EPEKTO NG STRESS

Nagpa check up ako at laboratory tests. Ok naman daw yung results although may mga findings pero hindi naman daw delikado. Ang cause ng lahat ng nararamdaman ko ay stress. Nakalagay sa med cert ko na need kong mag work from home para mabawasan yung symptoms ng nararamdaman ko.

Nahihilo, nagsusuka, hindi makatulog ng sapat, masakit ang dibdib at nagpa palpitate.

Bukod sa mga resetang gamot, binilinan din akong uminom ng maraming tubig. Yellowish na kasi ang ihi ko.

Isang bagay na narealize ko ay yung nadudulot ng stress sa katawan. Nabawasan din yung timbang ko. Dating 51 kilos ngayon 49 kilos na lang. Bloated din lagi pakiramdam ko.

Sabi ni doc, wag daw magpapa stress. Imagine at the age of 23 nauubos ang weekends ko going back and forth sa hospital for check ups. Yung sweldo ko pambili ng mga gamot na pricy.

Laging tatandaan na HEALTH IS WEALTH.

Kung anoman ang nagpapa stress sayo, isulat mo sa journal o ikwento mo sa iba.

"Bata ka pa kaya paniguradong wala kang malalang sakit. Wag kang papa stress sa mga mangyayari sa paligid mo. Kaya sumasakit dibdib mo kasi umaakyat yung acid dulot ng stress." ~ Doc

2
$
User's avatar
@Love_16 posted 3 years ago

Comments

hala pagaling kapo ate🥺🥺🥺

$ 0.00
3 years ago

Thank you ❤️

$ 0.00
3 years ago