Join 78,984 users and earn money for participation

Pag-ibig ko sayo ay totoo

17 22 boost
Avatar for Lorah
Written by   14
1 month ago
Topics: Life, Love, True love

Kilan mo masasabing siya na nga?

Kilan mo masasabing she/he is the one?

Kilan mo masasabing sigurado kana sakanya?

Mga tanong yan na walang kasiguradohan kapag ang iyong minamahal ngayon ay hindi ka pa talaga sigurado. Minsan dumarating tayo sa sitwasyon na alam nating mahirap,alam nating hindi pwede pero pinapasok parin natin. Alam natin sa bandang huli ay tayo ang masasaktan pero dahil sa nagmahal ka ay kakayanin mo lahat..

Ako nga pala si Lorah, mapagmahal, mabait, mkadiyos at higit sa lahat totoo kung magmahal. hindi ako perpektong tao lalo na pagdating sa pagibig. Ako yung tao na mainipin, minsan padalos-dalos ang desisyon pero madaling mainlove lalo na kung alam niya sa sarili niya na ito ay mkapagpapasaya sa kanya.

May isang tao na nakapag bigay ng fullfiment sa akin ngayon. Yung para bang nabuo ka, nakilala mo ang iyong sarili kung ano ka talaga. Dahil alam mo noon pa man na may mali sayo pero pinigilan mo itong maramdaman at itinama mo dahil ito ang mas nakkabuti,ito ang tama sa mata ng tao. Pero one day biglang nagbago ang lahat, itong tao na ito ang nagbigay sa akin ng kakayahan mag mahal ng wagas. Kahit na ano ka pa, kahit sino ka pa ay mamahalin ka niya.

Itong unang article ay dinidedicate ko sa kanya. Nainspire akong gumawa ng read.cash account para sa kanya. Siya yung kinakapitan ko ngayon, kapag wala siya mahina ako.. siya yung nagpapalakas ng loob ko kapag may problema ako siya yung strength ko. Sobrang mahal na mahal ko siya, ngayon lang ako naging masaya ng ganito sa buong buhay pagibig ko. Naging makulay at makabuluhan ang buhay ko ng dahil sa kanya. Siguro hindi ko kakayanin kong mawala siya sa buhay ko.

At yung tatlong tanong sa taas, ay yes siguradong sigurado ako na siya na nga ang huling taong mamahalin ko. Siya na ang the one, at gusto kong tumanda na kasama siya yung sabay kaming gigisng sa umaga ipagtetempla at lulutuan ko ng breakfast at sabay kaming kakain. Sabay naming pagmamasdan ang pagsikat at paglubog ng araw. Sabay namin haharapin ang mga problema na walang sukuan kahit na anong mangyari.

Mahal, lab ko, kung mabasa mo man ito sana ay napangiti kita alam mong mahal na mahal kita lahat gagawin ko para mapaligaya ka. Ayokong nakikita kang nahihirapan at nasasaktan kung pwede lang akuin ko lahat ay ginawa ko para sayo. Salamat sa lahat ng sakripisyo mo para sa akin, salamat at dumating ka sa buhay ko minahal moko.. sobra sobra ang binigay sa akin ng diyos nong hiniling ko sakanya na sana maging masaya ako na sana maramdaman ko din ang mahalin ng totoo. Ibinigay ka niya sa akin...salamat lab...

Ending...

Kapag nakita mona siya mahalin mo ng totoo, magmahal ka ng walang kapalit, mahalin mo siya ng buong puso.. mahalin mo siya ng walang condition. Kapag nagkatampohan kayo wag mo ng antayin na siya pa unang magsory, oo sabihin na nating ang love ay nakakabaliw pero masarap mainlove sa taong tama para sayo. Ibuhos mo lahat ng pagmamahal sa kanya lalo na kung alam mong worth it naman siyang mahalin at ipaglaban. Higit sa lahat ingatan at respetohin mo siya.

Hanggang dito nalang muna ang aking ibabahagi sainyo salamat sa inyong pagbabasa sa una kong article... Godbless you all..

-Lorah

Sponsors of Lorah
empty
empty
empty
empty

6
$ 0.58
$ 0.46 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @Labofmylife
$ 0.03 from @BCH_LOVER
+ 2
Avatar for Lorah
Written by   14
1 month ago
Topics: Life, Love, True love
Enjoyed this article?  Earn Bitcoin Cash by sharing it! Explain
...and you will also help the author collect more tips.

Comments

Sana kayo na nga Ang magkatuluyan ng mahal mo .. goodluck

$ 0.00
1 month ago

Opo kami na po forever jeheje

$ 0.00
1 month ago

Sana nga happy for you

$ 0.00
1 month ago

Welcome to readcash sissy, enjoy mo lang

$ 0.00
1 month ago

Welcome sa read.cash? Nandito rin ba sis ang love of your life?

$ 0.00
1 month ago

Opo sis hehehe dito din siya sa read cash po.

$ 0.00
1 month ago

*Aw, talaga, ano username niya?

$ 0.00
1 month ago

Heheh secret po muna hindi pa siya ready mag reveal hehe

$ 0.00
1 month ago

Ayay may pa secret2x pa pala, hehe

$ 0.00
1 month ago

Baka kasi magalit siya pag sinabi ko hehe pagready na po

$ 0.00
1 month ago

Hehe, okay lang

$ 0.00
1 month ago

Napakasweet naman nito at dinidicate mo yung first article mo sa.taong mahal mo.. welcome po dito sana madami ka pang masulat..

$ 0.00
1 month ago

Maraming salamat po..nice meeting you po..

$ 0.00
1 month ago

Talagang magmahal tayo ng buo at totoo. Sana magpatuloy kang magsulat dito sa platapormang ito ng sa gano'y iyong mabahagi sa amin ang iyong mga sulatin.

$ 0.00
1 month ago

Opo salamat po at nice meeting you po dito sa readcash..

$ 0.00
1 month ago

Thank you mahal...welcome here....Salamat din sa pagmamahal...

$ 0.00
1 month ago

Salamat mahal ko..

$ 0.00
1 month ago