Sa mga Hindi nakakaranas Ng mga depression minsan Hindi nila naiintindihan ang nararanasan Ng karamihan katulad Ng nararanasan ko ngayun. Iniisip Ng iba nag iinarte lamang Kami sa aming nararanasan ,Hindi nila alam na napakahirap Ng aming kalagayan ,Yung tipong para kanang nababaliw ngunit pilit mung nilalabanan,yung nasa Punto Ka na Ng makapanakit Ng iba sa pamamagitan Ng masasakit na salita,mabilis magalit,kunting kibot Lang Ng anak minsan ang bilis ko nalang mainis. Dumating sa puntong napagbuhatan ko Ng kamay ang aking anak sa Mura pa nyang edad na Isang taon ay napagbuhatan ko na sya Ng kamay.Masakit sa aking kalooban Kaya umiyak ako Ng umiyak ng nakatulog ang aking anak .Tanong ko sa aking sarili ...bakit ko iyon nagawa sa aking anak?.
Maswerte kayong my mga magulang na may masasandalan sa inyong buhay may asawa't anak dahil kahit papaano Hindi kayo masyado nahihirapan at mapilitang gawin ang lahat Ng sabay sabay.
Dito ko ibabahagi sa inyo ang aking kwento dahil Hindi Lang Isang Beses ako nakaranas Ng post Partum.
Taong 2015 Kami ay nag umpisang magsama Ng aking asawa ngayun. Kami ay nabiyayaan Ng Isang magandang blessings sa buhay mag asawa. Ako ay super excited bilang maging Isang ina.
Ngunit sa buhay nating pilipino Hindi maiwasang walang ibang makikisalamuha sa ating buhay may asawa. Dumating ang kapatid ang aking asawa at sya ay buntis noong mga panahon na iyon. Pareho Kaming buntis,pareho din Kaming 3months pregnant that time. Dahil sa wala naman akung alam sa mga pamahiin Ng mga matatanda, pumayag ako na sa Amin titira ang kanyang kapatid na babae na kasalukuyang buntis tulad ko. Hanggang sa lumabas ako Ng bahay at timing in sa akin ang magandang babae at biglang sinabe sa akin ...
"IHA MAY KASAMA KABANG BUNTIS NA TULAD MO SA ISANG PINTONG DAANAN?"
Ako'y gulat na gulat sa kanyang tanung,at Hindi ako umimik at ngumiti lamang,ngunit bigla akong sinabihan ulit Ng matanda na Hindi ko naman kilala.
"IHA MAKINIG KA, MAGHIWALAY KAYO NG KAPAWA MO BUNTIS"
Simula Ng sinabe Yun sakin Ng matanda ,napaisep ako at natakot ngunit makalipas ang ilang araw nalaman Ng aming mga kapitbahay na may kasama akung buntis sa iisang bahay. Binigyan nila ako Ng payo bilang paalala.Dahil marami sa kanila ang naniniwala sa pamahiin. Sinabe ko sa asawa ko Yun.
Simula nung pangyayare na iyon Hindi ko pinansin.dahil sa aming dalawa Ng hipag ko... ako Yung malakas,ako Yung Kain Ng Kain, ako Yung Hindi suka Ng suka...ngunit Yung hipag ko ay kabaliktaran sa aking kalagayan. Sya ay Hindi masyado kumakain at suka Lang sya Ng suka...
Ngunit dumating ang panahon na ako ay dinugo.Yes nakuhanan ako at Yung hipag ko lumakas sya noong nalaglag ang dinadala ko...
Sinisi ko ang asawa ko at ang hipag ko.
Doon nagsimula ang aking parang mababaliw na ako sa pangyayare Hindi ko matanggap ang nangyare sa aking dinadala.Hindi na ako kumakain,iyak Lang ako Ng iyak. Hindi ako makatulog lagi Lang akong gising at dumating sa Punto na dinala nila ako sa hospital..
Nagkasakit daw ako Sabi Ng doctor dahil sa full percentage Ng post Partum Depression..halos dalawang buwan akong Hindi makausap Ng maayus .lagi Lang akung tulala pero ok naman ako...ayaw ko Lang makipag usap dahil sinisi ko asawa at hipag ko..
Grabe post Partum ko sa una kung pagbubuntis. After so many years nabiyayaan ulit ako Ng Isang magandang blessings sa taong 2018 at dito nagsimula akung nabuhayan Ng pagmamahal Ng subra sa aking asawa. Dahil simula noong nakunan ako at dalawang buwan mahigit na Hindi makausap Ng maayus. Inilaan ko buong buhay ko sa trabaho ....madaling nalang ako umuuwe sa aming bahay dahil nag stay in ako sa aking trabaho para makalimutan ang mga pangyayare sa bahay nayun.
Taong 2018 nag simula akung gumawa Ng sarili Kung prayers for my soon to be child .
Dahil sa mga nangyare araw araw ko itong binabasa gabigabi bago matulog.
Hanggang ngayun ay Hindi ko Ito itinatapun...tinatago ko Ito sa about Ng aking makakaya....dahil Ito ang aking Sandalan noong ako ay natatakot na mawalan ulit Ng anak.
At ngayun ako ay lumalaban paden sa post Partum Depression dahil Hindi madali mag alaga Ng bata mag isa...bilang Isang ina lumalaban ako sa depression na Ito dahil papaano ang aking anak Kung ako'y binigay nalamang sa Isang sakit na Ito...
Sa pamamagitan Ng pananalig ko sa dios at patuloy na tumawag sa kanya para Hindi ako tuluyang kainin Ng Isang sakit Ng depression ... nagpapasalamat ako dahil Hindi na katulad Ng unang depression kong naranasan.
Meet my baby alliyah ...my miracle baby according to my obgyne...dahil 50/50 ko syang iniluwal dahil wala na akung panubigan that time...and thankful to God ibinigay nya sa akin ang batang Ito..
Hanggang dito na lamang ang aking kwento.Maraming salamat sa iyong pagsubaybay sa aking kwentong buhay nanay ...
Maranasan ko na din Ang matinding depresyom sis umabot pa ko sa.point na gusto ko na mawala sa mundo.halos 3 mo's akong mahigit hndi lumabas Ng bahay Hanggang mahighblood Ako .