I almost died last night

1 19
Avatar for Love_16
2 years ago

Nagising akong masaya kahapon. May mga nakakairitang pangyayari pero di ako apektado. Nag exercise pa nga ako ng 10 minutes. Maaga rin akong nakapagsulat ng devotionals ko for the day. Nagluto si mama ng lumpiang Shanghai. Takam na takam ako kasi akala ko Wednesday pa lang magluluto ma sya kaso di na sya nakagawa dahil pagod na sya.

Nagluto sya, natakam ako kaya naubos ko yung naunang dalawang salang nya kahit mainit init pa. Tapos pinakain ko sina Yogurt at Cream-O bago ako kumain ng kanin. Pagkatapos nun um attend ako ng virtual prayer meeting namin which is last na for the week. This week kasi may prayer and fasting kami sa church.

Tapos umakyat na ako pagkatapos mag toothbrush para mag focus sa night of prayer. Pagkamaya maya nakaramdam ako na kumukulo yung tyan ko kaya bumaba ako para mag CR at uminom ng tubig. Pinakiramdaman ko pa kasi parang may mga tumutusok sa tyan ko.

Bumaba ako ulit kasi baka natatae lang ako ulit o nasusuka. Tumabi muna ako kay mama sa kama nya tapos sinabi ko na masakit ang Ryan ko. Baka nausog nya ako kaya nilawayan nya yung tyan ko. After nun bumalik na ulit ako sa CR. Tinanggal ko yung salamin ko kasi iba na talaga pakiramdam ko. Di ako nasuka kaya lumabas na ako. Paglabas ko tinawag ko si mama at napaluhod na ako sa may hagdan.

Tumayo agad si mama at tinanong kung ano daw ba ang nararamdaman ko. Parang piniga yung mga internal organs ko. Sobrang sakit. Tapos putlang putla na ako, nanlalamig pakiramdam ko at puro block dots na lang nakikita ko. Kinakausap ko si mama pero di ko na tanda mga sinasabi ko maliban sa tinatawag ko sya at nagpi pray na rin ako dahil di ko na talaga kaya. Pinabuksan ko ang ilaw kay mama habang nakakapit ako sa kanya dahil madilim na png paningin ko. Hanggang sa nilagyan nya na ako ng efficascent oil sa dibdib, tyan pati sa mukha para makahinga ako. Binibuhat ata ako ni mama para makahinga o maibaba ang kinain. Di ko na masyadong tanda basta may point na ganon.

Tapos sabi ni mama wag daw akong matutulog, tinanong ko ata sya kung bakit bawal. Di ko alam kung sinagot nya ba. Kaming dalawa lang dito sa bahay that time kasi may pasok at may lakad iba kong mga kapatid. Sinasabi ni mama na wag daw akong ganon kasi dalawa lang kami. Nanlalata ako. Si Yogurt paikot ikot, di mapakali habang si Cream-O akyat baba sa hagdan.

Ang malinaw lang talaga sakin ay tinatawag ko si mama at masakit yung tyan ko. Pagkatapos nun di ko alam kung ilang minutes pa ang lumipas, nahimasmasan ako. Di na masakit tyan ko pero pagod na pagod ang pakiramdam ko. Saka ko rin naramdaman na mahapdi ang mata, ilong at bibig ko dahil sa efficascent oil. Minasahe ako ni mama buong katawan.

Pinainom nya rin ako ng maligamgam na tubig na may asin. Sumuka ako sa sahig at sa maliit na timba. Di na rin naisipan ni mama tumawag ng tulong sa mga kapitbahay dahil busy na sya sakin at alam naman ni mama na kaya nya.

Sa totoo lang, ayokong matulog kagabi kasi pano pag di na ako magising. Kakukuha lang ni Lord Kay papa, ayokong maiiwan ko silang di pa nga naka move forward may isa na naman.

Pagkatapos nun around 11 na siguro nakauwi yung isang kapatid ko at nagkwento ako. Sabi nila dahil daw sa katakawan ko at baka naimpatso ako. Wala naman daw akong kaagaw bakit daw ako nagmamadali sa pagkain.

May GERD ako kaya limit lang ang food intake ko. Bawal magutom at mabusog. Yun bang tama lang na may laman ang tyan ko. Masyado akong naging reluctant dahil masarap ang pagkain at masarap kumain.

Nag biruan din kami ng ate ko kanina. Sabi nya if ever daw na nawala na nga ako kagabi, ang pangit daw ng cause of death, impatso. Pagkatapos nun sinabi ni mama na maikli lang talaga ang buhay. Di mo malalaman kung kailan ka kukunin ni Lord at kapag will nya, mangyayari at mangyayari. Walang makakapigil.

Sa totoo lang parang pangatlong buhay ko na to. Una nung na diagnose ako ng sakit sa dugo nung highschool ako na bigla na lang gumaling tapos yung sa kagabi.

Darating talaga tayo sa punto na makikita natin kung gaano kaiksi ang buhay. Ngayong araw nagpa deliver ako ng egg pie at buko pie. Sumakto kasi last week pa kami nag place order then ngayon ang delivery.

Salamat Lord for another chance to live. Ibig sabihin di pa tapos ang mission ko sa mundo. Magkaka love life pa ako at matutupad ko pa yung dreams and goals ko sa buhay. Yung guardian angel ko paniguradong napagod.

Ikaw, kung may isang araw ka na lang para mabuhay ano ang gagawin mo?

Anong klaseng legacy ang iiwan mo sa mundo at sa mga taong nakasalamuha mo?

Paanoo gustong maalala ng mga tao sa paligid mo?

Lahat tayo mamamatay at ang mga ginawa natin dito sa lupa ang mag de determine kung saan tayo mapupunta. Di man tayo handa, pag tinawag na tayo ng Diyos ay wala tayong magagawa. Tanging Diyos lang ang may alam kung kailan. There is life after death, and that life is for eternity.

***Thank you Lord, I'm still alive and breathing.

Love_16

January 22, 2021

Saturday

Sponsors of Love_16
empty
empty
empty

2
$ 0.82
$ 0.77 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @bbyblacksheep
Avatar for Love_16
2 years ago

Comments

Thank God ok ka na ngayon. Ayaw mo pa second opinion? Hirap din kasi kapag internal organs. Baka mamaya nasa isip mo lang because of GERD pero baka may iba pa palang reason. 2 surgeries na ako for internal organs. Gallbladder, appendix and isang fallopian tube ko wala na. Yung appendix ko nadamay lang dahil sa pagtwist ng fallopian tube ko na nagtravel pa from right to left pero ang symptoms ko na naramdaman nun was due to appendix.

About legacy, nalimutan ko na ano sinabi ko sa article ko before sa kung anong legacy gusto ko maiwan pero syempre yung something good that I have done to the people.

$ 0.00
2 years ago