Hello everyone, kumusta po kayo?
Dahil sa malapit na ang undas, madami akong nababasa ngayon dito na about sa mga nakakatakot na karanasan nila. Siguro sobrang nakkatakot nga maranasan ang mga bagay na yun. Pero ako sa tanang buhay ko ay never pa ako nakaexperience ng mga ganun eh yung makakita ng multo,white lady,kapre siguro dahil wala akong kakayahan sa mga bagay na yan.
Alam niyo ba noong bata pako ay sobrang na aastigan ako sa mga tao na may third eye. Tapos sabi ko pa sa sarili ko sana magbukas din ang third eye ko para astig na din ako. Kasi feeling ko noon kapag may ganun ka ay talent na yun at siguro kapag may ganun na ako ay madami na akong magiging kaibigan. Tapos sobrang hilig ko sa mga horror movies, hindi nman kasi ako matatakotin. Naiiwan nga ako sa bahay namin noon na meron daw na ibang nakatira pero wala naman akong nararamdaman hahahha, tapos patay pa ilaw ng bahay namin yung lampshade lang sa kwarto yung binubuksan ko. Tapos nakakalakad akong magisa sa labas ng walang kasama or dalang flashlight hahaha, yung gusto ko yung kinakapa ko yung daanan, pero delikado pala yun kasi pano kung may bobog,or ahas na tumawid e d natuklaw nako. Pero kahit now na matanda nako ganun parin attitude ko lalabas ako hal. Madilim sa daanan wala ako dalang flashlight hehehe.
Kaibahan naman nitong bunso naming kapatid, 13years old siya ngayon, ibabahagi ko sainyo yung karanasan ng kapatid ko kasi sa akin wala kayong mapapala hahahha..puro love story kasi ang naranasan ko noon chaarrr...
Yung bunso namin ay 5years old noon nagkaroon siya ng kalaro sa likod bahay namin na kaedad niya din, pero itong kapatid ko ay hindi ko naalagaan simula nong bata siya dahil akoy layas noon nasa manila ako nagttrabaho heheh akala niyo bad ako ah hehe hindi po hehehe. Yun nga po naikwento ito sa akin ng mama ko noon, Yung pamilya sa likod bahay namin ay abroad ang asawa tapos. Isang araw nagpaalam daw sa mama ko na pupunta silang manila para surprisahin yung asawa niya kasi uuwi na ng pilipinas. Tapos kinabukasan ay umalis na nga ang magiina kasama yung lola at isa daw na katiwala bakla daw yun. Kinabukasan sumabog ang balita sa radyo at tv na may isang bus na galing bicol at manila nagsalpokan banda sa bituka ng manok na tinatawag jan banda sa Quezon Province. Talagang hiwa daw yung bus sa gitna sobra daw na nakakakilabot ang itsura noong mga tao talagang labas mga bituka durog na durog yung mga laman at halos hindi na daw makilala.
Pero itong kapatid kong bunso nagaantay ng kanyang kalaro lumabas ng bahay nila. Name ng kapatid ko ay bem, si bem daw ay balik balik sa likod bahay para makipaglaro tapos may naririnig si bem na umiiyak daw kalaro niya tapos andon din yung lola nito. Nangilabot na noon sila mama kasi walang tao don at yun nga nabalita na nabangga yung bus na sinasakya kaya wala na yung bata at ang nakaligtas lang ay ang bakla na katiwala nila.
Sobrang hinagpis ng asawa nong siya ay makbaba ng eroplano kasi ang sumalubong na balita sa kanya ay ganun buong pamilya niya ay nawala. Siya yung susurprisahin pero siya itong nasurprisa sa hindi magandang sitwasyon. Ang kwento ng bakla noong ito ay makauwi sa bahay nila ay yung bata daw ayaw magpabihis nong time na aalis sila tapos iyak daw ng iyak hanggang sa bus iyak ng iyak yung bata. Parang ayaw umalis, tapos nasa tatlohan daw sila na upuan noon dahil sa iyak na iyak yung bata lumipat daw siya ng upuan para makabwelo yung bata tapos ayon n ang nangyari hiwa daw talaga sa gitna ang bus tapos maswerte siya dahil nakaligtas pa daw siya.
Kaya simula noon yung kapatid kong bunso ay lagi ng nkakakita ng kaluluwa, akala niya buhay pa kalaro niya noon kya atay siya ng antay at paulit ulit niya sinasabi ky mama na nakita niya sa bahay yung kalaro niya umiiyak. Hanggang ngayon ay nakakita parin siya pero hindi na gaano pero bigla nalang yan matatakot at sisigaw kapag nkakita namumutla at sasabhin may tao sa cr,or sa labas may dumaan na bata sa bintana. Mga ganun tapos kami takot din hahahha
Ending...
Salamat po sainyong pagbabasa hindi pa po ako gaano marunong dito sa readcash pero sisikapin ko pong makapagsulat araw-araw.
Sana ay nagustohan niyo ang aking kwento entry ko na yan para sa darating na november hehehe..
Thank you po pala @Sweetiepiefor the trust po at naging sponsor po kita godbless po sayo..
-Lorah
Nakakatakot, pero nakakaawa ung buong pamilya na namatay. .