magandang kolehiyala magkikita rin tayo ulit" dagdag pa ni James

"Kayo talaga, sige basta pag nakatapos tayo ha, walang kalimutan." malungkot na wika ni Mark

Sa labing limang taon mula noong namatay ang magulang ni Tonio, Ang dalawa na ang naging karamay niya sa buhay. Pa biro man siyang namamaalam, labis ang kirot na kanyang nararamdaman. Higit pang pamilya ang turing niya sa mga Ito.

"Tonio! Anong oras ka nanaman na uwi?! Bilisan mo't parating na ang tiyo Lando mo! Wala pang pagkain sa lamesa!" Bulyaw ni Ondeng

Si Ondeng at Lando ang tumayong magulang simula noong na ulila siya, ni minsan ay hindi siya naituring na pamilya. Buhos ang atensyon ng kaniyang tiya at tiyo sa kanilang anak nasi Seven..

"Ano pa tinutunganga mo Tonio?! Kilos na! Di kita kinupkop para lang sa wala. Ano ba naman kasi yang si Julio at ang agang namatay, nag iwan pa nang palamunin!" Galit na wika ni Ondeng

"Mula ho nang namatay si papa di man lang ho ninyo naigalang..." mahinang sagot ni Tonio

"Abay sumasagot ka pa ha!!"

"Ano to? Away nanaman? Hnd manlang ako napahinga ninyo!" - ika pa ni Lando na kakarating galing trabaho.

"Ito kasing pamangkin ko, natutong mag sasagot! Eh walang utang na loob!" Sabay duro ni Ondeng kay Tonio

"Sus hayaan mo na, oh eto pera, naka kontrata ako. May bagong project kami ni Engr." Sabay abot ang makapal na sobre kay Ondeng

"Ayan naman pala eh, I love you mahal... Look seven mabibili na natin favorite bike mo" mahinahong wika ni Ondeng

"Yehey! Thank you mama" bakas ang galak ni Seven, na kalauna'y itatambak lang muli ang mga bagong laruan at gamit na pinamili

"Oh sya sya! Maghapunan na" singit ni Lando

"Tapos na ho akong magluto, kumain na kayo't magpakabusog"

"Oh Tonio, i impake mo yung mga gamit mo bago ka kumain, at bukas na bukas lalargo ka na sa Antique. Kakatawag lang nila Mama. Maaga ka daw pumunta don nang may makatulong sila sa pagsaka."

"Pero Tiya, graduation ceremony na namin sa darating na lunes! Hindi man lang ako nakapamaalam ng maayos sa tropa ko" maiyak iyak na sagot ni Tonio

"Nako nako, kinausap ko na teacher mo! Ok na hala mag impake ka na!" At nagpatuloy sa pagkain sila habang pumasok si Tonio sa kanyang kwarto.

Habang isa-isang tinitiklop nito ang mga damit sa loob ng mga karton at bag, mahihinang hikbi ang lumalabas sa kaniyang labi. Awang awa siya sa sarili niya habang pinagmamasdan ang perpektong pamilya ng kanyang tiyahin. Pinipigilan niyang hindi siya madinig sapagkat tanging manipis na kahoy lamang ang namamagitan sa kanyang kwarto at kusina. Nais niyang sumigaw, sumuntok ng malakas sa pader, mag wala at kalimutan ang mga nangyari. Gusto niyang madama ang yakap ng ina at marinig ang mga payo ng isang ama. Unti unti'y natapos niyang isilad ang mga damit. Sa pag sara ng kanyang mga mata, ay bagong pag-asang nawa'y matapos na ang mga sigalot sa kanyang buhay.

"Hoy Tonio!! Gising na, ano pa iniintay mo ha? Ba byahe kapa!" Kalabog ni Ondeng sa kwarto ni Tonio.

Walang pag aatubiling nag bihis si Tonio at inihanda ang sarili

"Alis na ho ako. Salamat ho" paalam ni Tonio sa kanyang Tiya at Tiyo

"Ayusin mo lang buhay mo dun Tonio" wika ni Lando

"Sige na layas na, sakto lang yang pamasahe mo. Wag kang dumaan at bumili ng kung ano ano! Malaki kana alam mo na yung lugar, wag kalang maging rebelde dun ha!"

"Oho tiya"

Buntong hininga niyang nilisan ang kinalakhang bahay. Buong tapang niyang sisimulan ang panibagong buhay. Makalipas ang walong oras na byahe pa Antique, Narating na ni Tonio ang liblib na barrio sa Antique. Saktong pagabi na nang siya ay dumating. Busilak na ngiti ang sinalubong ng kanyang Lolo't Lola.

"Kamusta ang byahe iho? Bat mukang namumutla ka." Nag aalalang tanong ng kanyang lola

"Ok lang po. Medyo matagal lang ang byahe" matamlay na sagot ng binata.

"Ka laki mo na iho! Tagal narin mula nuong nauwi ka" bungad ng kanyang lolo

Pa ngiti ngiti nalamang ang binata dahil sa napansing kakaibang pakiramdam sa paligid. Tila lahat ng tao'y nakatutok sa kanila. Bakas ang takot na may halong galit. Gayunpaman, nagtungo na sila sa bahay ng matanda. May kalumaan ang bahay ngunit nasa maayos namang kondisyon. Dito, inihanda na ng kanyang lola ang hapunan. Umupo na ang tatlo at nag salo salo sa espesyal na bulalo ng kanyang lola. Sa pag higop ni Tonio, lasang lasa ang niya ang linamnam ng sabaw nito. Maging ang karne'y napaka lambot. Doon pa lamang niya natikman ang ganoong kasarap na luto.

"Mag enroll kana iho sa susunod myerkules at bukas naman na ang malapit na pamantasan dito" nakangiting sabi ng kanyang Lolo

"Opo, bali kukuha po ako ng agriculture" sagot ni tonio

"Tama na muna yang usapang kolehiyo, oh kumain ka pa iho at ang payat payat mo" nag aalalang wika ng kanyang Lola.

Labis ang tuwa ni Tonio dahil ngayon lamang siya nakaranas nang pagsilbihan at napalibutan ng mga taong nag aalala sa kanya.

Matapos ang hapunan ay inihatid na siya sa kaniyang kwarto at sinimulang ayusin ang gamit. Nag desisyon naring mag pahinga ng mga matanda dahil gabi na. Habang nag aayos si Tonio ng kanyang gamit, may napansin siyang bag na may mga lamang kung ano. Nang buksan niya ito, tumambad sa kanya ang mga kandilang kulay pula, puti, at itim. Kinilabutan si Tonio sa kanyang nakita. Ang ibang kandila'y korteng mga daliri. Dali dali niyang isinara ang bag at ibinalik sa pinaglagyan.

Matapos mag ayos ng gamit ay namahinga na ang binata. Naalala niya ang nalalapit nilang pagtatapos. Isa iyon sa mga pangarap niya ngunit napagtanto niyang balewala rin dahil wala na siyang mga magulang. Hindi napansin ni Tonio na naka idlip na siya sa kaka isip.

Sa pagkagat ng kalagitnaan ng gabi, tangging mga kuliglig lamang ang maririnig sa paligid. Ngunit maya maya pa ay naalimpungatan si Tonio sa kaluskos na narinig galing sa labas na nakabukas na bintana. Pinakiramdaman lamang niya ito. Pa unti unti ang hakbang ng kaluskos. Dahan dahan ang pag bagsak ng mga yabag nito sa mga tuyong dahon sa labas. Pinakinggan pa niya ito hanggang huminto ang kaluskos. Maya-maya pa may narinig siyang tining ng lalaki na tila'y bumubulong...

"Alis......."

"Umalis ka......"

"Lumayas ka......."

" Di sila tao......."

Iyon ang mga katagang narinig ni Tonio. Hindi niya maibuka ang na ikom na bibig dahil sa takot. Ang kanyang mga mata'y naka tutok lamang sa kisame habang dakot-dakot ang mga palad. Dahan dahan niyang ikinilos ang kanyang ulo. Ibinaling ang mga paningin sa bintana nang biglang naaninag niya ang imahe ng lalaki na nakatindig sa labas ng kanyang bintana. Nasindak si Tonio sa nakita at napapikit na lamang. Hindi niya naaninag ang imahe ng lalaki dahil sa dilim. Pinilit ni Tonio na libangin ang isip, Ilang saglit lamang sa kanyang pag dilat ay nawala na ang lalaki. Hindi nag tagal ay nakatulog si Tonio.

Sa pag mulat nalamang ng kanyang mga mata ay maliwanag na.

Kinaumagahan, naka ngiting bumungad ang kanyang mga Lolo at Lola sa hapagkainan. Muli na namang inihanda ng kanyang lola ang natirang ulam kagabi. Ngayon ay naaninag na ni Tonio ang karneng may malalaking hiwa. Pinagsaluhan nila iyong muli.

Matapos ang umagahan ay dinala siya sa kanilang bukirin na di kalayuan sa bahay. Nagtataka si Tonio dahil ang mga tingin sa kanila ng mga tao ay ganun na lamang. Nanlilisik at tilay may kakaibang balak ang mga ito. Sa labis na pagka bahala nag lakas loob na niyang tinanong ang Lolo't Lola.

" La, lo... bakit po iba sila makatingin sa atin?”

"Apo, hayaan mo na yan sila" maikling sagot ng kanyang Lolo.

Napansin ni Tonio na parang nabahala ang mga matanda.

Natapos ang buong mag hapon at pagod na pagod si Tonio sa pag bubungkal sa bukirin. Nang makarating ulit sa bahay pinag pahinga na siya. Habang naka upo ay medyo naririnig niya ang usapan ng mga matanda. Hindi niya masyadong maintindihan ngunit halata sa boses ng mga ito na tila'y takot na takot.

Maya-maya pa ay nabalot na ng katahimikan ang palibot. Sumagi ulit sa kanyang isipan ang nangyari pagka gabi. Ngayon, siniguro niyang naka sara ang mga bintana. Ngunit sa di inaasahang pangyayari, may biglang kumalabog sa kanilang pintuan!

"Mga kampon ni Satanas! Mag silabas kayo!" Pamilyar ang tinig na iyon ng lalaki kay Tonio.

"Mamatay na kayong mga aswang!" Sigaw naman ng isang babae.

Dali daling lumabas si Tonio sa kwarto at nakita at sinalubong siya ng mga matanda. Dinala siya sa pintuan sa likod at pina tatakas ng mga ito.

"Apo, dapat mabuhay ka. Ipangako mo samin ha. " Umiiyak na wika ng kanyang Lola

"Bakit po? Ano po nangyayari?" Gulong gulo na tanong ni Tonio

"Basta tumakbo ka apo hanggat kaya mo! Dun ka dumaan sa talahiban! "

Walang pag aatubiling kumaripas ng takbo si Tonio dahil sa takot. Ang buong barrio ay naroon. Galit na galit. Sa hindi kalayuan nagtago si Tonio sa damuhan. Aninag pa niya ang bahay. Sa labas nito, nakita niyang guyod guyod ng mga tao ang mga matanda. Itinaas ng isang lalaki ang isang mataas na itak, buong lakas nitong itinaga sa leeg ng kaniyang lolo. Umalingawngaw ang hiyaw ng kanyang lola. Nag mamakaawa. Napatakip nalamang ng bibig si Tonio. Lalo pa ng ang kanyang lola naman ang sumunod na pinagtataga sa katawan bago tuluyang maputulan ng hininga.

Hindi niya nakayanan kaya't tumakbo sya kagaya ng sinabi ng kanyang lolo.. Nagpabalik balik sa kanyang isipan ang mga pangyayari. "Hindi sila aswang, hindi sila halimaw! Ang mga tao ang halimaw!!!!" mga katagang nag pabalikbalik sa isipan ni Tonio.

Galit, at puot ang bumalot kay Tonio hanggang makarating siya sa malaking tulay. Duon na upo nalamang siya at napansing may papel na nakaipit sa kanyang bulsa. Sa kanyang pagbukas, ito ang mga salitang bumungad kay Tonio.

"Tonio, kami'y tunay na hindi ordenaryong tao. Pero matagal na naming itinigil ang masamang gawain Tonio, hindi na namin nagawang pumatay iho. Batid namin ang kahalagahan ng buhay. Tiniis namin ang gutom sa laman. Hindi ka namin gustong madamay kaya't kay Tiya Ondeng ka namin ipina ubaya. Sana maintidihan mo apo. Nawa'y lumaki ka ng maayos iho.

Nagmamahal, Lola't Lolo".........


Sponsors of MarCosis
empty
empty
empty

I would like to extend my gratitude to my sponsors here. Thank you so much Pips! Your trust added confidence in my write-ups and blogging. Please stay with me until I'll be like you and surely I will give back the favor for aspiring writers like me, soon. I'm excited to sponsor many writers here and your help and encouragement help me to boost the willingness to share and inspire. God bless you everyone! "May the Odds Always Be in Your Favor"


BLOG #19
MONTH: MARCH 2022
PHOTO THUMBNAIL CREDIT TO: UNSPLASH
IMAGES USED CREDIT TO: CANVA OWN EDIT

CHECK MY PREVIOUS ARTICLES:

THE FIRST STEP IN FINDING PEACE IS LOOK ING FOR PLACE:
https://read.cash/@MarCosis/the-first-step-in-finding-peace-is-looking-for-place-671640ed

MY FEB-ACCOMPLISHMENT: CELEBRATING SMALL WINS:
https://read.cash/@MarCosis/my-feb-accomplishment-celebrating-small-wins-63920df2

ANGELS HEIRARCHY:
https://read.cash/@MarCosis/angels-hierarchy-c14fa





ᜄᜓ᜔

-MarCosis-

6
$ 0.53
$ 0.52 from @TheRandomRewarder
$ 0.01 from @MoonTrader
Sponsors of MarCosis
empty
empty
empty
Avatar for MarCosis
2 years ago
Topics: Fantasy, Horror, Story

Comments

Seems interesting with the review I read...but I couldn't read further because I can't read in Philippines

$ 0.00
2 years ago

Oh my I'm sorry for that, maybe I can publish an English version of this story soon. Btw, thank you for passing by, reading my stuff, hehehe. Highly appreciated. Stay safe always friend.

$ 0.00
2 years ago

Ang galing naman ng kwento Marcos. Sobrang mahal siya ng lolo't lola niya, ginawa nila lahat para hindi madamay si Tonio. Nakakalungkot naman ang nangyari ng lolo't lola niya. Iba ka talaga gumawa ng kwento Marcos.

$ 0.00
2 years ago

Salamat friend, apaka supportive naman kala ko alang mag babasa kasi masyadong mataas ❤

$ 0.00
2 years ago

You're welcome friend. Ang ganda kaya my friend.

$ 0.00
2 years ago