Pahinga

1 28
Avatar for Love_16
3 years ago

Lahat tayo may responsibilidad. Hindi man natin gusto pero wala tayong magagawa. Di pwedeng tumigil kasi malaki ang mawawala. Maraming mga taong nakasandal sayo na kapag bumigay ka madadamay sila. Wala kang ibang pagpipilian kundi ang magpakatatag at magpatuloy.

Bawat umaga sa paggising mo, iniisip mo na agad kung paano tatapusin ang araw. Maraming kailangang gawin, ayusin at asikasuhin. Hindi mo na alam kung saan magsisimula kasi iniisip mo pa lang nakakapagod na.

Madalas iniisip na takbuhan ang lahat at lumayo. Walang masabihan o makwentuhan kasi lahat naman may kanha kanyang pinagdadaanan. Matutulog na lang di pa magawa sa dami ng problema sa buhay.

Pagod ang katawan at isip pero di makuha ang pahingang nais dahil di dalawin ng antok. Ipipikit ang mga mata mga luha ay aagos. Di na alam ang gagawin kasi sawa na sa paulit ulit na takbo ng buhay. Di na kaya ang bigat ng pasanin pero di magawang sumuko kasi pag sumuko ka wala na ang natitirang pag asa. Ikaw na lang kasi ang inaasahan. Pag sumuko ka guguho ang lahat.

Nagtatanong ka rin ba kung kailan matatapos ang lahat ng problema mo?

Nalulungkot ka rin ba pero tinatago mo sa mga ngiti?

Minsan ba sumagi na rin sa isip mo na gusto mo ng sumuko?

Kailan ba yung huling beses na inuna mo naman ang sarili mo?

Wala ka rin bang malapitan pag may pinagdadaanan ka?

Kaya mo pa ba o kinakaya na lang?

Pakiramdam mo ba pasan mo ang mundo?

Nakakapagod maging malakas. Pag malakas ka walang magtatanong sayo kung kumusta ka na. Walang mag aakala na may pinagdadanan ka kasi nga kilala ka nila na malakas.

Nakakapagod maging breadwinner. Wala kang choice kundi mag provide para sa pamilya mo. Kahit suko ka na di mo magawa. Kahit toxic na sa trabaho di mo magawang mag resign kasi iniisip mo pamilya mo.

Nakakapagod maging mahirap. Wala kang patutunguhan kundi patuloy na paghihirap pag di ka nagsumikap. Ginagawa mo naman lahat pero di pa rin sapat. Sira sira na yung bahay nyo. Pag umulan pati sa loob ng bahay nyo umuulan din.

Nakakapagod maging responsable. Ikaw ang gagawa ng lahat ng gawaing bahay pati mga bagay na di mo na responsibilidad nakaatang sayo. Hindi ka makapag reklamo kasi Wala namang ibang gagawa bukod sayo.

Nakakapagod mag-aral. Online class tapos mahina ang internet nyo o kaya naman kailangan mo pang magpa load. Nahihiya kang humingi ng pera sa mga magulang mo kasi alam mong kapos kayo sa budget. Yung module di mo maintindihan di ka naman makapagtanong kasi nakakahiyang mang abala.

Nakakapagod maging magulang. Yung bigat ng responsibilidad ng pagpapamilya mas lalo mong naramdaman ngayong may pandemya. Double kayod ka at kahit anong trabaho papasukan mo na kahit di sapat ang tulog ayos lang wag lang mamuti ang mata ng mga anak mo dahil sa gutom.

Nakakapagod magtrabaho. Yung tipong iiyak ka na lang sa hirap tapos ang sasabihin sayo buti ka nga may trabaho eh yung iba wala. Ganitong mindset yung lalong nakakapagparamdam ng pagod sayo. Gusto mo lang naman sana mag kwento at magsabi ng nararamdaman mo pero di pwede kasi ganyan sila mag isip.

Nakakapagod sa totoo lang pero hindi pwedeng sumuko.

Alamo bang kaya may araw at gabi dahil ang araw ay para sa trabaho at ang gabi ay para sa pahinga?

Pero hindi ito ang katotohanan para sa nakararami. Kahit kumayod ka ng 24 oras di pa rin sapat. Nakakalungkot na reyalidad ng buhay.

May mensahe ako sayo na nagbabasa nito. Pahinga ka ha. Matulog ka, kumain at mag enjoy sa buhay. Di man umaayon sayo ang panahon ngayon, darating ang araw mapapasayo rin ang pinapangarap mo.

Isang maulang hapon sayo. Sana ligtas ka at may masisilungan sa ganitong panahon.

Love_16

July 22, 2021

Thursday

Sponsors of Love_16
empty
empty
empty

2
$ 4.10
$ 4.10 from @TheRandomRewarder
Avatar for Love_16
3 years ago

Comments

laban lang at darating din ang panahon ng pagani sa lahat ng pinagpaguran at ang panahon na marating ang rurok ng tagumpay

$ 0.00
3 years ago