Hello good morning. Kamusta po kayo?
@LittleSister in May 2021
Tignan niyo po. Angganda ng halaman na to. Anong tawag niyo po dito? Happy Sunday po sa inyong lahat. #Club1Bch
Halaman sa bakuran gamot pa. Herbal medicine. Effective pa para sa mga baby's. Lalo pag inuubo sila ❤️. #oregano #Nature
Sa labas ng bahay ito ang lutuan namin. Lalo na ngayon mainit ang panahon. Masarap magluto sa labas habang nagnonoise haha. Dalikan in ilocano 😍 #Philippines
Heto favorite ko to. Sarap na ulam to. Ano tawag niyo dito sa tagalog? Kumakain din ba kayo nito. Rabong in ilocano. Credits to me ❤️. #Quotes
Look. December 20 2017 angtaas ng bch. Super high price 😱. $4,355.63 = PHP 218,293.87. Angsaya. Kailan kaya mauulit ang ganito kataas na price ng bch? Screenshot by me (coinbase) bch. #CryptoTrading
Hello Philippines. Matanda na siya makunat na karne nito haha. Kaso nag iisa nalang siya sa lahi niya. Kaya kailangan niya magparami. #buhayprobinsya Credits to me 😊 #Philippines
Good afternoon philippines. Magluto na naman para sa hapunan. Ulam nalang kulang 😍. Mga ilocano naimbag a rabii. Pinagsasaang mamen. #Philippines
Dito sa province at dito sa area namin sobrang hina ng internet connection. Kaya madalas bigla bigla nalang namamatay ang data. Nakakainis kasi sobrang sagabal din sa module lalo na pag naghahanap ako ng sagot sa google. Good evening to all noisers. Happy eve sunday po sa atin. #Philippines
Dahil po nalate na yung pinabiling isda. Ngayon palang po ako magluluto ng ulam namin. Nakapag luto naman na ako kanina ng kanin 🥰 Anyway magandang gabi Filipinos/filipinas and sa buong mundo. Happy dinner po sa inyong lahat 😊 #Philippines
Good evening philippines. Ayan nakaluto na ako ng pritong isda. Kamatis nalang kulang haha. Kain po tayo. Dinner na po. #pinoy #Philippines
Good evening po share ko lang ginawa ng kapatid kong paso. Para sa mga halaman 😊. Gawa sa lumang tela purong semento. Pintura nalang kulang. Ano po masasabi niyo? Maganda naman po diba? 😊 Credits to my baby girl. #Philippines
Kaninang 6 pm mag 7 pm na napatingala ako sa taas habang nasa ilalim ako ng kawayan. Naisip ko kunan ng picture. Parang angganda kasi niya. Ewan ko lang kung nagagandahan din kayo hihi. Letter V kasi. Buhay province. #pinay Credits to me ❤️. #Photography
Pasaway talaga ng kapatid ko haha. Hindi ko naisip nagtaka ako pinagsama sama niya yung tatlong itlog. Sabi niya "ate tignan mo small medium large" hahaha. Oo nga naman. Yung small tig 3 pesos, yung medium itlog ng alaga namin na manok sa likod, yung large tig 7 pesos hahaha. Anggaling 🥰 credit by me 🥰 #Photography
Ito po pwede na kayo matuto about crypto. Pero meron kaya dito sa pilipinas or online via internet kaya? https://www.coindesk.com/learn-crypto-for-free #CryptoTrading
Maniwala ka po sa kaya mong gawin at magagawa mo. Kung mawawalan ka ng tiwala sa sarili mo po hindi mo magagawa ang mga bagay na gusto mo 😊. It's 2:58 am. Matutulog na po ako. Bukas po ulit. Good night guys. I'm tired na talaga. Masakit na mata ko 😊. #RandomThoughts
Magandang umaga po sa ating lahat. Sana lahat masaya ang gising. Nag almusal na po ba kayo? Gawaing bahay nanaman po tayo. Daming ligpitin hahaha. Bagong gising lang bukas agad kay noise.cash site. Para sa bagong simula ng araw. Happy monday po 😍 lagi po natin tandaan ang laging sinasabi stay safe stay at home 🥰. #Philippines
May mga taong ganito. First one, bago niya gawin sinasabi niya muna. Second, ginagawa muna niya bago niya sabihin. Meron pang pangatlo eh nakalimutan ko o nagkamali na talaga ako haha. Minsan at madalas yung first at second nagagawa ko talaga yan hindi ko dinedeny. Minsan kasi kung ano yung alam mong di magandang gawin minsan nakakabuti din 😊. For me lang ha. Hihi. #RandomThoughts
May nakita po ako na dala dala ng mga bata. Naisip ko kunan para matanong kung ano ang tawag sa prutas na to sa mga bayan o probinsya niyo. Matatamis po lasa nito as in sweet talaga. Galing po yan sa isang puno na kung tawagin naming mga ilocano ay "mansanita". Angpupula nila pag nahinog 🥰 Photo credits to me ❤️. #pinoy #ilocana #Photography
Share ko lang po kaunaunahang gawa ng kapatid ko since december 2020 pa na gawa sa maong na tela at purong semento haha. Ganda ng kulay niya na pink at puti saka niya tinaniman ng cactus. Cute po ng cactus haha. Angbata pa pero marunong na kapatid ko 🥰. Credits to my baby girl ❤️ #Photography
Ngayon lang ako nakalabas ulit ng bayan sa loob ng isang buwan. Dahil sa covid 19. Natatakot ako mahawa. Ayaw kopa sana sumama kaso kailangan dahil ngayon yung schedule para sa sinasabi nilang national id. Tapos na pala ang anihan ng palay dito angbilis wala ng makitang nakatayong palay. Lord gabayan mopo kami sa paglabas namin ng aming bahay. Wag mo po sana hayaan lumapit samin ang nakakatakot na sakit ❤️. Credits to me. Photo. Here cagayan valley ❤️ #Photography
Hahaha natatawa ako sa batang katabi ko. Yung halaman sinira na niya. Ginawa niyang poso iigib daw 😂. Angcute niya. Ewan ko kung anong halaman to na tanim ng mama niya. Pag sinusuway naman sumasagot hahaha. Good afternoon po sa ating lahat 🥰. #Photography
Heto yung manok namin sa likod nag iisa lang siya. Tawag dito sa amin (cabs) nangingitlog po siya araw araw kahit wala siyang kasamang lalakeng manok. Dahil daw to sa feeds na kinakain niya. Inalis ko sa kulungan niya para makakain ng shells ng mga kuhol or tahong basta shells na durog na kaya niyang lunukin 🥰 At alam niyo ba kaya kumakain ng mga shells ang mga manok pag malapit na silang mangitlog ay para tumigas yung shells ng itlog nila. Don napupunta yung mga kinakain…
Tignan niyo po. As of may 3 4:40 pm kaninang hapon po $1,039.55 ang 1 BCH 🥰. Nong pumunta ako sa (all) nakita ko yung graph na pataas tinignan ko yung price nagulat po ako $4,355.62 as of december 20 2017. Grabe ano po? Naranasan niyo po ba yan? Triple ang taas 😍. Sana maulit pa yon tumaas pa sana 🥰. Good evening po. We love bch ❤️. screenshot by my coinbase app 🥰 #RandomThoughts
Watermelon 😊. Tawag dito sa amin in ilocano (sandya/sandia) ang watermelon sagana to sa tubig dahil may 92% of water at may vitamin A at C at potassium pa 🥰. Maganda rin itanim to sa mga malalambot na lupa. Dito sa amin marami nito dahil season ngayon ng watermelon kaya mura din ang presyo. Maganda rin to kung tinatamad kang uminom ng tubig pero masipag kang kumain. Kumain ka ng watermelon 😊. Photo credits to me ❤️. Sarap 😊 #Photography
Dito sa cagayan valley ❤️. Meron din kaming ipinagmamalaki na masarap na pagkain at binabalik balikan tulad ko hihi. Ang (pancit batil patong). Nakatikim na po ba kayo niyan? Sa tuguegarao city marami ng mga nagnenegosyo ng pancitan o panciteria. Ang alam ko noon wala pang pandemic nagkakaroon ng contest ang mga taga tuguegarao. Kung sino ang pinakamasarap na pancit ay may certification tapos kikilalanin pa silang champion or pinakamasarap na pancitan ng tuguegarao. Correct…
Good night guys 🥱. Tomorrow again. Again stay safe and always pray ❤️. 😴😴😴 #RandomThoughts
Kaway mga probinsyano/probinsyana na gumagamit pa nito 😊. Ito po yung balahibo ng manok kung tawagin naming mga ilokano (dutdut or dutdut ti manok). Sarap sa tenga to para kang nakakatulog pag pinasok mo habang pinapaikot sa loob (kurikor) in ilokano 🥰. Gumagagmit kapa ba nito? Good morning everyone. Umagang kayganda 😊. Credits to me 😊. #Philippines
Nandito nanaman ako sa favorite tambayan ko sa silong ng kawayan 😍. Mainit nanaman kaya dito muna ako habang nagno-noise.cash. Kaya lang sumisilip yung araw masakit sa mata hahaha. Pero fresh air naman. Kayo guys saan naman kayo ngayon? Cooking time na po ba? Advance happy lunch time ❤️. Credits to me ❤️ #Photography
Magandang tanghali philippines at sa buong mundo. Malapit na maluto ang iniihaw kong tilapia. Kayo po ano ulam niyo? Advance happy eating with your family. Ganito ang buhay natin. Minsan walang maulam minsan meron at minsan sobrang dami din naman. Bagoong at mantika lang kung minsan ayos na. 🥰 #tilapiafish #Photography
Tapos na ako kumain. Happy lunch time po. Paglabas ko ng bahay makulimlim parang uulan po ata. Sana nga umulan dahil kailangang kailangan na din ng lupa. Para mabawas bawasan naman kahit konti ang init ng panahon 😊. Again keep safe to everyone 😊. #cloudy #Photography
Pwede na pong anihin yung mais. Kahit ang init lumabas pa ko para bumili ng yelo haha. Napansin ko lang yung mga mais ubos na yung pang itaas na kahoy niya ❤️. Ang tawag sa mga ilokano (ragaw or tadaw). Pinangpakain nila sa mga alaga nilang kalabaw. Kasi dito saamin krisis ang damo kaya taggutom ang mga kalabaw dito. Hindi katulad sa mga bundok na maraming damo ❤️. Good day po sa lahat. Keep safe sobrang init. Akala ko kanina uulan hindi pala. Credits to me ❤️ #Photography
Daming bunga ng mangga. Pipitas sana ako naunahan naman ako ng hiya para humingi haha. Naglaway lang ako hindi kopa natikman 🥰 Good afternoon po sa lahat. #Photography
Kaway sa mga pilipinong mahilig sa street foods. Tara kain tayo kwek kwek isaw at inihaw na dugo 🥰. Late miryenda lang hihi. Gandang hapon po sa inyo 🥰 #amulung #province #Philippines
Good afternoon ❤️. Ito ba yung halaman na tinatawag nila sa ilokano na (dara dara)? Maganda siya maganda din yung shape ng dahon at sa kulay 🥰. #Photography
Kung ganda lang gusto mong tignan. Tumingala ka pagmasdan mo ang langit at mga ulap 🥰. Cooking time na naman kaya bye muna guys magluluto lang ako ❤️. Again stay safe 🥰. #probinsyana #Photography
Verifying my second coins.ph account. Using my mother's id 😊. (Unified Multi-Purpose ID). Sana maging successful siya after 3 business days daw 🥰. Good morning philippines ❤️ #Philippines
Pag nilalapitan ko sila takot na takot sila haha. Ayun lumabas na sa loob ng kawayan ang mga little ducks hihi. May mga baby's na siya. Pero sayang hindi napisa yung ibang itlog niya 😊. Magandang tanghali po. #babyducks #Photography
Now nareceive kona text message ni coins.ph angsaya ko ngayon kasi sa wakas lord verified na ang coins.ph ko 🥰. Feeling blessed talaga. Soon to level 3 and 4 🥰. Thanks mama sa id mo 🥰 Tara po kain na tayo 😊. Matatahimik na din ang kalooban ko hihi ❤️. Happy lunch time guys 😍 #Photography
Ang buhay probinsyana 🥰. Sinangag plus ginisang kamatis na may itlog na may naligaw pang buntot ng tilapia haha. Happy kain 😊. Kain po tayo 🥰. #lunch #Photography
Nagtataka ako sa gabi na tanim ni lola sa likod ng bahay niya. Sa ilokano (aba). 2019 pa to pero hindi dumadami. Nag iisa lang siya. Matanda na pero ganyan parin. Good day po sa inyo lahat 😊. #Photography
Kahit inaasar asar ko to hindi ako nililingon basta sige lang sa paglalaro haha. Sabing maligo na para malamigan ang katawan eh. Mamaya ng mamaya. Sinanay kasi ng parents sa gadgets kaya ayan hindi na mamansin basta makalaro lang 😂. Mga bata talaga hihi. Good afternoon. Very hot 🥵 #Photography
Pati aso nahihirapan na sa sobrang init. Ako rin hindi kona kaya ang init. Ligo muna ako para fresh. Gandang hapon po. Miryenda time 🥰 Hello Philippines 🥰 #Photography
Dito kami sa bukid ni kuya sumama ako para tignan yung mais kung pwede na anihin 🥰. Pwede na pala. Gutom na gutom yung kalabaw ni kuya isang buwan na siyang hindi nakakatikim ng sariwang damo. Ngayon nalang ulit siya nakapunta dito sa bukid. Kawawa naman 🥰 ngayon makakatikim na siya. #farmer #province #Photography
Wow angganda ng puno haha. Circle shape 😍. Angkulit ng mga aso 😂 sunod ng sunod kala mo may makakain sila dito. Nadaanan lang namin habang pauwi kami ni kuya ❤️. Gandang hapon po. #Photography
Hello guys flex ko lang luto kong ordinary cook na pancit ❤️. First time ko magluto ng pancit haha. Sana masarap 🥰. Hindi na ako nagluto ng kanin solo nalang to 😊 Kayo po ano ulam niyo? Nakapagluto na siguro kayo 😍. Good evening everyone everybody 😊 dinner. #Photography
So sad kasi qr code na pala account ko 😔. Hindi na makatanggap ng tp. Kaya wala na ako magagawa kundi tanggapin kona lang ang punishment ni noise 😔. Hindi ko alam kung ano nagawa ko.
Feeling blessed super happy po ako kasi bumalik na din sa dati account ko. Thank you friends at lalo na sayo lord. Btw kain po tayo ng mangga. Sawsaw sa asin na may suka ng sili hihi. Tama na yung dalawa baka sumakit pa tiyan ko. Magandang gabi po sa inyo Naimbag nga rabii #Photography
Bch to the moon. Angsarap sa feeling pag nakikita siyang tumataas. Kaninang 7:25 pm tumaas ng 59k. Amazing diba po? Sana tuloy tuloy. Salamat bch. Good evening to all. #bchrising Photo credits to https://www.redbubble.com/i/t-shirt/Kawaii-Crypto-Bitcoin-Cash-Honey-Badger-To-the-Moon-by-kawaiicrypto/31854563.NL9AC #BitcoinCash
Good evening. Galing po kami ng birthday party tapos inabutan kami ng mga ganito hihi. Napag isip namin na sa kalsada na namin kainin haha. Ang ilaw lang namin ay mga flashlights lang ng phone namin. Para kaming mga baliw dito haha. Kain po tayo pancit. Kahit pancit din naman kinain ko sa bahay kanina. Anyway sakin po yang dalawa haha. #Photography
Nahalungkat ko lang sa gallery ko. Heto yung coffee na binigay sa lahat ng nasalanta ng baha dito sa cagayan noong november 12 to 15 2020. Kung nandito man yung mga tumulong noon sa cagayan valley flash flood thank you po ng marami. Dahil sa sobrang krisis noon halos 3 days 3 nights yung iba na natulog sa bubong dahil halos malubog na talaga. Good evening. Inaantok na ako mag 1 am na pala. #bangoncagayancoffee #Philippines
Naniniwala po ba kayo na kapag ang bata kumain ng ulo ng manok ay maagang pumuputi ang buhok? Haha dahil don sa utak. Noong bata kasi ako ganon laging sinsabi ng parents namin. Wag daw kami kakain ng ulo magkaka uban ka. Pero ang totoo don sa pagkakaalam ko style lang nila yon para hindi namin galawin yung ulo haha. Corny ko hihi. 1:44 am puyat na talaga to. #RandomThoughts
As of may 5 11:45 pm bch higher. $1,332.64 = Php64,033.10. Wow talaga. Parang gusto ko iconvert to bch yung php balance ko haha. Pero late na. Saka nalang pag bumaba na ulit. #bchtothemoon Matutulog na po ako. Good night everyone. Sweet dreams to me. Good night noise #CryptoTrading
Good morning. Angsaya paakyat ng paakyat si bitcoin cash. Kaya naman already done na ko sa pagconvert to peso ang bch ko. Pwede ko naman ibalik siya pag mababa na ulit si bch diba? Gusto ko sana ihold muna kaya lang baka bumaba na nasasayangan ako. Sabi nga nila nasa huli ang pagsisisi hahaha. Tara po breakfast po tayo. #RandomThoughts
Kahit gaano mo siya kagusto titigan hindi mo magagawa kung wala kang sunglass haha. Parang lens lang siya. Hot morning noisers. Mainit nanaman ang araw. Stay hydrated stay safe po. #Photography
Pipitasin kona sana yung bunga ng dalandan eh pero hilaw pa naman ang asim pa for sure. Tawag namin sa ilokano niyan (mandarin). Tinamad na mamunga ng marami. Dati kumpol kumpol. Ngayon nabibilang lang bunga hahaha. Oh baka gutom na kayo magluto na para sa lunch. Ingat po tayo lagi. Crdts to me #Photography
Sarap maligo sakto mainit. Anglinaw pa ng tubig. Wala naman ako kasama maligo. Don sana sa kabila picnic para happy hahaha. (Karayan). Cagayan valley river. The longest river of cagayan. Wow awesome hihi. #Photography
Familiar kaba? Alam moba kung ano o para saan to? Every year mga buwan ng april, may, june hanggang july gumagawa ang tito ko ng ganito. Hanggang sa august yan. Pag september na saka nila ilalagay sa ilog gamit ang mga tali ibababad na nila yan hanggang october. Araw araw din nila yan inaangat. Yan ay tinatawag na (bubu) sa ilokano. Panghuli po yan ng isdang once a year lang makikita na tinatawag sa ilokano (Mori) na dito lang sa cagayan river makikita. Hindi ko alam kung…
Tara sa loob ng save more mga kanoise. Magpapalamig lang kahit wala naman bibilhin haha. Wala kasi magawa. Kaya ingat ingat lang kami baka macovid eh. Save more amulung. #Photography
Nandito na rin lang kain ulit street foods. Kwek kwek ulit tara guys hihi. Diko talaga maiwasan pag nakikita ko to. Good afternoon to all late na miryenda haha. #streetfoods #landofsmilingbeauty #Photography
Mareach ko man o hindi ang $1 a day happy na ko. Ang importante meron parin kahit maliit malaking tulong na yun. Kaya naman thank you ako kay noise at sa mga noisy people diyan na tumutulong. Merry Christmas sa inyo haha joke lang. Good afternoon po. Luto time na ang little sister hihi. #CryptoTrading
Commercial break mga noisy people. Sa labas ng bahay malakas ang internet connection pero maraming lamok. O sa loob ng bahay na mahina ang internet connection pero walang lamok. Saan ka? Wag nang mag alala sa labas kana lang. Dahil may solusyon na sa problema mo. Mag off lotion ka. Hindi kana kakapitan at kakagatin ng lamok mabango kapa. At stable pa ang speed ng internet connection mo para mag noise.cash. off lotion iwas kati iwas dengue. Hahaha good evening mga kanoise.…
Meet my 3 years old dog named nagistiwayt. Pinangalan ko yan dahil sa kapatid kong bata na babae na ang tawag niya noon sa 3 in 1 coffee na (great taste white) ay nagistiwayt. Kasi bata uutal utal pa haha. Kaya pinangalan ko sa aso ko. Ang cute ng pangalan diba po? Good evening take your dinner. Eat well po. #Photography
Ano tawag niyo sa halaman na to? Yung maliliit ang dahon po. Parang kahawig ng dahon niya yung mga nakikita sa mga fishpond na kulay green na palutang lutang lang. Namumulaklak din kaya yan? Nakita ko lang sa kapitbahay kanina nung bumili kami snacks hahaha. #Photography
Hello ma'am/sir. How to convert php to bch po? Gusto ko lang dagdagan yung bch ko galing sa PHP ko. Nasanay lang kasi ako magconvert sa bch to php. Good evening. #CryptoTrading
Need to rest na. Hindi na talaga kaya ng mata ko. (Lord thank you po sa blessings ngayong gabi na to. Thank you din po sa inyo noisers sa kabaitan niyo) thank you and good night to all of you. Keep safe stay healthy. (Iloveyoubch) Gif credits to https://tenor.com/search/thank-you-and-goodnight-gifs #RandomThoughts
Nasasayangan ako kung nihold ko lang sana kahapon mas malaki sana income ko ngayon hahaha. Hintayin kona lang bumaba para convert kita ulit. Bch to the moon. Good morning crytos. Tara coffee #CryptoTrading
Pwede na to for lunch mga beshy. Ano masarap isahog dito? (Rabong ti kawayan) May sinasahog ditong gulay na tinatawag nilang (saluyot) yung madulas ang dahon pag naluto. Kaya lang hindi pa nila season ngayon kaya wala pang ganon dito. Good morning. Nagsikain naba kayo ng breakfast? #province #MyLife
Alam niyo kung saan fresh at malamig ngayong tag init? Dito sa munting gubat. Fresh air. Sakto lang ang lamig at init yung feeling na kampanteng kampante ka talaga. Advance happy lunch time noisers. Eat well. #Nature
Hello kagising ko lang may 1 hour din tulog ko not bad. Then nakita ko si kuya. Sabi ko (kuya nagugutom ako) sagot niya (puro ka cellphone nagugutom ka din pala. Hintayin mo yung iniihaw kong bangus malapit na). Hahaha nagalit panga. Paglabas ko tinignan ko wala yung ulo. Hinalo pala don sa sinigang niya. Perfect combination ng inihaw na bangus datu puti soy sauce na may calamansi with siling labuyo hihi. Tara po kain tayo. Magandang hapon pilipinas. #Photography
Napadpad nanaman ako dito. Kagagawan to ng pinakamalaking baha noong november 2020. Malalaking kahoy ang inanod. Buti nalang hindi sila tumama sa mga bahay kung hindi. Sigurado giba dahil sa dami. Maraming nasirang pananim mga mais mga gulay at mga namatay na hayop. Kamuntikan pa inanod yung kalabaw ni kuya. Sana wag na maulit yon kahit kailan. Good afternoon everyone. #NoiseCash
Kawawa naman mga aso ko init na init na sila. Kung saan saan nalang sinusuksok sarili nila. Minsan sa ilalim ng mesa basta malamig don sila. Si nagistiwayt yan po yung nanay nung nakatayo. Name niyan jukno hahaha. Sunod ng sunod kahit saan kami nagpupunta. Hapon na naman noisers handa handa na sa paglukuto haha. #Photography
May naiwan si kuya na sigarilyo sa ibabaw ng balde. Then kinausap ko siya. (Kuya tigil mo kaya to mamaya may cancer kana dahil dito). Sagot niya sakin (ikaw yung babad sa cellphone tapos wala kang alam sa benefits ng sigarilyo sa katawan ng tao. Search ka sa google). Nag search naman ako kaya nakita ko ang 5 health benefits of smoking. Totoo kaya to? Hindi ko alam eh 1: Smoking lowers risk of knee-replacement surgery 2: Smoking lowers risk of Parkinson's disease 3: Smoking…
Hello good afternoon noisers. Uso din ba sa inyo pag nagtatanim kayo ng umaakyat na gulay naglalambitin din ba kayo ng bote gaya nito? Upo po yan nalanta na dahil sa init. Stay safe po cooking time na hihi. #NoiseCash
Good evening traders. Cooking mode palang late na. Ginabi na kasi. Old style. Saing sunod ulam naman. Pagod na ko haha. Ang init pa sabayan ng pagluluto. Pawis pa more. #CryptoTrading
Yellow corn. Sakto isang beses lang to mabilad mamaya. Bukas pwede na ibenta. Pambili daw ng tsinelas at ice cream. Mga bata talaga kung ano ano gusto nila hihi. Good morning po. #Photography
Bumili ako ng pakwan (watermelon) ang mahal na pala. Paglapag palang to ng mesa ipapahiwa na agad to ng bunso kong kapatid hahaha. Napakatakaw pa naman ng pakwan yun. Tara po mamalengke muna tayo. #MyLife
Bawal pumasok 18 years old pababa at 65 years old pataas. Kaya tinanong ko yung matanda na natitinda ng (watermelon) kung ilang taon na siya. Sabi niya 57. Kahit covid free na dito bawal parin sa mga bata ang lumabas at mga seniors. Maliban lang kung importante yung lakad. #Photography
Done shopping. Sayang wala pang kwek kwek haha. Uwi na kami ang init dito sa labas. Pinagpapawisan ako. Sumasakit ulo ko pag galing sa mainit at malamig tapos mainit ulit. Magandang tanghali kabayan kapuso kapamilya kanoise. Ingat po tayo palagi. #MyLife
May naiisip akong luto para dito sa itlog at mangga. Search nga ako sa youtube mamaya paano yung ingredients. Baka magkamali masira lang sayang. Hindi pa naman ako marunong hahaha. Ang alam ko lang lutuin kanin, nilaga, inihaw, at paksiw. Yun lang yata haha. #MyLife
Nag iisa nalang lalaking pato namin kung tawagin sa ilokano (barako). Last year marami kaming pato pero tinamaan ng sakit tatlo lang natira. Dalawang inahin at isang lalaki nalang. Ngayon may apat silang anak. Alam niyo ba na may benefits ang karne ng pato? Sabi sa nakasulat dito (https://pepesducks.com.au/four-benefits-of-duck-meat-that-make-it-more-than-a-casual-luxury/#:~:text=2.,nutrients%20like%20niacin%20and%20selenium.) ay mataas sa protein sa iron katulad din sa…
Everyday daw ang pangalan ng halaman na to. Dahil araw araw daw may bulaklak. Angganda ng bulaklak niya. Tara magdilig ng halaman. Nalalanta na sa init ng panahon. #Photography
Ganda ng bulaklak ng gumamela. Pulang pula. Tinititigan ko yung nasa dulo yung maliliit na kulay Pula na bilog parang anglambot na tela haha. Alam niyo po ba na nakakatulong daw po ito para gumaling ang pigsa sa balat? Nakikita kona ito dati na dinidikdik at tinatapal nila sa paligid ng pigsa para na din hindi daw gaano kumirot. #RandomThoughts
Tignan niyo po ang halaman na to. Hindi ko kasi alam ang pangalan niya basta ang masasabi ko angganda. Bulaklak palang niya angganda ng kulay. Kung titignan mo parang dahon lang din yung bulaklak. Napakaganda. Kung tititigan mo makikita mo talaga yung pink na pink na kulay niya. Tara po luto na nanaman ng hapunan. Aagahan kona magluto. #MyLife
First time ko mag picture ng ganito. Nagandahan talaga ako sa pagcapture dahil sa kulay ng langit habang gumagabi na. Lalo pang gumanda nung nifull brightness ko ang cellphone ko. Time of shoot 6:39 pm. Mas makikita sana ang ganda kung kulay green pa ang mga dahon ng mais. #Nature
Kuha ko po ito ngayon lang dito sa kalsada dito sa amin. Kumikinang po ang mata ng aso dahil sa ilaw ng cellphone ko habang nakaharap siya sakin. Bakit po kumikinang? Kaya naman po nagsearch how ng why do all dogs eyes glow in the dark? Kaya dito ko nalaman sa (https://www.google.com/url?sa=t&source=web&rct=j&url=https://www.fitdog.com/blog/dogs-eyes-glow-night/&ved=2ahUKEwiAg-n1l7rwAhVRMd4KHRg9DmUQFjAFegQIFxAF&usg=AOvVaw0g6ixyK-PjZDZyPefCIHZC) Ang dahilan kung bakit…
Nakita ko ulit yung mangga sa kusina. Sabi ko kay kuya (kuya mangga). Sagot niya (bukas kana kumain mamaya sasakit tiyan mo tapos manggigising ka pag nag cr ka). Natawa ako pero binalatan ko parin yung isa haha. Isa lang para naman hindi ko mapanaginipan kung sakali. Diba may sabi sabi na kapag dimo natiman sa panaginip mo matitikman? Parang naniniwala naman talaga ako don. May kamote pa hihi #indianmango (Edited) happy mother's day to all of us #MyLife
Yung aso ko sarap na ng tulog naghanap pa talaga ng malamig at fresh na lugar kung saan siya kampante. Parang tao din. Kaya nga humans best friend nila tayo. Ramdam kona rin ang ang antok gusto na din pumikit ng mata ko kanina pa. Guys? Have a sweet dreams po sa ating lahat. #doglover #nagistiwayt #Photography
Ito po yung tinatawag na (kutchay) sa ilocano. Hindi ko alam kung ano din tawag sa inyo nito. Kahawig nito yung sibuyas o (onion). Herbal po siya. Madalas ginagamit to sa mga baby's. Pinipiga yung dahon niya kinukuha yung katas at pinapainom sa baby. Dahil nagagamot po nito ang sakit ng tiyan ng bata. Madalas hinahalo ko din to sa scrambled eggs Sa adobo at sinigang. Tanim po ng mama ko yan. Happy mother's day to all mother's. I love you mama. #MyLife
Tignan niyo po ang halaman na to. All green siya. Napakasimple. Kung titignan mo parang plastic lang but no. Hindi ko alam kung ano ano ang tawag sa ganito. Hindi ko rin po alam kung ano kulay ng magiging bulaklak niya o baka hindi siya namumulaklak. I don't know. Pero angganda ng mga dahon niya bilog bilog. Madali lang po siya mabali. Kasi hindi matigas ang kahoy niyan. Again happy mother's day. #MyLife
Hello noisers. coffee? Kahit mainit tara magkape. Alam niyo po ba na ang coffee powder na ito ay ginagamit din ito para sa mga nasusugatan ng malalim o nahihiwa at sobrang pag agos ng dugo? Binubuhusan nila coffee powder ang mismong sugat para mapigilan ang pagdurugo. Kasi ang kape dumidikit siya pag nababasa. Anggaling po diba? Madalas ko po ito nakikita dito sa probinsya pag may masusugatan ng itak o kahit ano diyan basta malaki kape ang una nilang ginagamit. #MyLife
Like mother like daughter. Yan ang mag inang aso namin hahaha. Nakikisabay sa mother's day kaya natulog na sila. Same position pa haha. Parang puyat na puyat sila sa kababantay at katatahol sa gabi. Good afternoon happy lunch time and happy mother's day. #doglover #province #sleepy #Photography
Kagabi pinost ko tong kuha kong sunset dito din. Ngayong tanghali eto siya ang makikita mo napakalawak lang na maisan. Ilang araw lang ang lilipas puro lupa nanaman yan. Susubukan ko ulit mamayang hapon na kunan ang paglubog ng araw kung maaabutan ko. Angganda ng view niya pag lulubog na yung araw. Mas maganda siya pag dumidilim na diba? Capture time 1:03 pm. Sunset photo : 6:39 pm #Nature
Guys first time ko mag cash out via (Palawan) dito sa coins.ph. Gusto ko lang po malaman. Dito sa recipient po ba kahit sino ilagay kong pangalan? Example my father's name or my brother's name? Kailangan kona kasi kunin pera ko for personal use. Salamat po. (Edit) #CryptoTrading
Ampalaya po pangsahog sa karne ng manok, munggu at papaitan. Ang tawag po dito samin niyan (parya ti aso) sa ilocano. Na madalas tumutubo lang kahit saan sa bakuran. Madalas ito makita sa madadamong lugar kagaya sa mga bundok kumbaga wild din sila pero gulay nga lang. Hindi siya gaano mapait saktong sakto lang. Maliliit ang dahon niya pati bunga hindi kagaya ng mga ampalaya na tinatanim lang natin o nabibili sa mga palengke. Mas gusto ko po itong ulamin kesa sa mga hybrid na…
Kuha ko to ngayon dito sa bukid. Habang naglalakad kami ni kuya para tignan yung mais namin. Bukas ipapaani na. At yun nga nakunan ko yung sunset. Hindi siya gaano naging makulay kumpara kahapon. Maganda sana to kung sa ilog ko kinunan may reflect pa sana sa tubig pero anglayo naman kung don pa ako pupunta hahaha. #probinsyana #mais #sunset #happymothersday #Nature
This photo is taken 6:20 pm. Napakaganda ng kulay niya. Parang nasa mundo ka lang na sobrang tahimik walang gulo, napakapayapa lang. Diba? The world is so beautiful. because of our god. All are beautiful. Enjoyin lang natin ang bawat araw na lumipas. #evening #clouds #nature Credits to me
Tulog na tulog na siya. Pero ang akala ko noon pag tulog ang aso madali mo lang matatakasan. Pero siya hindi. Agad magigising pag nawala ako sa tabi o malapit sa kanya. Maliban nalang kung nasa loob na kami ng bahay. Ganyan magbantay ang aso sa mga taong mahal nila. Akala natin mababangis at nakakatakot sila. Oo mababangis at nakakatakot sila pero nagiging mabangis sila dahil sa akala din nila na sasaktan natin sila o sa may gagawin tayong di maganda sa mga taong malapit sa…
Ngayong gabi gusto ko pong ishare ang halaga ng sardinas o (sardines) sa mga alaga nating aso. Katulad ko po may mga aso ako. Ito pong ishare ko ay totoo at mabisa talaga kasi mula pa mismo sa lolo ko to na lagi niya ginagawa pag may sakit ang aso. Alam niyo po ba na ang nabibili nating sardinas sa mga tindahan ay nakakagamot din sa aso? Kapag walang ganang kumain ang aso mo, o kapag nakakain ng mga patay na hayop o nabubulok na patay na hayop. nagsusuka sila pagkatapos,…
Ganito lang kami ng mga aso ko madalas. Ang aamo diba? Pero ang iingay nila sa gabi katulad ngayon. masakit sa tenga haha. Pag tumahol ang isa tumahol din sila. Pati aso sa kapitbahay nakikitahol din. Puro yata ako aso ngayon ah hihi. Matutulog na po ako. Sana kayo din. Lagi po kayo mag iingat. Video converted to gif. #MyLife
Nag almusal na po ba kayo? Mahalagang kada umaga ay nag aalmusal tayo para lagi tayong malakas. Masarap po sa umaga ang instant noodles. Dahil maraming benefits ang nakukuha natin dito. Nabasa ko dito (https://drhealthbenefits.com/food-bevarages/food/health-benefits-of-instant-noodles-for-breakfast/amp). Bago magtrabaho po almusal muna. Photo by me #MyLife
Dahon ng bayabas (guava leaves) dito sa probinsya marami ang kayang ibigay ng isang bayabas sa tao. Ang Bunga masarap isawsaw sa sukang pula. Alam niyo po ba na ang dahon ng bayabas ay nakakagamot ng sakit ng tiyan, pagtatae? Hanggang ngayon ganito parin turo saamin ng mga magulang namin. Pinapakuluan ng kahit mga 30 minutes ang dahon. Saka ito iinumin. Nakakatulong kasi ito para patigasin ang mga dumi natin sa loob. Gamot din sa sugat, pwedeng itapal, pwede ding panghugas…
Wow medyo malalaki na ang mga bunga ng langka namin (jackfruit). Matamis pa naman to sarap. Kaya lang pag pinagpawisan ka amoy langka pawis mo haha. Ang jackfruit po ayon dito sa (https://www.hindawi.com/journals/ijfs/2019/4327183/#:~:text=The%20flesh%20and%20seeds%20of,related%20disorders%20such%20as%20osteoporosis.) mayaman sa nutrients including carbohydrates, proteins, vitamins, minerals, and phytochemicals. Dami pong benefits nito sa katawan pala ano po? May tanim po ba…
Pag napapadaan ako dito sa kapitbahay namin agaw pansin sakin tong halaman na to na nilagyan ng shell ng itlog hahaha. Napapaisip ako ano kaya ang purpose non bat may itlog? Style lang niya siguro. #NoiseCash
Nakakita ako ng pugad ng ibon (birds nest). Akala ko may itlog yun pala wala. Pinaabot kopa naman kuya. Mga damo at dahon ng kawayan tong ginawa nilang pugad. Siguro napisa na to 2 weeks ago na. Pugad po yan ng maliliit na ibon na kulay pula yung balahibo at kulay puti ang tuka. Hindi ko alam kung ano tawag sa inyo non pero kung familiar kayo sa tinatawag na (billit tuleng) sa ilocano. Yun na po yon. #Nature
Anglinaw ng tubig. Sarap maligo at maglangoy ngayon ah papunta sa kabila. Don puro buhangin mas mababaw pa. Kung kagaya siguro nung bata ako maraming tulya tong cagayan river eh. Ngayon wala na. Bat kaya nawala na sila? Halos araw araw nandito kami non para manguha ng tulya eh. Sarap pa naman yun ihalo sa scrambled eggs. Good day everyone. Eat your lunch. #Nature
Sarap ng hangin dito sa tabing ilog. Nakakaantok. Pero hindi ako pwedeng matulog dito. Hindi natin alam ang iniisip ng ibang tao. Kaya uuwi nalang ako. Kahit mainit basta ganito kalakas ang hangin katamtaman lang aantukin ka. Kaya lang pati buhangin sumasama sa hangin. Nakakapuwing. (Video converted to gif) #Nature
Papalabas na bulaklak niya. Ano kaya itsura ng bulaklak nito pag namukadkad na po? Hindi ko alam pangalan ng halaman na to. Pero tingin ko maganda siya. Hindi pa ako nakakakita ng bulaklak nito na lumalaki. Baka bukas labas na lahat yan. Hapon nanaman po. Mainit parin. Pero ayos naman kasi mahangin na. #Nature
Made by reface app. Hindi ko kilala yung babae pero im sure magaling na artista siya. Ganda ng result. Ganda ko pala haha. Bagay ko yata mag artista haha biro lang. Pero parang naging korean naman na. #Jokes
Ulam namin (kadis). Ano tawag sa inyo ang isdang to? Masarap to sa sigang. Pero mas favorite kong luto yung normal na sinabawan lang. May kamatis, luya, asin, betsin at sibuyas lang siya. Kayo po? Anong luto mas pinakamasarap o mas komportable kayo sa isdang to? #MyLife
May pahabol na bangus si kuya. Sabi niya ihawin ko daw. Diyan naman talaga ako expert sa inihaw hahaha. Kaya lang sa lagay na to. Matatagalan maihaw to. Kayo tapos na kumain? Kami mamaya pa. Mahirap kasi ang hindi sabay sabay kumain. #MyLife
Ito ay kuha ko kaninang 6:28 pm. parang silhouette lang ang view. Eto hinabol kopa sa oras. Late post na. Napakaganda ng kulay ng kalangitan po diba? Magandang gabi po sa ating lahat. Photo by me #Nature
Napadaan kami ni kuya dito ngayon lang. Nakita ko kasi to sa gilid ng kalsada (kamoteng kahoy). Familiar ba kayo dito? Alam niyo po ba na masarap sa gata to? Noong nasa maynila ako palagi ko to natitikman na ulam talbos ng kamoteng kahoy na ginataan. Kailangan mo muna siya pakuluan saka mo pigain. Pagkatapos iluluto mo sa gata. Hindi ako marunong magluto ng gata pero sinabi sakin yan para hindi mapait (Edit) this gif video converted to gif. Credits to me #Nature
close your eyes and rest your sleepyhead. For when you wake a new day ahead. Sana lahat tayo nasa mabuting kalagayan. Good night everyone. Matutulog na po ako. Photo credits to https://tenor.com/search/goodnight-love-gifs #RandomThoughts
Kape po para sa magandang gising sa umaga. Oras nanaman ng trabaho sa mga may trabaho diyan. Mahalaga ang kape kapag hindi kapa nag aalmusal. Ugali pa naman natin ang hindi mag almusal minsan oras ng breaktime na tayo nag aalmusal. Basta may kape ayos na para mainitan ang sikmura. #MyLife
Angganda ng bulaklak ng gumamela kulay pink. Magkakaiba pala ang mga gumamela. May pink may pula. Yan palang ang alam ko klase ng gumamela pero sa totoo lang hindi ko alam ang tawag sa kanila. Noong nakaraan pinost ko yung kulay Pula (https://noise.cash/post/14qjkk79). Matatangkad sila halos umaabot din yata sa 15 feet ang taas. #Nature
Tatlo nalang mga anak ng pato namin. Namaalam na yung isa. Kawawa naman. Ngayon lilinisan kona tong kulungan nila para fresh naman yung pang amoy nila. Kailangan sila ikulong ni kuya dahil uubusin lang sila ng pusa ng kapitbahay. Dahil maliliit pa yan ang gustong gusto nila kainin. #ducks Video converted to gif #MyLife
Kakatapos ko lang mag tanim ng atis (sugar apple plant). Bihira lang ang may ganitong halaman dito sa amin. Masarap ang bunga nito pag nahinog. Sana swerte kamay ko sa pagtanim sa kanya. Para makapagparami naman kami ng puno niya. #planting #Nature
Sinilip ko yung loob ng kawayan ito po nakita ko yung pinamumugaran ng pato kung saan siya nangingitlog. Anggaling ng ginawa niya kasi kung asong nangngain ng itlog hindi basta basta makakapasok dahil sa puno ng kawayan masikip. Pinaloob kopa cellphone ko para kunan ng picture. Tinatabunan niya ng mga dahon ng kawayan at mga balahibo ang mga itlog niya. Hahaha iba din pala tong mga pato. #duck #nest #Photography
Kakatapos ko lang maglinis ng bahay. 2 hours din inabot ko. Sobrang init tapos maalikabok na din loob ng bahay. Kasama na tong electric fan na to. Sabi nila kailangan tanggalin ang mga alikabok at dumi niya para hindi magiging pabigat sa pag ikot niya at para tipid na din sa konsumo ng kuryente. Hapon na po. Miryenda na muna tayo habang nagpapahinga. Sobrang init kasi. #Nature
Share ko lang karanasan ko ngayong taon na ito na scam ako. Sa totoo lang medyo matagal na din to mga april this year noong na scam ako ng isang investment. Hindi kona ililink yung mga social media accounts nila. Pinangakuan nila ako na within 3 days makukuha ang capital and yung profit ng ininvest ko. Dito ako nag-invest coins.phi500@yahoo.com coins.ph email po niya yan. Ang tanga ko naman kasi napapayag ako. Nag invest naman ako. Kasi hindi ko naman aasahan na ganon. Dahil…
Nakakita ako ng gagamba. Natatawa ako dito. Kukunan ko sana ng picture yung likod niya pero angbilis niya lumipat tapos lipat naman ako ganon parin siya. Ayaw niya na kunan ko yung likod kaya ganyan nalang. Angbilis niya lumusot sa sapot niya. Hindi siya katulad ng ibang gagamba na kapag takot na takbo pataas o tatalon na sila. Pero ito iba. Lulusot lusot lang. Anggaling. Anong gagamba nga pala to? #spider #Nature
Sumama ako kay kuya magpaligo ng kalabaw sa ilog. Init na init na siya mga 30 minutes din siya nakakababad diyan. Pagkatapos niyan dadalhin naman namin siya sa bukid para makakain ng damo. Actually hindi siya nagtatrabaho. Alaga lang siya ni kuya. Kumbaga friends lang sila. #carabao Video converted to gif #Nature
Photo taken 6:20 pm. Pagkatapos namin dalhin yung kalabaw sa bukid sabi ni kuya (balik tayo sa ilog magpahangin) kaya nagpunta naman kami don mga kulang 1 hour din kami don pinapanood ang tubig at nagpicture picture ng kung ano ano at naglaro ng buhangin. Kung dati dito sa tabing ilog napakaraming puno. Ngayon ubos na. Inanod na ng baha dahil natitibag ang lupa. Hindi pa pala kami nakapagluto haha. Luto muna ako. Stay safe guys. We love you. #Nature
Hello noise family. Share ko lang po group page na sinalihan ko. (Movies) Baka gusto niyo lang po sumali madami pong movies na sineshare diyan. May 35k members siya. Diyan ako nanonood. Kung hindi naman sa search engine lang ako para makapili. (Edit) Link https://www.facebook.com/groups/812162062967198 #fbgroupmovies #NoiseCash
My only one chicken (Cabs). Video ko sa kanya yan habang kumakain kanina lang. Muntik kona makalimutan pakainin. Kasabay ng mga bibe ko sa likod kumakain palang din sila. Gutom na gutom na yung manok ko. Ngayong araw hindi siya nakapangitlog. Siguro nabubuo palang. Angtaba taba niya angbigat nasa 5 kilos po yan. Kawawa lang wala siyang kasama. Video converted to gif #Nature
Kanina lang sabi ko kay kuya (kuya wala na ako maipost yata sa noise. Baka may alam ka diyan). Sagot niya (halika sumunod ka) So sumunod naman ako. Dinala niya ako sa lumang bahay nila Lolo at lola na ginawa ng kamalig. Angdilim don. Sabi niya ayan kunan mo ng picture yung gagamba haha. So kinailangan kopa sumakay sa balikat niya para matutukan ko ng camera yung itlog ng gagamba nakapulupot na wire ng kuryente at gagambang kumakain pa ng nga flying insects. Kaya eto po siya…
Tabing ilog po ito. Kung mapapansin niyo tibag tibag na ang lupa. Kung noon makapal ang mga kahoy dito sa tabing ilog para suportahan ang lupa para hindi ito bumaba. Ngayon nabaliktad. Sa pagtibag ng lupa pag lumalaki ang ilog sumasama ang mga puno, naaanod. Lahat ng ito ay gawa ng tao dahil sa kapabayaan at pang aabuso sa kalikasan. Isa na dito ang mga chemical na products nila. Yung mga chemical na pamatay damo na hindi natin alam masama ang epekto nito sa lupa. Kaya…
Isang masayang umaga ang bumungad sakin sa batang to. Napakulit. Kung ano ano ang trip. Ang aga aga napakadumi na niya. Ginawa niyang cellphone yung apakan ng bike hahaha. Nagseselfie daw siya. Andiyan yung parang may kavideo call siya kala mo totoo hahaha. Angdaldal pa kala mo totoong may kausap. Nakakatawa yung pagsalita kasi nabubulol pa siya. Kayo happy din ba umaga niyo? Ako super happy haha. #makulit #bata #MyLife
Kumpara sa ibang mayana eto lang yung napansin ko kakaiba ang dahon. Parang kulot. Hindi katulad ng iba na plain lang siya. Namumulaklak din po ba ang mayana? O ganyan lang siya? #Nature
Late breakfast. Ngayon palang kakain. Kapagod daming labahin pa. Tamang pritong itlog lang muna. Ang mahalaga may laman ang tiyan. Tumitibok ang puso ko pero hindi pula. Nagpapalit anyo nagiging kulay abo hahaha. Tara kain po tayo. #breakfastlangsakubo #MyLife
Lukbati o alukbati ang tamang tawag dito? Dito samin (bilunak) tawag dito. Kuha sana ako talbos niya tatatlo naman nakikita ko hahaha. Ang alam ko dalawang uri to eh. Yung pangalawa violet ang kulay niya. Masarap to sa munggu o sa buto ng sitaw. Makulay ang ang buhay basta may gulay. #MyLife
Haha cute ng tuta ng kapitbahay ah. Babalakin ko palang hawakan para madama ang lambot ng katawan niya nilapitan ako agad nung nanay niya gusto pa ko kagatin haha. Balak kopa sana ibulsa eh hahaha. Angcute puro black hair. #Photography
Kailan ko kaya matatapos tong labahin ko. Ikot ng ikot yung washing machine aabutin pa yata ako ng hapon hahaha. Gloria gloria labandera Gloria gloria labandera Gloria gloria labandera Labandera si gloria. #LABA #MyLife
So sad. Natapakan siya ng nanay niya nung hinabol niya yung isang inahin. Hindi na siya makabangon. Nakakaawa naman siya. Ayan iniwan nalang siyang nag-iisa. Sana makarecover pa siya kundi magugutom siya. #bibe #MyLife
Nandito nanaman ako sa tabing ilog. Grabe walang kaulap ulap. Kaya sobrang init kahit 5 pm na. Btw yung dalawang puno ng kamatsili na yun sabi ni lolo almost 70+ years old na sila. Matatanda na sila. Noong bata ako. Madalas kami ni kuya manungkit ng bunga niyan. Kung hindi namin kayang sungkitin tinatawag na tinatawag namin si tito siya yung umaakyat para makakuha ng bunga niya. Matamis lalo yung mga pula. Masarap. #Nature
Kaninang 5 pm buti nalang nakaabot pa yung pinadalang isang kaban na mais para ibenta. Inabot sakin ni mama yung resibo. Sabi niya kwentahin ko daw kasi busy siya. Kaya 13.30 kada kilo. Mahal pa pala ang mais ngayon. Akala ko nasa 12 to 11 pesos kada kilo. Pwede na rin. Atleast good siya hindi reject or small butil. #MyLife
Childhood memory. Noong bata ako mga 7 years old. Pag pinapasyal kami ng ina namin sa lugar nila kung saan siya lumaki. Doon sa lolo/lola namin maraming bayabas (guava) dati doon. Hindi nila tanim yon, karaniwang tumutubo lang sila at pinapabayaang lumaki. Maliliit lang ang bunga nila. Kumbaga (native guava). Pag nandon na kami unahan na kami sa pagpitas. Sige pitas. Ang paglagyan namin non damit namin kakagatin namin yung laylayan ng damit. Buong maghapon pinagsasawaan…
Nagluto po ako ng karne ng baboy sarap po sa tingin eh noh? Parang adobong pusit lang. Pero nung pinatikim ko kay kuya. (Ano ba tong luto mo? Adobo o sinigang?) Ang asim po pala ng luto ko. Nalungkot naman ako. Nawala ata ako sa concentration ng pagluluto. Naparami ng suka. Totoo po maasim po talaga. Adobong sinigang tuloy ang labas. Niluto kopa naman 1 hour yan. Pero nagsorry naman si kuya sakin hahaha. Sa susunod daw tignan ko kung ano mga nilalagay ko. Sadyang napasobra…
Parang nagtampo yata ang mahal kong kuya hahaha. Nagpapatulong ako katulad kagabi humingi ako ng tulong sa kanya kaya ayun yung gagambang bahay naipost ko kagabi Ngayon, ayaw niya ko tulungan hahaha. Alam ko naman dahil sa niluto kong ulam na adobong maasim kaya parang wala siya sa mood kasi niluto niya ulit. Hays. Pero konting lambing to baka sakaling tulungan din ako mamaya. Pagod din kasi siya. Tapos ganon pa kasi yung luto ko. Pati si mama natatawa nalang tuloy. Buti pa…
Eto noodles. Nakita ko sa gallery kopa tagal na to. Miss kona to. Sarap kaso yung isang (samyang noodles) super hot and spicy. Grabe anghang kada subo inom ng tubig. But very delicious ika nga. Angsarap ng noodles nila. Lalo yung pancit canton. Kahit maanghang naubos ko. Favorite ko kaya yung hot and spicy. Yummy. Photo taken January 2021.
2 am in the evening. Kakatapos ko palang sa pinapanood kong movie. Ngayon ko palang naalala na maaga pa ako bukas. Napasarap na kasi sa panonood. Kailangan kona po matulog sana ganon din kayo mga kaibigan ko mga kapatid. Hindi na rin kaya ng mata ko. Sweet dreams to me and sa inyo din po. #RandomThoughts
Sa mga slow internet connection diyan tulad ko. May suggest ako para sa inyo. Para mapabilis ang pag upload niyo ng pictures dito kay noise gumamit kayo ng (https://play.google.com/store/apps/details?id=com.appsuite.hasib.photocompressorandresizer&hl=en_US&gl=US&referrer=utm_source%3Dgoogle%26utm_medium%3Dorganic%26utm_term%3Dphoto+compressor&pcampaignid=APPU_1_8EucYPOzJ6eUmAWlgJnABQ) photo compressor. Kaya nitong paliitin ang size ng pictures kahit hindi niyo na i-crop. Mas…
May naaalala ba kayo noong kabataan niyo tungkol sa butas na ganito sa lupa? (Childhood memory). Noong bata ako madalas namin ginagawa to ng mga kaibigan at mga pinsan ko sa bakuran o sa elementary school. Binubuhusan namin siya ng tubig hanggang sa umapaw at mapuno siya. Minsan isang balde nabubuhos namin sa ganyan butas. Hanggang may lumabas na malaking kuliglig (cicadidae insects) maraming uri kasi ang ganitong insects. Pero ang madalas nakatira sa butas na yan ay…
Pakuha ko nga to mayang hapon. Labong ng kawayan (bamboo shoot) sarap to sa adobo o lagyan ng saluyot diba? Tapos lagyan mo ng isang basong durog na sili hahahaha. Mahal to sa mga palengke eh. #Nature
Ano ang tawag niyo dito sa uod na ito po? Madalas itong nakikita sa mga dahon ng suha (pomelo leaves). Sa ulo niya parang may sungay siya na humahaba at lumiit. Ganon din sa buntot niya may sungay din. Malalambot sila hawakan. Cute sila. Pag gumagapang sa balat nakakakiliti. Di ako sure pero ang alam ko nag-evolve ang mga to at nagiging paro-paro. Photo credits to me #pomelo #Photography
Hindi ko alam kung anong insect to. Nakita ko kasi na dumapo to sa puno ng bayabas nung nilapitan ko lumipat naman siya sa kabilang puno. Kaya kinunan ko ng picture. Kung malaki lang to katulad ng mga kalabaw sarap siguro sakyan yan don banda sa leeg. Alam niyo ba yan? Photo credits to me #Photography
Nakakita ako ng puno na napuluputan ng barbwire. Sa itsura niya matagal ng nakapulupot sa kanya to tingin ko 3 to 5 years. Maliit pa siguro to nung nilagay kasi kinain na siya ng puno. Bukol nalang ang paghahalataan mo nito pag lumipas pa ng 2 years hindi na makikita ang barbwire na to. Grabe naman. Mula pa nung maliit nasasakal na siya hanggang paglaki. Hays. #Nature
Sabi ko nga matataguan moko hindi kita nahabol bago lumubog araw hahaha. Sabi ko nga nung nakaraan ilang araw lang kalbo nanaman at puro lupa na ulit ang makikita. Dahil tapos nanaman ang anihan. Panibagong tanim ulit pagdating ng tag-ulan. #Photography
Kagabi nagkamali ako ng luto ng adobo dahil naging adobong sinigang hahaha. Ngayon naman adobong adidas niluto ko. Masasabi ko ng perfect cook hahaha. Sakto na sa lasa, ordinary cook lang po yan walang madaming rekado. Tamang paminta, sibuyas, bawang, vinegar, luya at toyo lang na may konting asukal. Siguro naman hindi na magtatampo yung kuya ko hahaha. Hindi na niya lulutuin ulit hahaha. Gandang gabi po sa inyong lahat. Tara po dinner na. #MyLife
Common house gecko or house lizard (butiki). Hindi naman talaga siya itim pero nung kunan ko parang anino lang or mantya sa yero. Dahil siguro sa sinag ng ilaw. Madalas lang to makita sa gabi dahil lapitin nila ang ilaw para manguha ng insects na kakainin nila. Anyway ang common house gecko o house lizard ay pinapaniwalaan parin dito sa amin hanggang ngayon na ang mga nilikha na yan ay nakakagamot sa (asthma) na namana pa sa mga kauna unahang matatanda noong araw means mga…
Buti pa sa mga movies (pelikula). Pag yung babae niligtas lang ng bidang lalake sa mga masasamang loob. Mamaya jowa niya na kahit hindi pa niya nililigawan hahaha. Ako Kaya kailan magkakajowa? Hahaha bat kasi wala pa sa isip ko mga ganyan bagay. Napakabait ko talaga hahaha. #Movies
Wow what a beautiful comment. Nakakataba ng puso. Thank you for appreciating my post sir. Thanks a lot.
Siya si (Ramon Artiaga Zamora) ang tinaguriang (Bruce Lee of the Philippines). Actor comedian Gumanap siya sa maraming mga pelikula nung 70's. Gaya ng Shadow of the Dragon (1973), Cobra at Lawin (1973), Game of Death (1974), Return of the Dragon (AKA Revenge of the Dragon) (1977), and Bruce Liit (1978). Naging si sidekick din siya ng maraming actor. Nakakatawa kasi siya kasi komedyante. Idol ko to eh. Naisip ko lang siya isearch kasi nakita ko si bruce lee kanina sa reface…
Kung hindi ako nagkakamali ang uri ng langaw na to (insect) ay (Drosophila virilis) hindi ako sure kasi kamuka naman. Anghirap kunan kasi pag lumalapit ako lumilipad lilipat sa kabilang dahon. Hindi naman to nangangagat hindi katulad ng mga langaw ng kalabaw masakit mangagat. Cute niya no? Pwede kaya gawin pet to? Hahaha. Credits to me. #Nature
Pangsahog po mamaya sa munggo. (Alamang). Kung hindi sa munggo ko to sinasahog minsan sa dinengdeng na gulay o sa scrambled eggs. Sarap po niyan. Pero mas masarap kung yung sariwang shrimp tapos iprito mo. Kayo guys? Saan niyo nagagamit sa ulam to? #province #MyLife
(mosquito) nakita ko siya sa dahon ng Gmelina arborea tree (Melina). Nakakatakot na lamok. Kagat palang sobrang kati na. Minsan nagiging galis pa dahil sa kakakamot. Maraming dalang sakit na pwede natin makuha sa lamok katulad ng Zika virus, West Nile virus, Chikungunya virus, dengue, at malaria. Kaya kailangan natin palaging mag ingat at laging meron tayong pangontra gaya ng insects repellent. Para sa dagdag na protection. Photo credits to me #Photography
Hindi ko alam kung anong klaseng gagamba (spider) to pero parang hawig siya sa (Saitis barbipes) o baka yan nga yun. Kinunan ko to mula sa puno ng bayabas. Mahirap kunan kasi paikot ikot kami sa puno. Tuwing ipuwesto ko cam ng cellphone ko iikot nanaman para magtago. Pero nakunan ko din 3x zoom hahaha. Mapapansin niyo kulang ng dalawa yung paa niya sa kanan. Siguro may gusto kumain sa kanya kaya yung paa niya nakuha. Credits to me #Photography
(mushroom) madalas makikita to sa mga punong patay na o tuyo na. Ano kayang tawag dito? Cute may pagka pinkish o orange ewan basta maganda siya. Maliit lang siya parang piso lang. Parang pamaypay noh? Makunat din po siya. Karamihan sa mga klase ng mushroom nakakain kagaya sa saging sa palay sa mais at marami pang iba. Yung iba nakakalason. #Photography
Familiar ba kayo sa damong to? Hindi ko alam kung ano ang tawag sa inyo nito pero dito sa amin tinatawag itong (am-amsit) sa ilokano. Alam niyo bang ang damong ito ay gulay din? Maraming probinsya ang hindi alam nito katulad nalang sa lugar ng mama ko. Hindi nila alam na nakakain ang talbos nito. Isang araw kasi nanguha si papa sa may bukid sa lugar ng mama ko ng maraming talbos nito. Nagtaka sila tinanong kung nakakain ba yan. Eh damo lang kasi sa kanila yan. Saktong…
Wow angganda. Tumakbo pa ako para habulin si kuya palibhasa nakamotor. Nakakapagod. Buti nalang inabutan ko yung sunset hindi si kuya hahahaha. Ilang minuto lang lumubog na yung araw. Kamuntikan ako matakasan. Masyado lang kasi maliwanag. Kaya ganyan. #bukid #Nature
Dahon ng suha nakakagamot ng anxiety. Kahapon nagpost ako ng uod sa suha. Idadagdag ko sana don ito o magpost ng panibago dahil tungkol naman ito sa karamdaman. Iseshare ko nalang po ang isang post sa social media dito dahil don mas maipapaliwanag niya ng mabuti. Ito ay traditional na gamot o para maiwasan ang nerbyos lalo na kung ikaw ay may (anxiety). Ito ay natutunan ko din sa mama ko. Dahil halos lahat naman ng mga matatanda dito ito ang irerekomenda nila. (Pomelo…
Kaninang kinunan ko yung sunset nasa bukid ako. Kaya naisipan kona din to kasi puro noise na tayo hahahaha. Bunga naman ng mais. Gusto ko lang iparating na dito. Dahil kay noise.cash natututo ako maging photographer charot hahahaha. Opo. Wala naman talaga ako hilig sa pagkuha ng mga pictures gamit ang camera ng cellphone ko. Pero dahil kay noise nagagawa ko para lang may maipost. Kasi iniisip ko din yung rules na (original content). Naisip ko tuloy pag nakaipon ako bibili…
Ito ba yung tinatawag nilang (anlalawang) na gagamba? Kumpara sa mga nasa bahay maliliit lang to. Pero mabilis kumilos at tumatalon din. Hindi nagawa ng mga sapot to katulad ng ibang gagamba para manghuli ng pagkain. Karaniwan lang yata to sa gabi makikita. Pag tanghali nagtatago na sila sa mga sulok. Good night everyone. Maaga pa ako bukas. #spider Photo credits to me #Photography
Magandang umaga pilipinas. Tara po kain. Scrambled egg muna. Sarap to pag may banana ketsup sweet and spicy hahaha. Palabas na si haring araw. Maglalaganap nanaman siya ng init hihi. #Philippines
Kung hindi ako nagkakamali ito yung tinatawag na (wolf spider). Hindi ako sure. Halos magkapareho kasi sila. Kuha ko to sa isang bakod na poste ay puno. Angganda noh? Halos kasinglaki lang ng ulo niya katawan niya. Maliliit lang po sila kung maglakad parang pabigla bigla. Photo mine #Photography
Ano kayang insect to? Itsura niya palang matitigas mga balat niya. Pag nilalapitan bumbuka yung pakpak niya ready to fly pag nasagi mona siya. Angganda diba? Hindi siya paro-paro. Maliit lang siya parang antik lang kalaki. Kinunan ko to sa puno ng bayabas. Cute. Ganda ng shape niya. Photo mine. #Photography
Hello pilipinas. Eto nga pala luto kong tortang talong na kinulang pa yata sa itlog haha. Paminsan minsan magtalong naman tayo na may itlog. Hindi yung puro itlog nalang nakakasawa din po yun hahaha. Diba girls? Tanghalian na po tara kain. #Philippines
Kahapon may pinost na ako na ganito na sa kanan niya kulang ng dalawang paa. Ngayon nakakita ako dalawa naman sa kawayan. Kulang naman ng dalawang paa sa kaliwa at isang kumpleto ang paa. Siguro mag asawa to. Hindi niya pinagbigyan kaya pinutol nung isa yung dalawang paa hahaha. Wait, tutubo pa kaya ang paa niyan? Ganitong ganito talaga yung itsura ng (saitis barbipes) tumatalon po to pag gusto mo huliin mailap mabilis din kumilos. Credits to me #Photography
Taas pa ng araw Bat ako nasama dito sa bukid hahaha. Ang init. Para akong iniihaw. Buti nalang mahangin. Sarap pa naman maglakad lakad. #Philippines
(skink or al-alibot) dito sa amin alibot tawag namin dito. Hindi ko alam kung ito rin yung (viviparous lizard) same lang kasi sila itsura haha. Kung titignan natin yung balat nila walang pagkakaiba sa balat ng ahas. {Hirap kunan ng litrato pag nilalapitan tumatakbo}. May kanta to sa ilokano [kappi ken alibot] hahaha. Ayon po dito (https://mercurypets.com/are-skinks-dangerous-facts-biting-tips/) ang mga skink o alibot ay hindi naman mapanganib. Wala naman itong dalang…
After two days. Eto na siya. Ang uod sa suha. Nag evolve na siya. Naging kulay green na siya. Kinunan ko ito ngayon lang. Next time siguro magiging butterfly na siya. Napost kona tong isa nung maliliit pa sila 2 days ago. Anggaling talaga. Napaka magical ng mundo natin. Maraming bagay ang nakakapagtaka, nakakagulat at nakakamangha. Wala kang katulad lord i love you. Photo mine #Nature
(kaloula frog) alam ko ito yun. Ang tawag dito saamin nito ay (batbat-og). Nakita ko ito habang umaakyat sa maliit na puno ng balete. Pag hinawakan mo ito lumolobo ang tiyan nito hanggang lumaki akala mo napakalaking palaka. Madalas makita ito sa mga matubig na lugar gaya sa mga palayan. Sa kabundukan ang mga ganitong uri ng palaka ay nakakain (adobo cook). Sa gabi nila ito hinuhuli gamit ang fishnet. Huling tikim ko nito sa pagkakaalam ko 10 years old palang ako. Maliliit…
Kuminang kasi yung mata niya nung nasinagan ng flashlight ng cell phone ko. Nilapitan ko isa palang paro paro. Sabi ko ibuka mo pakpak mo kunan kita picture. Ayaw naman niya kumibo. Siguro may pagkabingi na siya hahaha joke lang. Sinabihan ko siya na wag siya pupunta o kakapit sa pader ng bahay kasi madaming butiki baka madagit siya. Nako busog lusog yung makakakain sa kanya hahaha. #Photography
Yes true. Madalas dahil sa nalilibang tayo sa iba nakakalimutan natin siya. Goodnight noisers. See you tomorrow. Photo credits to google #RandomThoughts
Katulad ng sikat ng araw. Laging sumisikat kahit tag ulan pa yan. Wag kang mawalan ng pag-asang magkajowa friend malay mo ako yon charot haha. Habang may buhay may pag-asa. Lahat ng problema ay problema kaya pinoproblema char haha. Joke lang. Happy morning everyone. Almusal na. Pasukan nanaman ng mga nag oopisina ngayon sana all naka aircon haha. #MyLife
Boys na batang 90's lang nakakaalam nito. Ginagawa nila to pag malapit na ang christmas mga september to december hanggang january meron pa sila. Isa to sa gamit nila sa pagsalubong ng christmas at new year. Alam mo to? Tabla na matibay, goma, asero, pito ng truck. May kulang paba? Haha. #MyLife
Napakaraming ibon dito kasi malapit sa ilog. Naaalala kopa dito kami nangunguha ng gagamba ni kuya pag gabi iniilawan ng flashlight. Dito din kami nakakakita ng pusa na itim kung tawagin ata yun wild cat (mutit). Marami ako makikita dito. Kaya lang hapon na. Sarap mag imagine ng mga bagay bagay dito sa loob ng gubat haha. #Nature
Ayan anghilig kasi sumama hindi matakas takasan. Yan tuloy kung saan saan na kayo naghahanap ng masisilungan eh ang-init init pa. Habol hininga kayo ngayon hahaha. Kala kasi nila may mahuhuli silang makakain dito haha. #Photography
Nung hinarap ko yung camera. Ganito itsura niya. Parang pinapadilim niya yung paligid. Dahil siguro sa effect ng sinag ng araw. Angganda po noh? Makauwi na nga. Yung mga aso ko tinakasan ako. Pero pag sila hindi matakasan. Nakakainis din mga yon eh. Mag isa tuloy ako uuwi. #Nature
Hindi pa po ako nag-dinner kasi nga hinihintay ko si kuya matapos niya yung iniinom niya na isang redhorse kasi di ako sanay walang kasalo. Sila mama nauna na din kasi. Tapos kaninang mga 7:30 ganon may pumunta dito sa bahay nagtatawag sabi dala daw kami platito. Dahil mahiyain naman ako sa mga occasion birthday party o binyag pa yan si mama nalang pumunta. Pag-uwi niya dalawang platito yung dala isang bihon at soup. Yung soup aba kinuha agad ni bunso. Kaya yung bihon nalang…
(jackfruit leaves) kulay dilaw na siya ibig sabihin malapit na siyang mahulog. Matutuyo na siya. Angganda siguro kung lahat ng dahon niya ay ganyan na lang ang kulay noe? Imagine para kang nasa ibang bansa kung ganon. Kaya lang langka pala yon haha. Pero kung iisipin napakaganda. #Nature
Kapag lumaki kang sanay sa hirap, konting blessing lang masaya kana. Kasi kung sanay ka sa hirap. Hindi mo hahangadin yung hindi mo kayang maabot sa ngayon. May tamang panahon. Walang masama mangarap. Pero wag lang sana matupad yung pangarap na yun sa masamang gawain. Goodnight po. Matutulog na ko. Ingat kayo lagi. Lord thank you. Gabayan mopo kami sa panibagong bukas. #RandomThoughts
Ugaliing magpasalamat sa halip ay maghangad. May kailangan o wala matutong tumawag sa kanya. Pagkat lahat ng bagay alam ni god. Magandang umaga. Thank you lord sa magandang gising. #RandomThoughts
Covid-19 update lungsod ng tuguegarao city cagayan may 16. Grabe may nadadagdag parin na mga cases. Hanggang kailan kaya ang pahirap na ito saatin. Nagmistula tayong napapaligiran ng nagliliyab na apoy, takot lumapit dahil nakakamatay. Lagi tayong mag iingat. Hindi natin balewalain ito. Dahil hindi basta basta. Kapit tayo kay lord. Photo credits to https://www.facebook.com/302478209876117/posts/2548730015250914/?app=fbl #Philippines
Downloading cryptotab browser pro latest version. Try ko nga to pandagdag din sa earning. May bayad kasi sa playstore kaya naghanap ako pwede madownloadan ng free. Sana ok siya. #CryptoTrading
Anglaki pala ng benefits ng mga bulate sa lupa para sa mga tanim natin. Hmmm galing ah. Kaya pala tinawag na soils best friends (African night crawler o bulate sa lupa) Galing pa pala ito sa west africa at dinala dito noong 1982. Dito sa amin ang bulate ng lupa ay normal na pinapahin para sa pamingwit ng isda. Pagkain din kasi to ng isda eh. Favorite din itong kainin ng mga manok, pato at mga ibon. Nilulunok nila kahit mahaba. Photo credits at the fb link Mababasa niyo po…
Sa sobrang antok ko diko na namamalayan naaarawan na pala ako sa duyan. Haba din ng tulog ko ah mahigit 2 hours haha. Kaya pala ang init na ng pakiramdam ko. Buti nalang ginising ako ni mama. 3 pm na. Miryenda na naman. Pero wala akong gana. Parang nawawalan ako ng panlasa. Good afternoon po. Tapos yung puso ko ayaw tumibok hahahaha #MyLife
3 hours ako tumulong sa hakot ng mais grabe na this. Nagmuka akong lalake kanina. Tapos pag humangin napupunta pa talaga yung alikabok sa muka ko. Nagkapulbo na ako ng alikabok tapos nagkakulangot pa hahahaha. Ang nakakainis pinagtatawanan pa ako ni kuya. Nagmuka daw akong aeta. Ano magagawa ko huningi sila ng tulong maghakot. Duh hahaha. Ganda ko parin. Grabe angkati ng katawan ko ha. Life nga naman hihi. Good evening po. #MyLife
Aba aba ang nagistiwayt (my dog name) ko may manliligaw hahaha. Mukang magkakaroon na ako ulit ng tuta waaaahhh. Dali tago na kayo baka nahiya pa kayo hahaha. Sagutin kona kaya manliligaw ko para di ako nasasabihang wala ka jowa haha. #Photography
Nahawa na din ata ako sa mga pinsan ko. May sipon na din ako tapos inuubo. Kumakati na lalamunan ko ah. Dahil kaya to sa init at sa malamig na tubig? Pero ewan kaninang hapon pa ko walang panlasa. Kainis ayaw kopa naman ng sinisipon. Pati mata ko affected naluluha. Akala tuloy ni kuya broken ako kasi naluluha ako. Jusmiyo hahaha. Sa totoo lang hindi ako makakain pag wala ako panlasa. Umiinom ako ng suka. Kumain na din ako mangga kasi yun lang nalalasahan ko asim. Hays…
Pagpasok ko ng bahay nakita ko umiinom nanaman si kuya ng isang redhorse. (Hindi kasi siya mahilig makipag inuman sa mga kaibigan niya, minsan sinasaluhan ko siya pero isang shot lang, o kaya mga pinsan namin yun lang nakakainuman niya) Sabi ko kuya paisa sakit kati ng lalamunan ko. Sagot niya matulog kana nga, sinisipon kana nga eh. Babantayan kita mamaya. Wow sweet. Sana all binababantayan hahaha. Dahil ayaw niya naman ako patagayin kahit isa lang edi matutulog. Kala niyo…
Coins.ph widget. All red. Ngayon pwede na mag buy ng bch. Patuloy siya sa pagbaba. Goodnight traders. Good luck po. Diko na talaga kaya makipag sabayan sa screen ng cp ko. Punas ng punas sa mata at ilong. Feel me. #CryptoTrading
Napakacute naman ng bulaklak na to. Parang pamalo lang na may bukol bukol eh haha. Anong halaman kaya to? Ganda. Good morning po. Musta tulog niyo? Ako di masyado nakatulog. Sakit na ng mata at ulo ko. #Photography
Malalaki na sila. Kumakain pa yung isa. Parang alaga ko lang eh every 2 days ko sila binibisita hahaha. Sana hindi sila madagit ng ibon. Gusto ko pa makita kung paano sila mag evolve eh. Ganda na ng kulay nila. Angtataba haha. #Nature
Kulitis na malalaki. Ano tawag sa inyo to? Hindi po ito tanim. Basta tumutubo lang siya. Dito sa amin tatlong klase ang kulitis. Pero nakalimutan kona tawag sa kanila. Basta yung walang tinik maliliit lang siya saka pagapang siya. Yung isa naman matinik pero masarap yun pangsahog sa mga beans like munggo. Yung isa naman yang nasa picture pag lumaki siya lampas katao. Walang tinik may malalaking dahon. Maganda siya masarap din naman na kahit ilaga mo lang at isawsaw sa…
coins.ph widget crypto price. Nakapag buy naba kayo? Tumataas na ulit bch haha. Kahit taas na ng taas at baba ng baba minsan nakakalimutan ko mag sell pag mataas na eh. Nakahold nalang. Dami kona sana naipon kung nagsell ako nung umabot ng 75k haha. Pangload lang kasi kinukuha ko. Yung balak ko magcash out dina natuloy kaya ayos hihi. #CryptoTrading
Anong halaman naman po to? Bulaklak daw po yang kulay pula, lumalaki nalang daw pero hindi bubuka. Pano makakapasok ang Reyna? Joke hahaha. Cute kasi ng bulaklak parang gusto ko pitasin tuloy hahahaha. #Nature
Ang probinsyano na po. Nanood po kayo? Ang maganda sa ang probinsyano bukod sa unlimited ammo ay immortal pa ang bida hahaha. Idol talaga. Tagal na pala ng ang probinsyano noh? Ilang years na? 6? Di ako makababad sa screen. Sira parin Mata ko hahaha. #coco #fpjap #FilipinoCommunity
Hirap talaga ng may nararamdaman. Kung love sick o single sick tong sipon, ubo at lagnat ko eh hahaha. Maya love not sick pala haha. Jowa lang ata kulang sakin haha charot. Gigil si kuya pag tinatanong ko kung may kuya yung jowa niya eh para same mama at papa hahaha. Binabatukan ako. #NoiseCash