Ano Ba Dapat Ang Itsura ng Isang Kaaya-ayang Sanaysay?
Okay ganito... Sapagkat bukas ay Buwan ng Wika na po, ituturo ko sa inyo ang ipinagbabawal na teknik para tumaas naman ang antas ng pagsusulat ng karamihan ano po. 😁 Oho magta-Tagalog tayo ngayon kasi pwede naman dito sa read.cash ang sariling wika. Wag na magpakahirap sa Ingles kung di naman kaya. If gusto matuto talaga pwede rin maghanap ng *writing mentor* na papayag turuan ka para mas madali. Pero mas maganda kung matuto tayong mag-*observe* sa mga *articles* ng iba para malaman natin saan tayo nagkukulang. *(Tip for international readers: To translate this article, manually copy paste entire article to the translator because Google Translate can't translate when using the website link.)* ♦ Ano ang Sanaysay? https://read.cash/@LucyStephanie/wow-i-heard-the-oldest-bamboo-organ-in-the-world-86dacd0e#the-las-pinas-bamboo-organ Essay yan mga bes. Yung ginagawa natin dito sa read cash panay essay yan huy. Article writing tinuro naman po yan sa elementary at high school, English language. Diyan ko natutunan paano sumulat ng sanaysay. Naging paborito ko pa nga eh, na-*enjoy* ko yung pag-aayos ng mga kaisipan para masarap basahin ang sinulat at madali maintindihan. *Review*hin po natin, ano ba dapat ang itsura ng mga sinusulat natin para mukhang maganda at maayos? Para naman magmukha tayong *professional writers* di ba?
Gagawa ako ng sanaysay sa loob ng sanaysay ha. Halimbawa: * * * Titulo - Tungkol Saan Ba ang Sinusulat Mo? *(Introduction)* Kaya tayo nagsusulat dahil kailangan o gusto lang natin. Siyempre ipaliwanag natin ano ba talaga, ano ang gusto nating sabihin sa babasa ng sinulat natin. Gawan mo ng paunang salita gaya nito bago ka dumiretso sa sasabihin mo. Kasi kung hinde, magugulat yung babasa biglang may sinasabi agad di pa siya nahimasmasan sa titulo. Unang-una maliban sa laman ng isusulat mo dapat pati yung laki ng mga letra ibahin mo rin. Gamitin ang H1 or (*Header 1*) sa pinakabuod na pangungusap gaya ng makikita nyo sa I. sa baba. Tapos sa ilalim nito, gamit kayo ng *Header* 2 (H2). Ang *shortcut* is mag-*type* kayo ng simbolo na # tapos lagyan ng puwang atsaka mga letra para maging H1. Dalawang ## naman para sa H2. Ang H2 ay para sa laman o ilalim ng nasa H1. Subukan nyo para makita nyo na malaki ang mga letra gaya sa baba. I. Punong paksa 1 - Ano ba ang isa sa pinaka-puntong gusto mong sabihin? *Sample* lang 'to ha kasi dapat ang isang *article* iisa ang pinakapaksa o laman ng pinag-uusapan. Kung hindi man iisa, dapat magkakarugtong at may relasyon sa isa't-isa. Ang paksa ng sanaysay ko na'to ay paano sumulat ng tama. Yun lang naman eh. Para pag binisita at binasa ng ibang tao, matuwa at magustuhan ang sinulat mo. O di kaya baka i-*share* pa nila sa ibang *social media accounts* nila lalo na kung maganda o nakakaaliw yung kung anumang sinasabi mo. Wag mo kalimutan lagyan ng larawan siyempre. Mas maaliwalas sa pakiramdam pag may mga nakikita tayong hindi puro salita di ba? Pahinga din ng mata pag may *time*.
II. Punong paksa 2 - Ano pa yung susunod na pinaka-punto ng sinusulat mo? May sasabihin ka pa, at may mga gusto ka pa ipaliwanag kaya meron pa nito. Kailangan lang sulat ng sulat para mahasa at magsawa. 😂 Kahit anong wika pa yan ganitong *format* dapat solb ka na. O lagyan mo ulit ng kahit anong larawan mamaya. Tapos wag puro isang buong talata (*paragraph*). Hatiin mo rin depende sa ano'ng sinasabi mo. Kasi pag tuluy-tuloy 'yang sinasabi mo kahit ibang *topic* na dapat pero iisang talata pa rin naku ano na bes ang haba-haba na ng nasulat mo. Halu-halo na naman ang labas. Gaya nito, dapat itong pangungusap na'to nakahiwalay na sa next *paragraph* kasi tapos na yung sinasabi kong *thought* sa taas. Eto kasi iba na dahil *about* paghihiwalay na ng *paragraph*/*idea* ito hindi na about bakit dapat hatiin ang mga *paragraph*. *Gets* ba? Hehe. Kita nyo ang kapal na ng *paragraph* o paano ba yan. Ambigat na sa mata di ba?
A. Tungkol sa punong paksa 2a - Parang mini-titles itong mga ito na nagsasabi o nagdadagdag kung tungkol saan o ano ba ang sinasabi mo. Kasi siyempre minsan merong mga pangyayari na maraming parte-parte talaga yung gusto mo isulat. Wag mo rambulin yung kwento kasi mabubwisit yung magbabasa. Kelangan nyan sunud-sunod para di masakit sa ulo ng babasa. Tapos pwede mong lagyan ng *video* naman dito para maiba naman. Wag puro larawan palagi kasi kung masyadong marami e 'di rin maganda yun. https://youtu.be/Df0ImH1atmE B. Tungkol sa punong paksa 2b - O ano pa yung gusto kong sabihin about pagsusulat na punto ko. Sorry na lang Taglish yung *video* sa taas pero 'yang ganyan tinuturo nga sa *schools* so *review* lang po ito kung paano ba magsulat ng maayos na *essay* na marami ang matutuwa. Gaya nga ng sabi ni *prof* sa *video*, wag tayo mangopya ng sinulat ng iba na hindi naman tayo mismo ang gumawa o nagsabi. **Yan yung nagiging problema ng iba sa atin**, sinabi ng iba yung pangungusap na nakasulat pero inangkin mo na parang ikaw mismo nagsabi. Parte rin yan ng *plagiarism* o pangunguha ng mga sinulat/sinabi ng iba tapos akala ng mga babasa ikaw mismo nakaisip o nagsabi. Basahin mo'tong *article* ko tungkol sa mangroves. Dami nyang mga *link*. *Actually* if *research paper* yan dapat may *superscripts* na kagaya sa *Wikipedia* tapos nasa dulo ang *sources*. Kaso di ko na inaral if pwede ba magawa dito sa *read.cash*, so ayun. https://read.cash/@LucyStephanie/the-secret-global-problem-most-people-dont-know-about-55fc0d3b
https://twitter.com/MangingisdaSays/status/1390546969827811331 Kung hindi ka *expert* sa kung anumang napili mong paksa, e di mag-*online* *research*! Basta dapat naka-*link* kung saan ba galing yung impormasyong nalaman mo. Wag kang magsulat ng sinabi ng iba na parang alam mo talaga pero 'di naman ikaw mismo ang nakakaalam kundi yung ibang taong sumulat ng nabasa mo. Yan yung tinatawag nilang *plagiarism*. O paulit-ulit na ba ako? Haha. Parang larawan lang din yan, always *give credit to the owner unless* sinabing libre kopyahin gaya sa Pixabay or Unsplash. C. Tungkol sa punong paksa 2c - Last na'to, lagyan mo rin ng mga puwang at nakahubad o nakahigang mga letra. 😆 Natawa ka ba bes? **Bold** tsaka *Italic* eh. Wala pa ngang may **underline**. Haha anu bah, yoko mag-*search* ano Filipino nyan 'kaw na muna maghanap. 😂 Ehem, sabi ko nga, lagyan mo rin ng tamang espasyo. Kita mo yung ginawa ko sa letrang A at letrang B sa taas. Una may mga *space* sa gitna ng mga *mini-titles*; eto wala. Halos dikit o di ba? Di masyadong okay pero mapagti-tiyagaan kaso mas maganda yung hindi magkadikit. Tapos para 'di boring basahin lagyan mo nga ng nakahubo at nakahigang mga letra. 🤣 **Wag** ***lang*** **parang** **jejemon** na *kada* **pangalawang** **word** or *sentence* may *halu-halong* **naka-hubo** o *****naka*******-higa,** ****atbp******.** Anu na bes, parang Christmas tree ang labas nyan. 😂
Ako ang gamit ko sa *bold* ay pang-diin sa gusto kong sabihin. **Di ka naman galit pero ito talaga yung gusto mong sabihin eh.** Yung dapat pansinin talaga at intindihin ng ibang tao. *Kung di naman masyadong importante sinasabi mo, like medyo-medyo lang, pwedeng italic na lang.* O kaya kung ibang wika ang isang salita na ginamit mo pwede mo gawing *italicized* para alam agad na ibang salita yun. Ganern lang. III. Punong paksa 3 o Panghuling Salita kung nais nang tapusin ang sanaysay Pwede pa pahabain hanggang more than III kung kaya n'yo naman. Kung gusto n'yo na tapusin agad yung sinusulat e pwede ring magsulat ng *conclusion* / buod / *call to action* or basta panghuling salita. *That's it!* Ganun lang gagawin nyo *and then* tapos na ang sanaysay! (Wag kalimutang i-*edit* at i-*check* ang *grammar* kung tama, pati *spelling* na rin. Hehe.) * * * ♦ Tataas ba Upvote sa Inyo Pag Aayusin ang Itsura ng mga Sanaysay? https://read.cash/@LucyStephanie/wow-i-heard-the-oldest-bamboo-organ-in-the-world-86dacd0e#the-las-pinas-bamboo-organ E kung *upvote* dito sa *read.cash* ang habol nyo, (gaya ko rin siyempre) may tsansa naman na mas marami ang maging boto at lalo mapapansin din kayo ng ibang tao. Di ko naman din sigurado tungkol sa pagboto ng *upvoting bot* kasi hindi naman ako yung *random rewarder* haha. Pero kung ako at ibang tao yung makakabasa ng sinulat nyo at maayos ang pagkakasulat aba *wow*. Ia-*upvote* ko rin ng medyo mataas lalo na kung maganda rin naman yung *topic* nyo. *Actually, before or after* ng paksang isusulat nyo, pwede nyo pa nga lagyan ng *divider images*. Yan yung pangharang sa mga *paragraph* para may *design* eklavu. Haha. Like eto sa baba, gamit ko 'to dati sa ibang *writing site*. Pwede kayo gumawa ng sarili nyo kahit picture i-crop nyo lang pwede na yun. Ginagawa rin ng iba dito yun. *So anyway* sana nakatulong po itong aking isinulat para mas gumanda ang inyong mga *article* dito sa *read.cash*. Kung may tanong (*or violent reactions?*) kayo i-*comment* nyo na lang po. haha.
XOXO, @LucyStephanie * * * (Lead/header image from Pixabay) Previous articles: Wow, I Heard The Oldest Bamboo Organ in The World! https://read.cash/@LucyStephanie/wow-i-heard-the-oldest-bamboo-organ-in-the-world-e9538217 8 Never Have I Ever... Environmentalist Edition https://read.cash/@LucyStephanie/8-never-have-i-ever-environmentalist-edition-3040d83e Say What? Fantaghirò Who? https://read.cash/@LucyStephanie/say-what-fantaghiro-who-eb558440 The Trouble With Riding Bicycles During the Pandemic https://read.cash/@LucyStephanie/the-trouble-with-riding-bicycles-during-the-pandemic-c53462a1 Oh Hey, There's A Non-Golfer in a Golf Course! https://read.cash/@LucyStephanie/oh-hey-theres-a-non-golfer-in-a-golf-course-e95e3fb2 About Me https://read.cash/@LucyStephanie/hello-readcash-im-new-here-85679156
20 comments
Naku gets na gets ko talaga, ay sandali ang ibig Kong sabihin ay kuha ng kuha at sapol na sapol sa kaisipan NG lahat ang iyong paksa.
Bwahaha kaya sulat na para maiba naman dahil Agosto na. :)
Nagbasa. Natuto.. Salamat po!
Yun o. Haha. You're welcome! :)
Ang totoo, kahinaan ko talaga magsulat kahit sa Tagalog. Hehe
Ah ok. Baka need lang po ng more praktis. Hehe.
sa talented naman this girl. yung natatawa na lang ako habang ngbabasa kasi parang naiimagine ko kung pano mo to sinusulat. this is very helpful lalo sa mga pinoy kasi maigi nila maiintindhan yung pinupunto mo
Salamat. Hehe, sana nga may matulungan na marami ito. :)
Salamat po sa impormasyon.Malaking tulong po lalo na nagsisimula pa lang dn ako at hindi maintindihan pa masyado ang pagsusulat ng article.Mabuti po at nakita ko ito
Okay, you're welcome. :) Good luck!
Thank you for this po. Di talaga ako masiyado ma alam in term on this pero thank you for posting po it's informative post for us. Great posting wait kopo next article mo goodluck po Ang godbless.
Ok you're welcome. :) I hope magamit nyo mga yan sa next articles nyo dito. ;)
Salamat sa napakagandang paliwanag Lalo na sa mga ngfefeeling writer katulad ko...
Walang anuman. :)
Sana ay medyo maayos na Ang latest article ko ..hndi ko tlaga alam kung matatawag ba talagang artikulo Ang aking ginawa🤯
Everyday is a learning experience. :)
Akoy natutuwa at napaka ayos ng pagpapaliwanag mo sa inyong isinulat na artikulo Sanay magawa ko ng tama ang aking isususlat sa araw na ito.
Ayos. Good luck! 👍
Sobrang informative po ng article na ito. Looking forward for more articles like this. Good work!
I'm glad it is helpful for others. Hehe. Thanks too.