Random Late Night Thoughts

3 10
Avatar for Love_16
3 years ago

Nakakapagod maghintay sa isang bagay na walang kasiguraduhan at pinaglaanan mo ng panahon, pera at effort.

Gusto ko ng sariling kwarto para may privacy ako.

Gusto kong umiyak pero walang luha na pumapatak.

Lahat ng bagay nagwawakas.

Napagod ako this week and until now pagod pa rin pakiramdam ko.

Pamali mali ako sa trabaho ko nitong mga nakaraang araw. Ilang ulit akong napagsabihan. Buti na lang mabait sya.

May achievement ako! Wala lang share ko lang.

Sarap ng ulam namin ngayong gabi. Munggo na may baboy at chicharon.

Nag prepare ako ng gift para sa dalawa kong workmates. Di ko lang alam kung maibibigay ko pa ng personal sa kanila.

Masakit pala masabihan ng madamot, walang konsiderasyon at nagkatrabaho lang yumabang na.

Kailangan kong mag ipon ng pambili ng laptop ng kapatid ko kasi need nya yun sa pag aaral nya.

Ang hirap pala ng may responsibility. Pero at least kahit papano may nabibili na ako para sa sarili ko.

Araw araw kong sinasabi sa sarili ko na proud na proud ako sa kung ano man ang narating ko ngayon.

Nag shoppee ako last 9.9 🤗 Nakakatuwa kasi nadadagdagan na mga journal materials ko.

Naiiyak ako pag di ako makatulog kasi pagod na nga katawan ko pati isip ko ayaw pa magpahinga.

Alam ko naman na di ako ganon kabait pero sana ma appreciate yung efforts ko.

Excited na kinakabahan na masaya. Yang yung feeling ko these past few days. Mixed emotions kumbaga.

Nagpa palpitate ako di ko alam kung bakit.

Mahirap magsalita sa mga taong mali.

I'm blessed kasi mga workmate ko tinutulungan ako kahit paulit ulit. Well, Sabi nga ng isa sa kanila wala naman daw silang choice kundi tulungan ako.

Ang sakit ng likod ko. Di ko alam kung dahil sa halos nakaupo na lang ako buong araw dahil sa trabaho, signs of aging or premenstrual syndrome.

Napabili ako ng bagong backpack. Okay lang kasi need ko na rin naman ng bago. Iisang bag lang kasi ginagamit ko lagi.

Nagki crave ako ng burger, pizza, fried chicken, milk tea, cake at kung ano ano pa. Yes mabubuhay naman ako ng Wala yun pero di rin naman masamang i-pamper ang sarili paminsan minsan. Besides may pera naman ako sadyang ayaw ko lang gumastos.

Nakaka excite pala mag abang ng order ko from Shoppee and Lazada. 😁

Nakakapanood na ako ulit ng K-drama.

Ewan ko ba parang di na ako artistic ngayon.

May instances ako na biglang tatahimik na lang or gugustuhin ng katahimikan.

I'm hoping na mapaayos na tong bahay namin by next year or bumili ng lupa kung saan kami pwedeng magpatayo ng bahay.

Nakaka excite mag ipon sa totoo lang lalo na pag may goal yung pinag iipunan mo.

Dapat may "Me Time" para maipahinga ang isip sa mga bagay bagay.

Ang dami naming tasty bread na iba ibang flavor tapos halos wala namang kumakain.

Hindi na muna ako nag grocery ng pang meryenda ko kasi di ko naman nakakain. Naka stock lang.

Yung isa sa mga bagay na pinaka matuturing kong achievement ay yung mag order ng food sa Grab or Food panda kasi dati ultimo McFloat di ko mabili. Laging tight ang budget at iniisip ko na pang pamasahe na rin yun.

Lagi kong sinasabi sa sarili ko na wag maging attached sa mga tao sa paligid ko lalo na sa workplace kasi darating ang araw, iiwan ko na rin sila. Syempre lilipat ulit ng work.

Tamad na tamad akong kumilos ngayong araw kaso naglaba si mama. Need ng magsasampay.

Gusto ko na ng sarili kong bahay at lupa pero tingin ko di ko pa kayang mabuhay mag isa.

Malamig ang panahon, gusto ko ring magkape pero di pwede kasi magpa palpitate ako tsaka may gerd ako so bawal.

Malapit na akong mag 24 years old ❤️

Ibang iba pala talaga yung expectations versus reality ng buhay kasi nung nag aaral ako gusto ko ng magkaroon ng trabaho. Akala ko Kasi mabibili ko na ang mga gusto ko at madali na lang ang mga bagay bagay pero hindi pala. Nagkamali ako ng akala. Ngayon parang ang sarap maging estudyante, ang iisipin lang yung mga gawain sa school.

Nakakasama ng loob pag sinasagot sagot ka ng kapatid mo na mas bata pa sayo at pinag aaral mo. Di ko deserve 😂

Ganito kagulo isip ko. Pasensya na nadamay ka pa. 🥺

Pag ako nagka bahay, gusto ko sa tahimik na lugar at spacious yung mismong loob at labas ng bahay. Yung bahay Kasi namin ngayon magulo, makalat at maraming gamit. Ayaw ko na rin ng shared drawers para hindi nasisikipan mga gamit ko.

Gusto kong lumabas labas at makipag date sa friends kaso di sila available. I understand kasi hindi safe at may kanya kanya na kaming mga career at pinagdadaanan.

Minsan okay din maging carefree.

Lagi nilang sinasabi na was daw masyadong seryoso sa buhay at matuto ring mag enjoy. Tama naman kaso parang ang hirap mag enjoy ng laging nasa bahay. Okay din lumabas paminsan minsan.

O sya, good night!

Love_16

September 11, 2021

Sponsors of Love_16
empty
empty
empty

2
$ 0.43
$ 0.43 from @TheRandomRewarder
Avatar for Love_16
3 years ago

Comments

Habang binabasa ko to nakakarelate ako sa mga bagay2 Lalo nasa responsibilities at pagiging drain and overthinking noting mga nakaraang araw. Though I am trying my best to overcome it and slowly naoovercome mo Naman Rin siya. Happy to read article like this. Parang nareremind ako minsan to let my mind flows and write Ng kagaya nito Kasi nakakatulong na ma overcome ko tong pag overthink ko. Thanks for sharing by the way.

$ 0.00
3 years ago

Thank you for taking time to read my article and commenting as well. It means a lot to me. ❤️

$ 0.00
3 years ago

Your welcome

$ 0.00
3 years ago