Kumusta po kayo, my dear readers? Sana ay masaya at ok lang ang inyong kalagayan. Ilang araw bakong hindi active dito 5days ata at namis ko po kayo...
Pasenxa na po at ngayon lang ulit nkapagsulat sobrang busy sa buhay. Kumusta naman po kayo?
Lastime na sulat ko dito ay hindi kami ok ng mahal ko pero ngayon ay ok na kami minsan talaga ay kilangan din ng ganun para mamis namin yung isat isa heheh.
Kanina pagising ko ang sakit ng leeg ko namali ata ang aking pwesto sa pagtulog ang sakit tuloy ngayon ilang days din ito bago gumaling.
Yung panahon dito sa amin ang nkakainis hindi man lang umayos yung init para matuyo na mga dating sinampay ko at mkapag laba na ulit.
Wala akong maisip na topic ngayon po pasensya na po talaga kayo hehehe at magkwento nalang ko ng nangyari kahapon sainyo.
Minsan may times na gustohin mo magpahinga yung isip mo at magrelax ay hindi mo magawa agad agad kasi may magkukulit na mga bata.
Kahapon napalo ko anak ko kasi sobrang kulit yung sinagad niya talaga pasenxa ko. Nagsimula sa cellphone hanggang sa kakain na ayaw niya kumain dahil mas gusto mag cellphone tapos sinabayan pa ng aso ko nakatakas sa kanyang tali.
Ang dog ko na yun ay sobrang love ko dahil bigay sa akin ng mahal ko kaya hindi ko talaga siya pwding pabayaan na makalayo. Tapos sumisigaw pa yung anak ko kaya sa sobrang inis ko napalo ko siya. Pero after naman non na humupa yung galit ko at umiiyak parin siya sinuyo ko siya para kumain na din. Kasi sa edad niya hindi niya pa alam kung tama o mali ginwa niya pero pinaliwanag ko na wag na siyang magiging ganun ulit para hindi na siya mapalo at magalit ang mommy. After kung suyuin ay buti nman at kumain na ang anak ko.
Sobrang stress ako kahapon at kapag stress ako talagang dko mapigilan ang umiyak. Nong kumakain pa nga lang at sinusubuan ko sila ng pagkain ay papatak na luha ko. At hindi ko nanaman napigilan isipin na napakaswerte ng tatay nila at hindi nraranasan yung gantong hirap. Ang hirap magisa ikaw lang nagdidisiplina minsan may time na gusto kong umalis,lumayo kaso kawawa mga anak ko kapag ginawa ko yun. Kaya sobrang hinahabaan ko pasenxa ko sakanila kung maari ayoko silang paluin dahi alam ko tatak sa kanila yun. Kaso ano magagawa ko kung hindi na nila ako pinakikingan at magisa lang ako.. kaya need kong gawin yun para tumigil at matakot sila sa akin na hindi na nila dapat ulitin at gawin yun.
Medyo nagdrama na ako guys pero need lang maglabas ng sama ng loob sa mundo hahahaha..
Thanks sa readcash at napaghuhugotan ng sama ng loob dito nalang siguro ako magsasabi ng mga saloobin para medyo gumaan pakiramdam ko..
Thank you for reading...
-Lorah
Good luck my friend, just life is a little tired