To my non-filipino readers please bear with me, I just feel like writing this in my language. So, please click the globe icon on top.
Matagal ko ng gustong magsulat sa wikang Filipino simula nung unang araw pa lang ng Agosto, dahil ipinagdiriwang dito sa Pilipinas ang Buwan ng Wika, kaya kahit na mahirap ay sisikapin kung maka pagsulat ng kahit isang artikulo sa wika ng aking lupang sinilangan.
Kaninang tanghali habang nanonood ng telebisyon, aking napagtanto na ang paksa na ito ay mas maganda kung maisalin ko ng detalyado sa wikang Filipino. Kaya hayaan niyo na ako ngayon sa artikulo na ito.
Ito ang isa sa mga tanong na tumatak sa isipan ko habang pinanood ko ang bahagi ng palarong “Madlang Pi Poll” sa “It’s Showtime” kanina. Kung tutuusin, marami naman talagang tamang sagot para sa katanungan na ito. Pwedeng may iba ng mahal yung isa, o di kaya nagtaksil, hindi na magkaintindihan, nawalan na ng tiwala, o hindi kaya kakulangan sa sikolohikal na pangangailangan bilang mag-asawa - malimit ito palagi ang kadahilanan ng hiwalayan.
Pero paano pag ito lang dalawa ang pagpipilian? Saan ka dito sa isa?
May iba na sya? O, May iba ka na?
Sa dalawang nabanggit na pagpipilian, alam kung mahirap itong sagutin lalo na pag ikaw ay may kinakasama, at mas lalo na pag ito ay natanong sayo sa isang programa sa telebisyon. Ito ay tinanong kay Karyll at hindi niya ito masagot ng maayos, marahil sa dahilan na yung asawa niya ay nasa harapan niya! Kahit naman siguro sino ay magdadalawang isip sumagot sa kanyang sitwasyon. Ang isa naman na napagtanungan ng tagapagsalita ay isang tripulante sa programa, at ito ay naluha habang sinagot niya ang tanong, mukhang may pinagdadaanan siguro ito sa kanyang ka relasyon na akma sa pinaghuhugutan na katanungan.
Nais ko itong ibahagi sa mga magigiting ko na mga kaibigan sa plataporma na ito. May asawa ka man o may jowa, kung ikaw ay pipili ng isang rason, ano ang pipiliin mo?
Kung ako ang tatanungin, iiwanan ko lang ang kapareha ko pag “May iba na sya.”
Sa mga nakaraan kung napagdaanan na relasyon, masasabi kung tapat ako sa kanya at pinanindigan ko ang salitang mahal ko siya, subalit ang lahat ng ito ang may hangganan din. Kapag siya ay nagloko at nalaman ko na may iba na siyang gusto, hindi ko naman ipipilit ang sarili ko.
Minsan kahit matindi ang pagmamahal mo sa isang tao, ngunit pinagtaksilan ka naman ng pa ulit-ulit at tila wala namang bahid na pagsisisi pag kinompronta mo siya, ano pa ang magiging rason mo para manatili sa relasyon na yan, diba? Kailangan din natin respetuhin ang sarili natin, umiwas at baka maubos ka na lang bigla. Huli mo na lang mapansin na hindi mo na pala kilala sarili mo dahil hindi mo na pinahahalagahan ang nararamdaman at ang importansya mo.
May mga tao din kasi na iginigiit nila na hindi nila mahal yung iba, pero nakikipagrelasyon pa rin kahit may mahal na sila? Yung iba naman ay ginagamit ang sitwasyon na malayo sila sa isa't-isa kaya meron pangalawa? Matatanggap mo ba ang mga rason na ito para mabigyan ng katwiran ang kanilang pangangaliwa?
Mahirap siguro sagutin ang mga ito lalo na pag may mga anak na kayo at mahaba haba na rin ang panahon na pinagsamahan. Paano mo ba ito solusyonan? Alam ko na mahirap umiwan sa relasyon na ganito ka tatag, pero alalahanin mo rin kung hanggang kelan mo sya tatanggapin kung sakaling nauulit ang pangangaliwa ng ka-relasyon mo.
"Second Chances" nakakamangha at mainam, pero sana hanggang diyan lang. Pag isipan mo na kung kelangan mo pa magbigay ng pangatlo, pang-apat, panglimang pagkakataon sa mga pagkakamali ng kapareha mo.
Tama na. "Enough is enough."
At dahil ang tanong na yan ay pinagbobotohan ng mga nanonood ng programang "It's Showtime," ang sagot ng karamihan ay "May Iba na Sya," mukhang likas na tapat yata ang mga taong sumali sa pagboto.
Anyway, ang taray naman pala pag ipahayag natin ito sa wikang Filipino, kaso mahirap, haha! Nka elan beses din ako gumamit ng translator.
Photos from Pixabay (no attribution required)
Title from "It's Showtime"
Content is MINE.
Plagiarism Checked via https://smallseotools.com/plagiarism-checker/
95% Unique, 5% from the Title
Ang challenging magsulat sa wikang Filipino ano? Nung gumawa din ako noon as in nahirapan ako. Hehe.
Napanood ko yan sa Madlang PiPoll. 😁 at sumali pa kami diyan. Hehe. Nahirapan din kami sagutin yan. Pero wala akong sagot na gusto sa dalawa. Kasi kung may iba na siyq parang may kulang sa akin or nagsawa na siya kaya meron na siyang iba. Ayoko naman ng meron akong iba kasi ibig sabihin hindi ko ganun kamahal yung asawa ko.