KwK: Kaligayahang walang Katulad

4 25
Avatar for MJulius
4 years ago
Topics: Life, 2020, Health, Blog

Mula sa Pixabay

Ang mga mata ay nakatingin sa malayo.

Nakatitig lang sa kung saan mang direksyon nakatitig ang kaniyang mga mata. Para bang may tinitignan. Ngunit hindi mawari kung may pinagdadaanan o kaya naman ay sadyang pinagmamasdan lang ang paligid.

Hindi naman namumugto ang mga mata, wala ring bakas ng pagluha. Ngunit kung pagmamasdang maigi, may iniisip na malalim, ang mga mata ay parang kumikislap-kislap din at ang mga labi ay nakangiti.

Sa puntong ito, tila ba siya ay napapaisip na lamang kung ano ba talaga ang layunin niya sa mundong ito. Ngunit isa lang ang aking masasabi, anuman ang rason, kailangang siya ay manatiling matatag at punong-puno ng determinasyon sa kabila man ng paghihirap na kaniyang nararanasan sa ngayon.

Kung siya ay inyong pagmamasdang mabuti, inyong mawawari na sa likod ng kaniyang mga ngiti ay tila ba may malalim na iniisip, iniisip ang isang problema na tinataglay niya pa mula sa kaniyang pagkabata, ngunit hanggang ngayon ay patuloy pa ring nagdadasal na sana isang araw ay mawala na ang sakit na ito. Batid kong hindi ito ordinaryong problema sapagkat naniniwala ako na ang problemang ito ay ipinagkaloob lamang ng Panginoon sa mga taong kagaya niya na may matatag na kalooban.

Isa siya sa mga taong may sakit sa puso na kung tawagin ay Rheumatic Heart disease. Ngunit kailanman ay hindi niya ito nakita bilang pabigat sa kaniyang buhay. Ginagawa niya itong isang inpirasyon at motibasyon sa kaniyang pag-aaral. Naniniwala siya na may punto rin sa kaniyang buhay na permanenteng matitigil lahat ng pasakit na kaniyang nararanasan.

Sa panahong iyon matatamasa niya ang lubos na kasiyahan na kaniyang pinaka inaasam-asam.

Sa kabila rin nito, nagagawa niyang makatanggap ng karangalan sa paaralan. Sa katunayan nga ay nagtapos siya sa Junior High School bilang May Mataas na Karangalan at isa itong patunay na ang karamdaman ay hindi kailanman magiging hadlang sa anumang gustong makamit sa buhay.

Siya ay magsisilbing inspirasyon sa lahat ng taong kagaya niya na may sakit. Isa lang ang ma-ipapayo niya sa lahat ng mga halos nawawalan na ng pag-asa, huwag na huwag ninyong isipin na pabigat lang kayo sa buhay dahil sa karamdamang taglay niyo, bagkus gawin niyo ito bilang isang inspirasyon upang matamasa ninyo lahat ng pinapangarap ninyo.

Ilan mang pagsubok ang dumating at humamon sa atin, mananatili at mananatili tayong nakatayo at parang mga talang patuloy na nagniningning.

Patutunayan niya na sa kabila ng sakit niya, ang mga pangarap niya maging ang kaginhawaan ay unti unti niyang makakaintan.

Sa puntong ito, mula sa malayo, siya ay muling titingin. Ang mga mata niya ay susulyap-sulyap rin habang ang kaniyang mga labi ay ngingiti. Mag-iisip ng malalim tapos sasabihing "taglay ko na ang walang katulad na kaligayahan."


Sponsors of MJulius
empty
empty
empty

Isang patunay na kahit anumang pasakit ang siyang dumating, ang buhay ay hindi kailanman tinakda na puno ng hirap. Ang mga tala ay patuloy na magniningning, at tayong Pilipino ay patuloy paring ngingiti at babangon.

Sabi nga sa isang kanta mula sa dating palabas sa telebisyon:

Merong Baha tuwing may bagyo
Apaw rin ang walang trabaho

Pero iba ang Pinoy, kapag nahihirapan
Kahit isipin man nila tayo'y nasisiraan

Minsa'y nagulat ka hasel ay nalimutan
Nakuha mo pa rin kasi'ng...

Tumawa,kahit na may problema
Sapagkat nasa puso ng bawat Pinoy
Ang Tunay na Saya

Nakuha pa ring tumawa kahit na may problema
Dahil ako, ikaw, sila, lahat tayo ay taglay Ang Puso Ng Saya.


Maraming salamat sa pagbabasa!

1
$ 0.00
Sponsors of MJulius
empty
empty
empty
Avatar for MJulius
4 years ago
Topics: Life, 2020, Health, Blog

Comments

Kay galing naman! Namumukodtangi at talagang napakaganda ng iyong isinulat. Ipagmaliki ang Wikang Filipino,ipagmalaki ang sariling atin.

Sana ay marami pa akong mababasa na ibang artikulo na nakasulat sa sarili nating wika.

$ 0.00
4 years ago

Maraming salamat po. Makaka-asa ka pong marami pa akong susulatin.

$ 0.00
4 years ago

Poetry galing nmn sariling gawa nio yan sir?

$ 0.00
4 years ago

Opo, sariling akda po. Pero 'yung kanta ay mula sa Sunday Pinasaya. Ang Puso ng Saya ang title po ng kanta.

$ 0.00
4 years ago