Childhood memory. Noong bata ako mga 7 years old. Pag pinapasyal kami ng ina namin sa lugar nila kung saan siya lumaki. Doon sa lolo/lola namin maraming bayabas (guava) dati doon. Hindi nila tanim yon, karaniwang tumutubo lang sila at pinapabayaang lumaki. Maliliit lang ang bunga nila. Kumbaga (native guava). Pag nandon na kami unahan na kami sa pagpitas. Sige pitas. Ang paglagyan namin non damit namin kakagatin namin yung laylayan ng damit. Buong maghapon pinagsasawaan namin ang bayabas at iba iba pang prutas. Noon sagana ang prutas doon kumpara ngayon. Ganon din dito saamin dati. Pero habang lumilipas ang panahon at lumalaki kami paonti naman pakonti sila. Nauubos pinutol ang mga puno. Isa sa pinakapananabikan at pinakamimiss kong alaala noon ang bayabas. Na ngayon pawala ng pawala. #MyLife
No comments yet