This is for you mahal ko

1 23
Avatar for Lorah
Written by
2 years ago

Magandang araw ka-readers, kumusta po kayo ilang araw ding walang paramdam dito at walang article na naisusulat. Kumusta ang buhay buhay niyo po, sana ay ok lang kayo lahat.

Makulimlim ang panahon dito sa amin dami ko panaman na sampayin kya ito habang nagsusulat ng article ay nakabantay ako sa labas at baka biglang umulam hehehe sino relate jan...

Gusto ko mag sulat ngayon about sa mga gusto kong kanta nong naging kami ng mahal ko. At kapag naririnig ko yun ay naalala at namimis ko siya.

Kami ni mahal ay music lover alam niyo ba yung application na starmaker don kami nagkakasundo nong hindi pa kami ay talagang mahilig na kaming kumanta sa starmaker. Na hindi ko alam ay ako pala ang kinakantahan niya don hehehe sobrang manhid ko noon sa mahal ko na to the point na friend lng talaga turing ko sa kanya. Yung parang nakakatamdang kapatid ganun lang ang tingin ko sa relasyon nmin at hindi man lng sumagi sa isip ko na mainlove at maging kami in realife.

Maganda ang mahal ko actually habulin yun ng mga lalaki at nong time na yun wala akong paki kong sino magkagusto sa kanya hahaha pero nabbwesit ako sakanya kapag yung mga barkada niya ay mga lalaki talaga. Siya kasi wala naman pili sa barkada ako naman ayoko sa barkada na lalaki dahil lumaki ako sa conservative na pamilya kya ganun siguro and naasiwa ako sa mga lalaki lalo na kung bago ko lang kakilala.

Nong time na naging kaibigan ko ang mahal ko ay lapitin siya ng lalaki pero kaibigan lang din naman ang turing niya sa mga ito don ako naglaylo kasi nga ayoko sa barkada na gusto niya. Pero hindi naman kami nawawalan ng communication kaya kahit na magkalayo kami updated parin siya sa akin.

To make the story short sa love story namin may pinagselosan siyang girl na nabigyan ko ng atensyon at don nagsimula yung selos niya na ang akala ko selos lang bilang kaibigan hindi ko naman alam na matagal niya na akong gusto. At nong nalaman niya na nagkagusto ako sa isang girl ay don siya naglakas ng loob na magtapat at ako naman ay natuwa na halong hindi makapaniwala. Dahil sa curiosity ko sa kanya ay pinagbigyan ko siya na ang alam ko nagbibiro lang siya noon. Na hindi ko alam sobrang seryoso pala siya. Habang lumilipas ang araw at linggo hindi ko na namalayan ang sarili ko na nahuhulog na sakanya, hanggang dumating yung time na gusto ko akin lang siya wag na siyang umuwi magsama na kami. Pero hindi pwede kaya don ko narealize na mahal ko na siya.

Noong pumunta ako sa bahay niya para magbonding ay sobrang kabado ko noon bukod kasi sa malayo hindi ako pinapayagan ng magulang ko na magsinungaling kong asan ako pero dahil matigas ang ulo ko at gusto ko mkita si mahal ay pumunta ako. Sobrang saya lang namin noon don sa kanyang munting tahanan, hanggang sa may music sa kapitbahay nila na narinig ni mahal at sabi niya pakingan ko daw. At first time ko din marinig ang togtog na yun at nong time na yun ramdam na ramdam ko yung lyrics ng kanta na parang sa akin sinasabi.

Ikaw ang sagot by Tom Rodriguez

Nong napakingan ko yan don ko nalaman ganda pala ng boses ni tom hehehe at siya pala kumanta niya at naging paborito kona talaga siya yan din ang ringtone ko sa cp pero sa number lang ni mahal kaya kapag tatawag siya alam kong siya ang tumatawag. Sobarang nasayahan ako non kasi feeling ko ang haba ng hair ko para alayan ng ganong song ng mahal ko.

Ikaw by Yeng Constantino

Ito naman yung sunod naman na nagustohan kong kinakanta ng mahal ko sa akin. Dahil sabi niya ako lang daw sapat na at naniniwala naman ako don hehehe. Ang ganda din ng lyrics talagang damang dama ko na para sa akin yung kanta.

Sympre hind mawawala yung gusto ko ding kanta para sa mahal ko.

In your eyes

Itong kanta na ito ay kapag naririnig ko parang niyayakap ako ng kanta at talagang gusto kong idedecate sa mahal ko. Kapag naririnig ko siya ay halo halo nararamdaman ko, kasayahan at pagmamahal sakanya. Hindi ko naman siya favorite dati pero nong napakingan ko siya tapos tamang tama magkatabi kami ni mahal noon at kinanta ko sakanya kahit hindi ko gaano kabisado lyrics sabi ko sakanya may kumanta na ba niyang para saiyo sabi niya wala pa naman kaya sabi ko ako nalang kakanta niyan para sayo hehehe. At ramdam ko na ngustohan nman niya yung kanta.

Till it's time by Glazia de Castro

Ito naman na kantang ito nagustohan ko dahil bagay para sa aming dalawa sinasabi ng kanta na magantay lang kami sa tamang panahon dahil may tamang oras at panahon para sa amin. At naniniwala talaga ako don kaya iyan ang gusto kong kanta sa mahal ko. At magaantay ako ara sa atin mahal ko...

On this day by David Pomerance

Napublished ko na itong article ko may nakalimutan ako buti nalang naalala ko siya ito yung last na song na nagustohan ko yung last na pagpunta niya dito ay sabay naming nagustohan ni mahal ito at hawak kamay naming kinakanta magkasabay hehehe talagang ramdam ko yung pagmamahal ng mahal ko sa akin ganun din naman ako sakanya... At sabi ko sakanya kapag ikakasal kami yan ang theme song namin ehhehe

Madami pa akong gustong kanta pero yan lang ang talagang tumatatak sa akin. Sana nagustohan niyo din po kung may time kayo pakingan niyo po yung mga songs nakakagaan ng pakiramdam lalo na kung stress ka.

Para sa mahal ko laban lang anoman pinagdadaanan mo ngayon lalabanan natin yan na magkasama kapit kalang. Mahal na mahal kita andito lang ako lagi para sayo...

Salamat po sainyong pagbabasa... hanggang sa muli...

-Lorah

6
$ 0.05
$ 0.05 from @Labofmylife
Avatar for Lorah
Written by
2 years ago

Comments

Pasensiya na mahal at ngayon ko lang nabasa...but thank you sa effort at sa paalala ng mga moments natin....feeling ko nga kinikilig ka pa habang sinusulat ito.hahahah✌️✌️by the way kinilig din ako....iluvusomuch mahal ko.....namis ko na nga din mag starmaker ulit pang tanggal din ng stress minsan kaya lang laging busy...

$ 0.00
2 years ago